(Arcy's POV.)
"Waaah!!!!!," napabagsak ako sa kama sa sobrang pagod, kainis si Professor Weiz ikaw ba naman patakbuhin sa buong trainning ground samantalang ang iba nagpapalipad ng mga apoy, yung iba naman nagiging metal, yung iba nagbubuhat ng malalaking bato at hinahagis sa parang taong puppet na gumagalaw.
Sa sobrang inis ko di ko namalayan na nakagat at nasira ko na yung pillow ko. Hehehe..... ganito ako kapag naiinis. Heheh.... lol.
Nagpahinga muna ako ng ilang minutes at nagbihis na. Pupunta ako sa cafeteria kasama si Thea. Di narin ako natakot sa kanya kasi naipaliwanag na naman sakin lahat ni prof.
"Thea!," tawag ko sa kanya ng makita ko syang papunta rin sa cafeteria.
"Ay iba din. Ang bilis ah, kala ko 1 hour kang magpapahinga eh parang 10 minutes lang pinahinga mo," natatawang sabi nya.
"Eh, nagugutom na kasi ako," sabi ko at hinimas himas tiyan ko.
"Ako nga din eh. Na gamit ko kasi yung energy ko sa kakatrainning na ma perfect tong skills ko".
"Hayst buti ka pa. Baka wala talaga akong kapangyarihan," sabi ko.
"Brah brah brah! Tara na gutom na talaga ako," ngumiti nalang ako at kinapitan sya at pumasok na sa loob.
(Christian Ace Flinn's POV.)
Nakaupo ako ngayon dito sa loob ng cafeteria kasama ang grupo. Napatingin ako sa pinto ng cafeteria ng biglang bumukas at pumasok ang dalawang babae na nagtatawanan papunta sa counter. Tsk, sya yung babaeng nabangga ko kanina. Transferee panigurado, di kasi kilala ang binabangga. Hindi naman yun big deal ang pagbangga, pero kasi may something na wierd ang bigla kong naramdaman nung pagbangga nya sakin. Yung sa loob nya, familiar ang presence ng skills nya, hindi ko lang marecall kung san ko yun naramdaman. Isa sa ability ko ang makasense ng mga ability at skills ng isang katulad kong mga gifted na tao.
"Tol. Transferee oh. Ang ganda, she's different from other girls I saw," biglang sabi ni Mike.
"Tsk. Yan lang ba ang alam na sasabihin mo kapag may nakikita kang magaganda? Lahat nalang ata ng babae yan ang tingin mo. Tsk.... Palibhasa playboy," eto na naman silang dalawa masasapak ko tong mga mokong na to.
"Tigil tigilan mo nga ko Sheia! Nakakapang-init ka ng ulo eh!" sigaw naman ni Mike.
"Ah so ako pa ngayon ha!? Hoy lalaki tandaan mo! Kung ang ibang babae napapaikot mo sa kamay mo pwes ako hindi!!" Sabi ni Sheia sabay tayo bigla.
"Hoy! Asahan mong hinding hindi ako magkakagusto sayo," sigaw din bigla ni Mike sabay tayo.
"Tsk. Ang low class mo naman kung ikaw pipiilin ko, ews," sabi pa ni Sheia na parang nasusuka pa.
"Hoy! Anong sabi mo?! Low Class?! Hoy! Sandali...." sabi ni Mike at kinuha ang isang saging at hinabol si Sheia.
"Humanda ka sakin! Ugly bird! Humanda ka!!!"
"WAAHHH!!! masasapak talaga kita sadista ka!" hayst. Naghabulan parin hanggang sa labas.
Napatingin naman ako kay Jace habang tawa ng tawa.
"What?," sabi nya.
"Give me some information about that girl," sabi ko at tiningnan ang babaeng tinutukoy ko.
"Oh? So that's the kind of girl na gusto mo?" sinamaan ko sya ng tingin at bigla naman natakot at inayos eyeglasses nya.
"Kalma lang Captain. Ayus ibibigay ko sayo mamayang gabi," sabi nya ngumiti.
"Tsk. Mauna na ko. Alam mo naman kong san ako makikita, puntahan mo nalang ako if may kailangan ka," sabi ko tumayo. Tiningnan ko yung babae bago naglakad palayo.
Kailangan makilala kita at baka malaman ko kung san ko yun naramdaman ang skill nya. Lumabas na ko at dumeretso na sa hideout ng grupo. I need to rest, kakapagod magtrainning.
(Arcy's POV.)
"Huh?" familiar yung lalaking dumaan sa tabi ko. Yung amoy ng perfume nya parang naamoy ko na di ko lang matandaan kong saan ko yun unang naamoy.
"Oh bakit? Ano yun?," umiling lang ako sa tanong ni Thea at kumain nalang ulit ng fries. Hayst, kahit kailan paborito ko talaga ang pagkaing to. Wiieee.... heaven.
"Ay Ar mauna na pala ako may urgent muna ako na pupuntahan," sabi ni Thea habang nililigpit ang gamit nya.
"Wait what? Iiwan mo ko? Wala akong kasama dito," nagsadface pa ko sa kanya pero umiling lang sya.
"Order ni Prof. Babalik ako pagkatapos promise," eh?.
"Sige na nga. Pero babalikan mo ko ha? HA!?," napatawa sya at tumango.
"Ok. See yah," umalis na sya at naiwan akong mag-isa dito. Ilang minuto din akong nakaupo sa loob ng cafeteria, hanggang sa pinili ko nalang na umalis kasi nakakailang na lahat ng mga estudyante dito nakatingin sakin. Ano bang meron sakin at pinagtitinginan ako?.
Lumabas ako at naglakad lakad lang. Hanggang sa napadpad ako sa field kung san may mga naka P.E. uniform na mga estudyante na naglalaro ng soccer, yung iba naman nagvovolley ball. Naglalakad lakad lang ako habang iniisip kung ano ba talaga ang skills ang meron ako. Hm... siguro wala, kasi wala naman akong nararamdaman eh. Parang ordinaryong ibon lang ako na napadpad sa isang angkan ng mga agila. Hayst.... kamusta na kaya si Papa? Ano na ka---.
Feel ko nagsoslow motion ang lahat ng biglang may tumama sa ulo ko na isang matigas na bagay. Na sa sobrang tigas feel ko nagcrack na yung bungo ko. Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko dahil sa pagkabigla ko. Hanggang sa naramdaman ko ang init ng lupa, bumagsak na pala sa kinatatayuan ko.
"Haha!!! Ang clumsy talaga!," rinig kong sigaw ng isang babae.
" Yan ang napapala ng mga taong walang alam," isang babae din ang nagsalita.
"How dare you to bump on our Christian?," hindi ko alam ang pinagsasabi nila. Pinilit kong iangat ang katawan ko pero di ko talaga kaya, bumabagsak ang katawan ko. Ramdam ko rin na may dumadaloy sa mukha ko, and then I saw my blood.
"shit blood,". Tiningnan ko ang mga babaeng gumawa nito sakin, then a flashback appear from the past. Nightmare, yes a nightmare from the past, yung may nangbully din sakin from the past. Biglang kong naalala ang lahat ng ginawa ko dun kina Elise at sa dalawa nyang kaibigan. I can't control my power that time and I let my emotions flow. Kaya.... kaya napatay ko silang tatlo. Mga taong walang kalaban laban ay napatay ko. Kasalanan ko yun lahat, kasalanan ko din kung bakit hanggang ngayon ay hinahabol parin nila ako hanggang sa panaginip ko. Kasi ako ang dahilan kung ba't sila nawala sa mundong to. I can't stop my tears kaya umagos nalang sila. Then suddenly biglang nandilim ang paningin ko at di ko na alam kong ano na ang sumunod na nangyari.
To be continued......
BINABASA MO ANG
ALPHA & BETA ACADEMY
FantasyA kind of school where all the gifted students are invited to enroll or to transfere here. Only the requirements are: you have supernatural abilities and other unbelievable power. There's only one objective: You need to control your power after the...