(Arcy's POV.)
4 days nalang at Reunited Event na, hayst naprepressure talaga ako kasi wala akong experience sa mga ganitong klaseng event. Mga sports siguro may kaya pa ko, pero sa duel? Wala na kong pag-asang manalo jan. Nagrequest ako ng declination kay Prof. kahapon pero wala talaga, ayaw nya kasi na pass na daw yung participants. Gagalingan ko nalang daw kasi irerepresent namin yung academy sa mga visitors, madami ding mga Alumni ang pupunta dito.
Nagpapahangin lang ako dito sa bench, wala kasing magawa free time naman namin ngayon. Si Thea may ginagawa, kaya pala sya palaging busy kasi isa sya sa Board Member kaya di na kami masyadong nagsasama. Ang sarap ng hangin dito, fresh at nakakarefreshing.
"So dito pala tambayan ng isang Ms. Valiant," gulat na napatingin ako sa likod ko nang may nagsalita. Di ko sya kilala, nakita ko ang tatoo sa leeg nya. Section Alpha sya at naka-eyeglasses. Ngayon ko lang ata sya nakita.
"Uh--uhm...".
"Don't worry makikipagkilala lang ako. My name is Jace Aris, I'm from section Alpha. Kamusta ka na?," di naman sya nakakatakot medyo naiilang lang ako kasi may isang taga-Alpha ang nakikipagkilala sakin.
"A-ayus lang. Arcy nga pala, nagkakilala na ba tayo?," takang tanong ko. Umupo sya sa bench sa tabi ko pero may space.
"Actually ako yung nagpatulog sayo nung time na di mo nakontrol ang kapangyarihan mo, sa field na to remember?," eh? wala akong maalala nun ang naalala ko lang nahimatay ako.
"Sorry pero di kita naalala pero thank you kasi tinulungan mo ko," nakangiting sabi ko.
"Hehe ayus lang," sabi nya habang nagkakamot ng batok.
"Sorry nga din kasi nahampas kita sa batok mo para lang mahimatay ka. Pero di ko naman inaasahan na makakatulog ka ng dalawang araw. Nagulat lang siguro katawan mo at nasobrahan mo siguro sa paggamit ang energy mo dahilan kaya nagkaganun ang kinalabasan," tumingin ako sa kanya pero nakatingin lang sya sa field.
"Ah. Oo, sorry sa nagawa ko. Di ko lang napigilan ang kapangyarihan ko na kontrolin ako nito. Natrauma kasi ako dahil dati may nangbully din sakin kaya siguro nauwi sa ganun. Sorry talaga," nakayukong sabi ko.
"Haha. Wala yun. So...," tumayo sya at humarap sakin.
"...aalis na ko. May meeting pa ko na aattendan. Nice to meet you again Miss Valiant," sabi nya at nakipagshake hands sakin.
"Arcy nalang, masyado kang pormal," ngumiti lang sya at naglakad na paalis.
Tumingin ako sa relo ko, 11:30 p.m. na pala kailangan ko nang kumain at pumasok sa klase. Tinungo ko ang cafeteria ng wala si Thea sabi nya rin naman sakin na kumain nalang daw ako ng wala sya kasi baka malate sya ng konti kaya kakain ako ng mag-isa.
Nag-order lang ako ng simple lunch food at kumain. Habang kumakain ako, bigla ako napatigil sa pagmuya ng bigla akong makaramdam ng parang lumilindol. Napatayo ako bigla ng may narinig akong sumabog di kalayuan sa cafeteria. Pati mga estudyante na nandito napatayo din at tumingin sa labas. Tumigil din saglit ang lindol kaya tumakbo ako palabas ng cafeteria at nakitingin din kung sa'n nangyari ang pagsabog.
Then I suddenly saw a smoke, na sa tingin ko ay nasa..... Central park, ang center ng campus. May visible cracks at butas din sa itaas kung saan sumabog. It means, nasira ang barrier ng campus.
"Attention to all students. You are requested to please slowly gather to the gymnasium. We can't allow our students to fight with the unknown intruders. So please do as what we say, gather to the gymnasium ASAP... I repeat Gather to the gymnasium ASAP!," nagsitulakan ang mga estudyante dito, may mga nadadapa at sumisigaw. Napaatras ako bigla ng may isang estudyanteng aksidenteng nagtulak sakin kaya napapasok ulit ako sa cafeteria. Nataranta ako bigla ng may marinig akong umiiyak, nilibot ko ang paningin ko at may nakita akong isang Alpha student na di maalis ang paa sa natumbang lamesa. Para syang elementary student sa height nya at parang bata talaga. Mabilis akong pumunta sa dereksyon nya at tinulungan sya.
"Ok ok. Please Miss kalma ka lang muna...," natataranta na talaga ako kung anong gagawin ko.
"Please... help me po please," umiiyak at pagmamakaawa nya. Wala na kong nagawa at tinulak ko ang mesa pero sadyang mabigat talaga ang mesa.
"A--aray po! Masakit dahan dahan lang po," mas nataranta ako lalo nung napapasigaw sya sa sakit. Huli na nung maalala ko na may kapangyarihan pala ako. Lumayo ako nang konti sa kinaruruonan nya at nagfocus.
"Alisin mo ang paa mo kapag sinabi kong alisin mo. Ok?," tumango lang sya at patuloy parin sa pag-iyak. Nagfocus ako sa pagpalabas pero nahihirapan ako, nawawala ako sa concentration ko. Inhale......exhale.....inhale..... exhale......... Itinapat ko ang kamay ko sa dereksyon nya at create ng invisible wave. Inangat ko ang mesa pero nawawala talaga ako sa concentration ko.
"On my mark. One..... two..... alisin mo na!," utos ko at inangat ko ang mesa kasabay nun ay inalis nya ang paa nya," hay salamat napaupo ako sa sahig sa ginawa ko.
"A---ate salamat," ngumiti lang ako sa kanya at tumayo at tinulungan syang makatayo. Maglalakad na sana kami nang may isang nilalang ang biglang dumaan sa labas ng cafeteria at tumigil pa talaga sa tapat ng glass door pero nakatalikod ito samin. Di ko maigalaw ang katawan ko dahil sa nakikita ko ngayon. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng nilalang. May mahahaba itong daliri na matulis, pahabang ulo, kulay berdeng katawan, at-----at matutulis na ngipin at pulang mga mata. Dahan dahan kaming umatras nung akay-akay ko na estudyante. Pero kapag minamalas ka nga naman nakaapak ako ng isang basag na baso. Nanlaki ang mga mata ko ng biglang humarap ito sa dereksyon namin. Pero isang violet na energy ang biglang lumabas sa estudyanteng akay-akay ko. Napatingin ako sa kanya at kita ko sa mukha nya na nahihirapan na sya.
"Illusion, yan ang ability ko..," sabi nya. Tumingin ako sa nilalang na nasa harap namin at parang wala itong nakikita at lumilinga-linga lang na parang naghahanap. I grab the opportunity para magtago sa likod ng counter kasama ang estudyante. Bigla ding nawala ang violet light kanina nung nakatago na kami. Sumandal ako sa dingding nang counter habang hawak hawak ang dibdib ko. Ano yun? Bakit may ganun?.
"Ate salamat. Salamat at tinulungan mo ko," nakayukong sabi nya. Tiningnan ko sya at ngumiti.
"Ayus lang. Salamat din at niligtas mo tayo dun sa creepy creature na yun," umiwas sya ng tingin na para bang nahihiya.
"Zieya (za'ya') po pala pangalan ko," sabi nya pero in a pabulong way.
"Arcy. Ate arcy nalang itawag mo sakin," nakangiting sabi ko. Sumilip ako sa gilid ng counter at thank goodness wala na yung nilalang na yun.
"Kailangan na nating umalis dito. Di tayo safe dito, sa gymnasium tayo pupunta," tumango lang si Zeiya at inalalayan ko ulit na makatayo. Dahan dahan kaming lumabas sa cafeteria. Nanlumo ako sa nakita ko na puro usok lang ang nakikita ko sa langit at mas dumami pa ang basag sa barrier. Lumabas kami at dumaan sa back part ng cafeteria may daanan din kasi dito. But then iba ang nadatnan namin.....
To be continued.........
BINABASA MO ANG
ALPHA & BETA ACADEMY
FantasyA kind of school where all the gifted students are invited to enroll or to transfere here. Only the requirements are: you have supernatural abilities and other unbelievable power. There's only one objective: You need to control your power after the...