CHAPTER 6

12 4 2
                                    

(Thea' POV)

Pabalik na ko ngayon sa cafeteria para balikan si Arcy dun. Baka kasi san pa yun mapapadpad eh kabago bago lang nya dito. Pumasok ako sa cafeteria, pero wala na sya dun. Nag-isip ako ng mga lugar kung san sya posibleng pumunta.

"Baka sa mini park... Tama!," mabilis akong nagtungo sa Mini park pero wala akong Arcy na nadatnan dun. Asan na kaya yung babaeng yun, baka naligaw na yun.

Napahinto ako bigla sa pag-iisip ng makarinig ako ng mga ingay ng estudyante. Parang may something na nag-aaway, hayst di ko na sana sila papansinin kasi hinahanap ko pa si Arcy.

"Thea! Thea sandali!...," napatingin ako sa babaeng tumatakbo papunta sa dereksyon ko.

"Oh? Cassandra may kailangang ka ba?," umiling lang si Cassandra at habol habol ang hininga. Ano naman kaya to.

"Di...diba.....kai......bigan mo......yung transferee....?" Huh?.

"Sino? Si Arcy? Bakit may kailangan ka sa kanya?," tanong ko.

"Kung sino man sya. Nasa field sya pinagtritripan nina Alysa," sabi nya.

"Shit!," si Alysa ang bully sa mga transferee dito. Nasa section Alpha sya kaya most of us dito ay takot sa kanya. Pero pag may nangyaring masama kay Arcy dahil kay Alysa, makikita nya talaga ang pagkademonyo ko.

Patakbo kong tinungo ang field at laking gulat ko ng makita si Arcy na nakatayo at may mga parang invicible waves na lumalabas sa kaniya. Kung hindi mo tititigan ng maayos hindi mo makikita na may mga invicible waves na lumalabas sa kanya. Kita ko rin mula dito ang dugo sa mukha nya, sinasabi ko na nga ba eh! Mas uminit pa tuloy ang dugo ko dahil lahat ng mga estudyante dito ay masayang nanonood sa palabas ngayon at ni isa wala manlang umawat. Hahakbang na sana ako ng biglang inatake ni Alysa si Arcy ng laser na nanggagaling sa kamay nya.

"Shit! Arcy!!!," sigaw ko pero parang wala lang may nakarinig sakin at focus sila sa panonood.

Pero mas nagulat ako ng hindi umilag si Arcy at nanatili lang kung saan sya nakatayo.

(ThirD person's POV.)

Pero imbis na tamaan sya ng laser ni Alysa ay bigla nalang umiwas ang laser na para bang may nabangga at tumama lang sa puno. Kung titigan mo ng mabuti dun mo makikita na may kakaibang bagay ang pumoprotekta kay Arcy. Parang invincible shield. Kita sa mukha ni Alysa ang pagkagulat pero sumunod na umatake naman ang dalawa nyang kasama na si Aira at Isah.  Biglang lumaki ang kamay ni Aira at inatake si Arcy pero nasangga  lang din ito nung shield habang nagshift si Isah sa isang malaking wolf at inatake ng sonic howl si Arcy.

"Arcy.... gano ka ba talaga kalakas? Sino ka ba talaga?" sabi ni Thea sa isip nya. Habang nanonood sya hindi sya makapaniwala na si Arcy na nakilala nya ay ganito kalakas na maski ang tatlong babae na senior ay hindi kayang patumbahin si Arcy.

Biglang idinilat ni Arcy ang mga mata nya kasabay ng pagdilat nya ay ang pagwasak ng lupa sa kinatatayuan nya. Gumawa ng konting crater sa paanan nya kung saan sya nakatayo. Sa lakas ng impact ay pati si Aira at Isah ay tumilapon din at nawalan ng malay. Habang si Alysa naman ay nakatayo parin at tulala.

"Hoy. How dare you to hurt my friends?," sabi ni Alysa at aatake na sana ng biglang inaangat ni Arcy ang kamay nya na pang may sinasakal. Napahinto sa paglabas ng laser si Alysa at napahawak sa leeg nya na para bang may sumasakal sa kanya.

"Damn...you...w...witch!," mas hinigpitan pa ni Arcy ang pagkakasakal kaya halos mawalan na nang hangin si Alysa. Walang emosyong makikita sa mukha ni Arcy pero yung mga mata nya nagsasabi na patayin si Alysa.

(Thea's POV.)

Gagamitin ko na sana ang ability ko para pigilan si Arcy sa ginagawa nya kay Alysa nang biglang may mabilis na bagay pumalo sa likod ni Arcy dahilan para mawalan sya ng malay. Muntikan na syang matumba nang may isang lalaki ang biglang sumalo sa kanya at binuhat sya. Napuno nang katahimikan ang buong field dahil sa nangyari, huli na rin ng dumating ang mga teachers. Nakita ko din ang isang lalaking naka-eyeglasses ang sumalo sa walang malay na si Alysa at binuhat din. Si Jace Aris yun, sya siguro ang pumalo sa likod ni Arcy dahilan para mawalan ng malay.

At yung bumuhat kay Arcy ay si Christian Ace Flinn, isa sa mga top students ng Academy. Patakbo akong sumunod sa kanila na papunta sa clinic.

"Sis!," napatingin ako ng may isang tao ang tumawag sakin.

"Sis," niyakap ko sya.

"Anong nangyari?," tanong nya habang pumasok na din kami sa loob. Sya si Sheia Tyler kapatid ko, hindi kami magkadugo pero tinuring ko na rin syang pamilya at kapatid.

" Ang kaibigan ko hindi na kontrol ang Ability nya kaya nakasakit ng iba," sabi ko.

"Hindi pa naman natin alam ang totoong nangyari kaya magiging ayus ang lahat, hintayin nalang natin syang magising," sabi nya. Pumasok na kami sa loob at nakita ko ang mga taong tumulong sa insidente kanina.

"Oh guys?," bati ni Sheia sa dalawa, tumango lang ang dalawa habang nakatingin kay Arcy na ginagamot ang sugat sa ulo.

"Arcy....," mahinang sabi ko. Nag-aalala ako para sa kanya. Kabago bago palang binully na, humanda sila sakin pag nagamot na sila at gagawin ko silang ice cubes isa isa. Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama ni Arcy at hinawakan ang kamay nya.

"Sorry kong iniwan kita kanina," narinig ko ng biglang bumukas ang pinto at lumabas ang tatlo at ako ang naiwan mag-isa dito.

(Christian Ace Flinn's POV)

Di ko akalain na ganun pala sya kalakas. Unexpected  but i was amazed nung nakita ko kung pano sya nawalan ng kontrol at ang kapangyarihan nya mismo ang nagdala sa kanyang katawan.

Habang naglalakad ako bigla kung naalala yung araw na may sinagip ako na isang babae.

Ngayon alam ko na kung sino at kung bakit ganito ang feeling ko kapag nanjan sya.

                        To be continued......

ALPHA & BETA ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon