SandwichHay! Ang aga ko ngayong nagising, nakakaantok tuloy hmmp! may ginawa kasi ako at nilagyan ko pa ng maraming effort, ano ba 'yan, babae pa ang nag- eefort!
Dumiretso ako papasok ng gate at nag greet kay manong guard, kahit antok good mood pa rin. Kakabukas lang kasi ng bagong semester kaya as expected ang gulo. Ayun, yung iba naghihiyawan kasama ang mga kaibigan nila na parang isang taong hindi nagkita. Ang iba naman nagtatawanan lang na parang wala ng bukas, pero okay na rin yun maka spread ng good vibes dito sa university. Yung iba pa ay dahil bago dito sa university namin ay kanya- kanyang hanap ng mga schedule ng mga klase nila.
Sa likod palang kilala ko na at wala paring pinagbago bababero pa rin. Tinatahak ko ang daan papunta sa kanya ng may maalala ako.
Yung sandwich! Dalawang sandwich kasi ang nadala ko kaya ibibigay ko sa kanya ang isa.
Aba't gusto kong sapakin ang lalakeng 'to nang mapadako ang tingin ko sa babaeng kausap niya. Parang last week lang ay iba ang babaeng kasama niya at ngayon iba na naman!
"Tristan!" Tawag ko sa kanya at hindi man lang lumingon, hmmp!
Aba't nabingi na rin yata at hindi na rin ako narinig, muntik na 'kong bilaukan sa sarili kong laway habang siya naman ay panay pa rin ang usap sa babaeng kaharap. In fairness...maganda siya ha pero...parang hindi ko siya feel. First impression ko palang ay parang masama na ang ugali, hindi rin maganda ang kutob ko sa kanya.
Mas lumapit pa ako at tinawag siyang muli, at yun mabuti nalang ay narinig na niya, kung hindi... wala lang, edi hindi niya narinig.
"Oh?," bungad niya sa'kin.
"Oh, sandwich,"sabay lahad sa kanya nung sandwich.
"Thanks, ikaw gumawa?" Tanong niya.
"Hindi 'no, si Mommy ang gumawa,"sabi ko sa kanya habang ang babae namang kausap niya kanina ay gusto ko tusukin ng stick ang mata, maka roll ng eyes ha! Nakakainis!
"Ah okay, pakisabi nalang kay tita doc, thank you," sabi niya at ngumiti. Bakit ba mas lalong gumugwapo itong best friend ko 'pag nakangiti, honest lang ako.
"Okay, copy that," sabi ko at ngumiti rin sa kanya pabalik.
"Ehem," biglang tumikhim itong si bruha napansin niya sigurong na out of place na siya, buti nga sa'yo! Ang evil ko na bang tingnan, sorry naman kung ganun. Atat na e!
"Ay, nga pala, si Mitch, my soon to be girlfriend," pagpapakilala sa kanya ni Tristan. Ito talagang si Tristan nakalimutan ang babaeng nililigawan, busted-in ka niyan e.
Si bruha naman ay agad pinulupot ang braso kay Tristan at nakangiting tagumpay pa. Ke- babaeng tao, ang clingy, hay huge turn off! Alam ko nang tumatakbo sa isip ng babaeng 'to.
"Hello, I'm Mitch! Tristan's GIRLFRIEND, nice to meet you," nakangisi niyang sabi, diniinan pa talaga ang salitang 'girlfriend' ha. Teka lang, girlfriend, you mean sinasagot na niya. Naglahad naman siya ng kamay ,agad ko namang tinanggap ang pakikipagkamay niya sa akin.
"Ano, girlfriend? You mean sinasagot mo na ako?!" Masiglang sabi ni Tristan sa kanya.
Agad naman siyang tumango at ngumiti sa kanya.
" Teka lang Tristan, kailan mo ba niligawan 'to?" Tanong ko habang nakaturo sa bruha!
"Ngayon lang!" masigla niyang sabi, na parang bilib na bilib sa sarili.
"What?! Ngayon lang, as in ngayon lang?!" Di makapaniwala kong sabi sa kanya.
"Yes," sagot niya sa'kin ng nakangiti.
BINABASA MO ANG
Catch A Wish
RomanceIsang playboy at isang amazona?! Mag best friend?! Parang ang labo naman nun. Pero sa maniwala man kayo o sa hindi mag best friend nga sila. Anong mangyayari 'pag si Tristan na playboy ay mahulog sa amazona na si Crystal? Will Crystal accept his fee...