CHAPTER 4

12 2 3
                                    

(Arcy's POV.)

"Eh? Sige na! Sabihin mo na kung saan ako makakakuha," sabi ko habang niyuyugyog ko ang balikat ni Thea.

"No. I already told you, hindi pwedeng gumamit ng cellphone dito. At isa pa nasa rules na wag gumamit ng cellphone sa loob ng academy," napasalampak ko ang mukha ko sa ibabaw ng desk ko. Gusto ko na talagang makausap si Papa tungkol sa wierd na paaralang 'to. Nandito na nga pala kami sa room namin, ang dami nga naman ng mga estudyante na nag-aaral dito. Hayst, grabe yung kaba ko kanina habang nagpapakilala. Hate ko talaga yun eh!

"Hoy umayos ka na nandito na next teacher natin," pabulong na sabi nya kaya umayos narin ako ng upo. Ba't most of the teacher dito naka-eyeglasses? Sira na ata mga mata nila..LOL.

"Ok class before we start our discussion I would like to welcome your new classmate right there. Good morning Miss Valiant," nahihiyang ngumiti lang ako sa kanya. Ba't ganun? ang awkward makatingin ng mga kaklase ko sakin?

"Ok. Everyone please head to the Beta's Trainning Ground," napatingin ako lay Thea na ngayon ay nag-aayus ng kulay puting buhok nya.

"Ano ganap?" Takang tanong ko.

"Ewan ko. Tara na baka mahuli pa tayo," tumayo narin ako at sumunod lang sa kanya. Nakarating kami sa isang napakalawak na gymnasium pero mas malaki at mas malawak pa sa isang gymnasium.

"Ok then. Before I start saying my Instructions I would like to introduce myself first to Miss Valiant. My name is Proffesor Weiz," again awkward na ngumiti ulit sa kanya.

"Ok! Attention please! Ok. Pinapunta ko kayo dito for a purpose. Freshmens I want you to train yourself here. I want to know what your power really is. I'm going to test your skills tomorrow that's why I want you all to practice for the Mini-Quiz tomorrow," huh?!. Ano daw? Anong meron bukas? May ano? May bigayan ba ng bigas? Ba't ako lang dito yung hindi masaya at bagsak ang baba sa sinabi ni Prof.?!

"T--thea. Wala akong naintindihan. K---kahit i---isa," nanginging na sabi ko kay Thea na ngayon ay naluluha na sa kakatawa.

"Your face is really---pffft! One of a kind expression! WAHAHAHAH!!!!!!," eh???. Napa-upo ako kung san ako nakatayo kanina at pinaprocess pa nang utak ko kung ano ang susunod kung gagawin.

"Ganito kasi ya--- tigilan mo nga yang mukha mo! Sumasakit na tiyan ko eh!," umayos na ko at hinarap sya.

"Ok.Ang Academy na pinasukan mo ay hindi isang ordinaryong academy lamang. Ang pinasukan mo ay Paaralan ng mga gifted na tao tulad mo, ko, natin lahat dito," wala akong masabi sa mga narinig ko.

"Try to see this," inaangat nya ang kamay nya at sa sobrang gulat ko napatayo ako ng wala sa oras. Kasi naman isang nagyeyelong Ice ang biglang lumabas sa kamay nya. Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko. Inilibot ko ang mga mata ko at katulad ng nakita ko kay Thea lahat ng nandito ay iba-iba ang mga kakayahan nila. May mga lumilipad, nagiging taong metal, nagiging kuryente , at marami pang hindi kapanipaniwala.

"Is this a joke?!" napataas bigla ang boses ko pero wala naman atang nakarinig dahil may mga bagay na sumasabog dahil sa practice trainning dito.

"Akala ko kas---" di na natapos ang sasabihin sana ni Thea ng may tumapik sa balikat nya.

"Ako na ang magpapaliwanag Miss Tyler. Miss Valiant sumunod ka muna sakin may pag-uusapan tayo," tumingin muna ako kay Thea pero kinawayan nya lang ako at sinenyasang makinig ng mabuti kaya sumunod ako kay Prof. Weiz.

Sumunod lang ako sa kanya palabas ng trainning room hanggang sa napunta kami sa isang mini park dito na may fountain sa gitna.

"Ok. I want you to listen first before you react. Understand?" tumango lang ako at nakinig ng maigi.

(Thea's POV.)

Hayst. Nabigla ko ata ang babaeng yun. Kasi naman walang kaalam alam sa mundong pinasukan. Ewan ko kung ano at paano sya nakapasok dito kung wala syang kakaibang ability. Hayst...

Nagfocus nalang ulit ako habang kinokontrol ang yelong ginagawa ko. Sana naman malinawagan sya sa mga sasabihin ni Prof. Weiz.

Inhale...exhale...inhale...exhale...

"Frost..." at nagsilabasan ang mga ice spikes sa sahig papunta sa dummy na nasa harap ko.

And in just a blink puro tusok tusok na ang katawan ng dummy. Success ang concentration ko. *smirk*

(Arcy's POV.)

Nasabi na sakin ni prof. lahat ng detalye pati na ang mga kailangan kong paniwalaan. Napag-alaman ko na unang lumabas ang kapangyarihan ko nung binully daw ako nina Elise sa stock room, nung pinahirapan nila ako. Hindi ko daw nakontrol ang kapangyarihan ko kaya nadisgrasya at nagkaproblema. Kaya trinansfere ako dito para matutunan kong kontrolin ang bagay na dumadaloy sa kalamnan ko o ang kapangyarihang tinataglay ko.

"Ok. Lets proceed to the trainning room," tumango lang din ulit ako at tulalang napalakad papunta sa trainning room. Di ko namalayan na nauna na pala si prof. Wala talaga akong maintindihan kahit isa, hindi ko alam kong sa'n nanggaling tong kapangyarihan ko. Pero sabi ni Prof. nasa genes daw ang pagiging special, wala daw sa dugo o sa kahit anong bagay ka magkakaroon ng ganitong kapangyarihan. Para lang daw itong virus na nang-iinfect ng mga genes ng tao that can lead to mutation of cells na nagpapalabas at nageenhance ng brain capacity in its highest level. Habang naglalakad ako hindi ko namalayan ang isang bagay sa harapan ko at nabunggo ng wala sa oras.

"A---aray..." sabi ko sabay hawak sa noo ko. Feeling ko kasi nabunggo ako sa isang matigas na bagay. Napaangat ako ng tingin at sa sobrang gulat ko napaatras ako dahilan para matumba ulit. Aray naman!

"S---sino ka!?" kinakabahang tanong ko. Ikaw ba naman makakita ng isang itim na usok na nakatayo sa harapan mo na parang grim reaper ang mukha tingnan natin kung di ka kikilabutan. Nagulat ulit ako nung biglang naglaho ang usok at tumambad sa paningin ko ang tao na nasa likod nung dating usok. Isang lalaking nakakaintimidate ang presence na yung tipong tingin palang tiklop ka na. Mabilis akong tumayo at nagbow.

"So---sorry! My mistake. I apologise," sabi ko. Ilang segundo lang din nung wala akong marinig mula sa kanya. Kaya napasilip ako, pero nandun parin sya, at nakatingin lang sakin.

"What section are you?" eh?.

"Ah. Im in section BETA," sagot ko.

"Tsk. Clumsy. Give way," aba! Grabe din to ah! Asan consideration mo Mr.?

Naglakad na sya at nilagpasan lang ako habang nakatulala na naman. Sisigawan ko pa sana sya pero bigla na namang may lumabas na usok mula sa kanya at nagform into a grim reaper-like again. Napaurong dila ko at dali-daling pumasok sa Trainning Room. Kainis! What was that? Nakakasira nang araw!

To be continued......

ALPHA & BETA ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon