CHAPTER 7

13 3 2
                                    

(Arcy's POV.)

Ang sakit ng katawan ko. Nakapikit parin ako ngayon at nakahiga sa malambot na kama na to. Natatandaan ko na ngayon ang mga nangyari sakin pati na dun kina Chelsey at sa kaibigan nya. Ako mismo ang tumapos sa mga buhay nila pero di ko naman yun sinasadya. Nagawa ko lang yun dahil hindi ko pa kayang kontrolin ang kapangyarihan na taglay ko.






Minulat ko ang mga mata ko, una ko nakita ang puting kisame at ang vase na may pulang mga roses. Gustong gusto ko talaga ang mga rosas. Napabaling ako sa kaliwang kamay ko ng hindi ko ito magalaw na para bang may nakakapit dito. Napangiti ako ng makilala kung sino ang taong yun.





"Thea...," mahinang sabi ko sa pangalan nya. Pero di ko naman sinsadya na magising sya, hehehe.





" Arcy. Gising ka na pala. May masakit ba sayo? Ano sabihin mo tatawagin ko ang nurse," akmang tatayo na sana sya ng pinigilan ko sya.






"Ano ka ba. Medyo masakit lang ang ulo ko pero kaya ko pa naman. Wag ka nang mag-alala," sabi ko sa kanya pero sya parang naluluha na.





"HUUWAAAAH!!!!! Kung di lang sana kita iniwan nun edi sana di nangyari sayo to! HUHUHU,".






"E--eh...heheheh--- ayus lang Thea wag ka nang umiyak," naku tong babae na to talaga, ngayon alam ko na na iyakin tong bago kong kaibigan.





"Tahan na ayus na ko," sabi ko. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse.






"Oh? Gising ka na pala Miss Valiant. Kala namin di ka na magigising, dalawang araw ka na kasing hindi nagigising," masayang sabi ng nurse.






"O,O. Da---dalawang araw po?," tumango lang ulit ang nurse.





"WAAAHHH!!! Thea pano na yung sabi ni Prof. na ---".




"Exempted ka muna daw sabi ni Prof. at isa pa di mo pa naman kayang kontrolin ang ability mo diba?," paliwanag ni Thea.





"Actually. Medyo kaya ko na Thea," tumingin ako sa rosas sa tabi ko at nagfocus ng konti. May nararamdaman  akong kakaiba sa katawan ko na nagrereact sa concentration ko. Pinaangat ko ang isang rose at pinapunta sa lap ko. Di ko akalain na matututunan ko tong trick na to. Habang natutulog kasi ako napanaginipan ko ang mga nangyari sakin, na para bang tinuturuan ako ng isip ko kung pano kontrolin ang ability ko. Kita ko sa mukha ni Thea ang pagkamangha na pati bunganga nya nakanganga pa.





"A----Arcy. Panong---," di ko na sya pinatapos at sinabi ko na sa kanya kong pano ko natutunan to habang chinicheck ng nurse ang status ko.





"Miss Valiant maaari ka ng lumabas mamaya. Discharge ka na, ayus na naman ang status mo bumalik na sa dati ang lahat," sabi ng nurse at nagpaalam na na umalis.




"Grabe Ar di ako makapaniwala sayo. Di ko akalain na ganun ka pala ka powerful para pabagsakin ang mga seniors ng section Alpha," O,O.




"A---anong sabi mo? Seniors ng section Alpha? Sigurado ka?," lagot na ko. How dare me para kumalaban sa mga seniors? Laking kahihiyan para sakin yun. Lagot na lagot na sheeeet.



"Kalma ka lang Ar. Inayos na ni Prof. Weiz ang lahat. Bumalik na sa dati ang lahat basta wag ka lang ulit makikipag-away," tumango lang ako.





After ng kwentuhan namin ni Thea ay nagligpit narin ako, nag ayus at umalis. Nasabi din sakin ni Thea ang tulong na ginawa ng dalawang Alpha students sakin para pigilan ako sa pagsakal kay Alysa. Gusto ko sanang magpasalamat kaso makikita ko dun si Alysa at baka magkaroon ulit ng away sa pagitan namin. Pag-iisipan ko muna kong pano ako makakalapit dun sa dalawang lalaki na yun.




"Deretso na tayo sa afternoon class natin?," tanong ni Thea.




"Sige," pero bago yun ay syempre naligo muna ako sa dorm at nag-ayus ng sarili ko.




Hayst. Puro mata na naman ang mga nakatutok sakin at mga ugong ng bulungan pero di ko lang din sila pinansin at tahimik lang sa dicussion ni Prof.




" Ok Miss Valiant? Are you alright? Kamusta na mga pasa mo," tanong ni Prof. Weiz.




"Ayus na ko prof. No need to worry," ngumiti lang si prof. at nag continue sa pagdidiscuss. After that ay dumeretso na kami sa cafeteria, buti puro Beta students lang ang nandito. Basta kasi Alpha kakaiba makaact at cold makatingin, eh sa puro masayahin mga tao dito. Ang wierd nga diba?




Pagkatapos naming kumain ay nagpahangin pa kami sa labas.




Naglakad-lakad muna kami habang unti-unti naring dumidilim.



"Uhm. Thea," tawag ko sa kanya habang nagsheshake.




"Hm?," sabi nya.



"Uhm, gusto ko lang magpasalamat sa pagbabanytay sakin sa clinic. Naabala pa kita," sabi ko.




"No. Ako ang dahilan ng nangyari sayo kaya ayus lang din yun," sabi nya at ngumiti.




" Ah. Sya nga pala Thea pwede mo ba kong tulungan bukas para sa test na gagawin ko para sa next day na test ko dahil di ako nakakuha nun eh," paghingi ko ng favor.




" oh? Sure... ikaw pa ba? Ako bahala sayo," sabi nya.


"Ayus. Salamat Thea. You're the best," sabi ko.


"Ayiieee. Owkey owkey," at nagtawanan kaming dalawa. After that bumalik na kami sa dorm. Pero bago ako pumasok sa main door ng dorm eh may naramdaman akong parang may nakatingin sakin. Himinto muna ako saglit at tumingin sa paligid. But then wala akong nakita maliban sa mga fireflies at street lights na umiilaw. May isang firefly ang dumapo sakin, napangiti ako ng dumapo pa talaga sa dulo ng ilong ko bago lumipad ulit. Nagpasya na ko na pumasok at magpahinga na.



(Third person's POV.)

In a dark place under the tree may isang lalaki na nakatingin kay Arcy. Napangiti ang lalaki ng may dumapo na fireflies sa ilong nito. Sa isip ng lalaki, "When is the time that I'm going to know your name?".



Ilang saglit pa ay pumasok na si Arcy sa loob. Tumayo na rin ang lalaki sa pagkakaupo sa ilalim ng puno at naglakad na pabalik sa dorm nila. Ilang gabi narin nya itong patagong binabantayan at walang may alam sa rason nya kung bakit nya to ginagawa basta ang alam ng lahat, isa sya sa mga taong kinakatatakutan sa Academy.

                                   To be continued.......

ALPHA & BETA ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon