(Arcy's POV.)
Naku heto na talaga, nakakahiya at pinagtitinginan ako dito sa harap. Nasa trainning ground kami ngayon para ipakita ang skills ko. Nasa harap ko ngayon si Prof. Weiz at ang mga kaklase ko. Kahapon tinuruan ako ni Thea kung pano kontrolin ang kapangyarihan ko but then I always failed. Pero medyo nakuha ko naman nung huli. May ilang metro din ang layo nila mula sakin, kinakabahan talaga ako.
"Ok Miss Valiant. You may start.," sabi ni Prof. Hindi ko alam kung pano ako gagalaw I mean hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Tumingin ako kay Thea pero sinenyasan nya lang ako ng inhale at exhale tsaka thumbs up. Kumalma muna ako bago ako tumingin kay Prof. May nakita akong mga bitak ng bato sa paligid. Nagfocus ulit ako at pinagalaw ang mga bato. First attempt ko, shet hindi gumana. Kinakabahan kasi talaga ako pero tinry ko parin hanggang sa napalutang ko ang bato. Medyo mainit sa pakiramdam kapag nagagamit ko ang kapangyarihan ko. Ipinaikot ko ang mga bitak ng bato kung nasaan ako nakatayo. Parang nasa loob ako ng buhawi na bato, itinigil ko ang pagkontrol sa mga bato at hinayaang malaglag ang mga malalaking bato sakin pero alam ko naman ang susunod kong gagawin. Ginamit ko ulit ang kapangyarihan ko at gumawa ng shield para sa mga nagbabagsakang mga bato. Isang invisible barrier ang nagawa ko pero hindi sya ganun ka lakas para sa totoong atake mula sa opponent ko kung magkakaduel sa isang event.
Kita sa mukha ng mga kaklase ko ang pagkamangha pero si Prof. panay ang sulat nya sa papel, siguro sinusulat nya yung improvements ko.
"Ok Miss Valiant. You did great pwede ka ng tumigil," tinigil ko ang paggamit ng kapangyarihan ko at hingal na napaupo. Di naman ako tumakbo pero kung makatibok tong puso ko kala mo sinisipa ng kabayo. Pero sabi sakin ni Thea natural lang daw yun kasi nga ginagamit ko ang energy sa katawan ko.
Nakita kong masayang palapit si Thea sakin.
"You did great Ar. Kahapon halos mag-give up ka na pero ngayon naperfect mo na ah," hehhe. Walang alam si Thea na lumabas ako kagabe at nagpractice dito, buti nga pinayagan ako ng guard na pumasok.
"Hehehe... thanks," after that scenario ay bumalik muna kami sa dorm para sa 15 minutes na pahinga. Naligo ulit ako at lumabas pero dumiretso muna kami ni Thea sa Cafeteria para kumain,kakagutom kasi.
"Oy sya nga pala. Narinig mo na yung Reunited Event?," napaangat ang kilay ko sa tanong nya, ano yun?.
"Well I guess not. Ang Reunited Event ay parang isang fiest dito sa Academy. May tatlong school ang pupunta dito para sa fiest kaya masaya to. Open sa lahat maliban sa mga hindi students kasi students and teachers lang talaga ang allowed," nakangiting sabi nya.
"Oh? Talaga? Kailan yan?," amazing.
"Next week na. Meron nga daw na duel para sa magkaibang school," oh?.
"Galing," nanlaki naman ang mata ko ng ngumisi sya sakin at may malatingin ng demonyo, may binabalak to eh.
" Sali tayo sa duel?," nakangiting demonyong sabi nya.
"Naku wag mo kong isali jan. Hindi ako bagay sa mga ganyang bagay Thea. At isa pa limited lang ang paggamit ko sa skill ko. Kaya no way," pikit mata kong sabi habang nakapout.
"Ehhhhh? Siguradong madaming hot boys dun kaya sige na!," ayaw ayaw ayaw!
"Ayaw! Maglilibot nalang ako at mag-eenjoy sa mga paligid at manonood," sabi ko habang nakacross arms. Hihihi.
"Eh? Basta sasali ako. Support mo ko ha?," nagthumbs up ako sa kanya.
"Ako pa ba? Syempre support kita," sabay kindat. Ngayon ko lang din narealize na may mga Alpha students pala dito pero good thing at hindi na sila tumitingin sakin, na sanay na siguro sa presence ko. Buti naman kung ganon!
"Ok class, I'm going to pick some participants para sa darating na fiest next week...," sabi ni sir. Naku wag nyo kong dalhin jan magkakamatayan na tayo.
"This fiest will give you an extra points to your card and also kapag nanalo ka sa sinalihan mo theres a possibility na hindi ka ikick-out when the Assessment Test come," ngayon ko lang naalala may card pala na binigay samin para daw itong credit card namin dito.
Well napapaisip ako para event, but hell no hindi ko kaya baka ikamatay ko pa. No, no, no wa-----.
"....Miss Valiant and Mr Driffon," napatigil ako sa pagmumuni ng tawagin pangalan ko.
"P---po?," tarantang tanong ko, yan kasi di ka nakikinig.
"Isa ka sa magduduel para sa events. I don't accept no's kaya you all have no choice. At isa pa nakataya din sa inyo ang reputasyon ng Academy," pressure!
"Eh Prof.-----,".
"Ok class dismissed," WHAT!???. Arcy? Asan na yung magkakamatayan muna tayo? Nawala na? Wala na talaga!. (T^T)
"Yiieee! Kasali ako! Wahahaha!!," buti pa si Thea masaya, umakyat pa talaga sa lamesa nya at sumigaw. Tumawa naman ang iba naming kaklase pero ako ayaw ko talaga, hindi naman sa waste of time pero takot talaga ako at wala pa kong experience sa mga ganitong bagay.
Kainis ayaw kong sumali!!!!. Napasubsub nalang ako sa desk ko habang ginugulo ang buhok. AYAW KONG MASAKTAN!!!!!!!!!
To be continued..........
BINABASA MO ANG
ALPHA & BETA ACADEMY
FantasyA kind of school where all the gifted students are invited to enroll or to transfere here. Only the requirements are: you have supernatural abilities and other unbelievable power. There's only one objective: You need to control your power after the...