Chapter 5

9 1 0
                                    

The Handsome Transferee

Tristan's POV

'Heto na ba ang sinabi sa'kin ni Mitch kanina na pagsisihan ko?'

Natauhan ako nung marinig ko ulit ang mga paghikbi ni Crystal habang nakaharap sa salamin.

Alam ko namang kahit amazona 'yan eh, ang sensitive naman niya sa mga bagay bagay.

"Crystal, ano ba! Huwag kang umiyak okay? Panindigan mo yung sinabi mo!" Narinig kong sabi niya sa sarili niya habang nakaharap pa rin sa salamin.

"Crys, si Tristan 'to", halos pabulong ko na tawag sa kanya.

Agad naman siyang lumingon sa'kin at pinahiran ang mga luha niya. Nang makalapit siya sa'kin ay unti- unti na namang nagbabanta ang mga luha niya sa pagtulo. Hindi ko inisip ang dumi sa damit niya at agad ko siyang niyakap.

"Shhh, tahan na. Umalis na muna tayo dito. May extra ka bang damit na dala?" Tanong ko sa kanya at umiling lamang siya.

"Tara na muna sa mall, bibili tayo ng bago mong damit. I- eexcuse na lang kita sa mga prof mo ngayong araw, akong bahala." Sabi ko sa kanya at pinahiran ang mga luha niya.

Ngumiti na lang siya at agad kong naalala ang naisip ko kanina.

"Nga pala, napagdesisyunan kong sabay na tayong mag-aral." Sabi ko at agad siyang nagtaka.

"Huh? Di ko gets, pareho naman tayong nag-aaral ah."

"Sabay na tayong mag- aaral at sabay na tayong ga- graduate, dahil ico- continue ko na lang ang nursing ko at magproceed sa Medicine. Ayos ba?!" Nakangisi ko pang sabi.

"Sigurado ka ba? Hindi mo naman kailangang sundan mo ako para sabay tayong grumaduate."

"Eh sa gusto ko e. Doctor ka sa ano? 'Yun na lang rin ang kukunin ko."

"Ob- Gyne..." sabi niya sa'kin na parang nanunukso.

Hindi na lang ako umimik dahil tutuksuin niya lang ako. Hindi ko ma imagine ang sarili kong nagpapaanak sa isang babae. 

Napagdesisyunan naming umalis na at pumunta sa isa sa mga mall nila Ken.

"Kumusta kaya sila Ken dun sa States 'no?" Bungad niyang tanong sa'kin.

"Okay naman siguro sila dun, nandun naman sila Aseth eh", sabi ko na lang at tumango na lang siya.

"Nga pala, nabasa mo ba yung email na pinadala ni Aseth?" Tanong ko sa kanya dahil sa nakareceive kong email galing kay Aseth, nung Monday.

"Wala eh, hindi ko pa nabuksan ang inbox ko, bakit ano bang sabi?"

"Sabi niya eh... baka uuwi daw sila dito o tayo ang pupunta dun pero ico- confirm niya pa kung ano talaga ang desisyon nila. "

"Sana naman uuwi na lang sila dito para makapag bonding naman uli tayo."

"Eh pwede naman na tayo na lang ang pumunta dun e, makakapag bonding naman tayo dun."

"Pwede naman yun eh, pero ang hectic ng sched ko e, okay pa sana kung summer", sabi niya at tumango na lang ako bilang pagsang- ayon.

Sina Ken, Aseth, Patrick, Lauren, at Vash ay mga kababata namin at malalapit naming kaibigan na piniling mag- aral dun sa States. Kami naman ni Crystal ay piniling manatili rito. Si Ken ay nag- aaral rin ng Medicine. Si Aseth ay Architect naman, si Patrick ay isa namang Chef, si Lauren naman ay Industrial Engineering ang kinuha habang si Vash ay isa namang Lawyer. Tuwing summer ay pumupunta kami dun ni Crystal dahil may sarili kaming special lesson kung saan nag- aaral kami ng Business Ad para matutunan namin ang mag handle ng mga businesses na ipapamana sa amin ng mga parents namin.

Catch A Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon