CHAPTER 3

16 2 0
                                    

(Arcy's Pov.)

Pagkapasok na pagkapasok ko ay unang tumambad sakin ang malaki at napakagandang loob ng mansion. Grabe sobrang ganda talaga, madaming painting at mga bagay na sa tingin ko ay antigo na. Pero ang nagtatak talaga sa mata ko ay hati sa dalawa ang mansion. Sa right side ay kulay white ang tiles pati na ang dingding at kisame, samantalang sa left side naman ay kulay black pati na ang mga sofa, dingding, kisame, at tiles. Nakakapagtaka lang kong anong ibig sabihin nito.

"Yan ang dalawang sections dito. Ang Alpha wing at Beta wing," sabi ni Principal Mary.

"Ah. Para sa'n po tong black and white na to? Bakit merong ganun?" takang tanong ko.

Napangiti nama sya bago nagsalita.

"Malalaman mo kung ano ang purpose ng mga to pag nagstart ka nang magschool," sabi nya. Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad, kanina ko pa nga napapansin na panay ang tingin sakin ng mga nadadaanan namin. Iba-iba nga talaga ang mga lahi ng mga nag-aaral dito. May Canadian, American, Chinese, korean, pinoy, at marami pa.

"Ok this is the girl's dormitory. Hanapin mo lang ang room number mo at pumasok ka na at magpahinga. Your class will start tommorow kaya prepare ka na rin. Nasa cabinet ang uniform mo," paliwanag ni Principal Mary.

"Thank you po ulit," sabi ko at nagbow ng konti. Narinig kong napatawa sya ng konti kaya nahiya ako masyado. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng kwarto ko. Grabe ang dami nung pinto. Tiningnan ko yung room number ko.

"...1213," hayst. Ang layo pa siguro nito. After how many years nakita ko rin yung kwarto ko. Lupaypay na ko sa pagod kaya pagkapasok na pagkapasok ko ay dumeretso na ko sa kama ko. Parang nasa bahay lang ah, tiningnan ko ang oras. 12:46 pm. Tanghali na pala?! Medyo nahiya pa ko sa sarili ko kasi tumunog tiyan ko dahil sa gutom. Shit kailangan ko munang kumain. Nagbihis na ko tsaka hinanap ang cafeteria. Ngayon ko lang din napansin na meron akong tattoo na letter B sa pulso ko banda.

"...ano to?" takang tanong ko sa sarili ko. Pinunasan ko pero ayaw maalis.

"Transferee?" napalayo ako ng ilang metro sa nagsalita sa tabi ko. Nanlaki din ang mga mata ko sa sobrang gulat habang hawak ko parin ang pulso ko.

"Haha. Kalma lang. Ako nga pala si Thea section beta din ako tulad mo," sabi nya at pinakita nya sakin ng tattoo sa pulsuhan nya banda.

"Ah... hehehe. Pasensya na sa naging reaction ko," sabi ko. At kapag minamalas ka nga naman narinig nyang humuni ulit tiyan ko. Natawa sya ng konti kaya nahiya tuloy ako.

"Tara sa cafeteria tayo. Nagugutom narin kasi ako," pag-anyaya nya kaya sumunod narin ako. Shems kakahiya!

"Sya nga pala ako pala si Arcy kakarating ko lang dito kaya di pa ko masyadong familliar sa mga lugar lugar dito," sabi ko.

"Ah ganun ba? Ako 3 days ago pa ko dito. Pwede ko bang malaman kong anong ability ang meron ka?" Tanong nya. Ability? Siguro ay yung matakaw sa pagkain.

"Ah. Mahilig akong kumain ng pagkain. Palagi akong nagugutom," masayang sabi ko. Natawa nanaman sya ng konti sa sinabi ko.

"I mean your power? Anong kapangyarihan mo?" at this point napaisip ako sa tanong nya.

"H--huh?" takang tanong ko.

"Hindi mo pa siguro nagigising ang kapangyarihan mo," napaisip ulit ako, anong meron sa babaeng to at puro kapangyarihan ang tanong?

"Siguro?"

"Tara dito tayo. Oorder lang ako. Anong gusto mo?" tanong nya.

"Ah.. eh.. dalawang order ng order mo. Nagugutom kasi ako eh," nahihiyang sabi ko.

"Sige just wait me here. Ok?" tumango lang ako at naglakad na sya palayo. Hayst anong ibig nyang sabihin dun?

Naglalakad na kami ngayon habang subo-subo ang tatlong piraso ng french fries.

"Dito nalang ako 0190 kasi yung room number ko. Kita nalang tayo mamaya para sa dinner," sabi nya.

"Salamat sa pagsama," sabi ko at umalis na para tumungo sa room ko.

Pagdating na pagdating ko ay nakaramdam ako ng antok at pagod kaya napagdesisyunan ko na magpahinga nalang muna.

"Hey bitch! Tandaan mo to! Babalikan ka namin! Gaganti kami sayo! Pagbabayaran mo ang mga ginawa mo samin! Mamatay ka na bitch!" napabalikwas ako sa kama ko ng makapanaginip na naman ako ng mga weird things. Napatingin ako sa bintana ko and then I saw a fullmoon. Napasampal ako sa noo ko nang marealize ko na ginabi na ko ng tulog. Di pa naman ako nagugutom kaya napagdesisyunan ko na lumabas muna para magpahangin. Tinungo ko ang hallway at binuksan ang main door ng mansion. Grrr.... ang lamig.

Naglakad-lakad muna ako, isa pa maganda ang ganitong oras maglakad-lakad. Naupo ako sa isang bench and then I saw the moon. Maganda ang view ng buwan dito kaya di ko maalis ang mga mata ko.

Sa sulok ng mga mata ko I accidentally saw a figure of someone na nakatingin sakin. Di ko sya masyadong maaninag kasi medyo madilim sa part kung nasaan sya.

Napatayo ako bigla nung bigla syang naglaho ng parang bula. Nanindig ang mga balahibo ko and then I find myself running in hall papunta sa room ko.

Pagdating ko sa room halos habulin ko ang hininga ko sa sobrang pagod.

"...what was that?"

To be continued....

ALPHA & BETA ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon