Chapter 6

5 0 0
                                    


Secret Admirer

Crystal's POV

Pagkauwi na pagkauwi ko ng bahay ay hindi pa rin maalis ang ngiti ko, yun nga lang ay nangingibabaw ang sakit ng paa ko dahil nang matumba ako kanina ay narinig ko ang pagpitik nito.

Pumasok ako ng kwarto ko at naupo sa kama. Inalis ko ang suot kong sapatos at hinaplos ang paa kong sumasakit. Namamaga na ito at parang mamula mula na ang kulay.

Nagbihis ako at bumaba na rin pero ang bawat galaw ko ay dahan dahan lang baka madagdagan pa ang sakit ng paa ko.

Nang makarating ako sa kusina ay nakita ko si Manang na naghahanda ng meryenda.

"Hi po, Manang!" Masigla kong bati sa kanya.

"Ayy, Crystal anak, nakauwi ka na pala! Hindi kita namalayang pumasok." Nakangiting sabi ni Manang sa'kin." Nga pala, hinandaan kita ng paborito mo, ang chocolate chip cookies." Bigla naman akong na excite sa sinabi ni Manang. Well, sa totoo niyan ay pareho naming paborito ni Tristan ang chocolate chip cookies at pinag- aralan talaga namin ang bawat ingredient na ginamit ni Manang para pareho ito sa lasa ng cookies na binebake ni Manang.

Si Manang ay matagal nang katulong namin dito sa bahay simula pa nung bata pa ako kaya ganun na lang niya ako ka kilala. Ang mga anak niya ay minsan ring pumupunta rito pero kadalasan ay nandun sila sa probinsiya dahil dun sila nag- aaral.

Naupo ako sa dining table at hinatiran ako ni Manang ng isang platito ng cookies.

"Salamat, Manang!" Sabi ko at ngumiti na lang si Manang sa akin." Manang, pwede po ba akong humingi ng yelo?"

"Aba eh, oo naman. Bakit saan mo ba gagamitin?"

"P-para po sa paa ko, namaga po kasi. Hindi ako makalakad ng maayos." Mahina kong sabi pero alam kong narinig yun ni Manang.

"Ayy ganun ba, teka lang bata ka, saan ka nagsususuot at napano ka ha?!"

"Eh papunta po sana ako ng canteen pero may nakabangga po ako kaya natumba ako, ayun po namaga itong paa ko." Sagot ko na lang at pumunta na sa ref si Manang at kumuha ng ice.

Bigla kong naalala! Si Rina! Hindi niya alam na umuwi na ako, lagot talaga!!!

Kaagad kong dinukot ang phone ko at nag text sa kanya.

To: Rina

Rina, nakalimutan kong puntahan ka dyan sa canteen, namaga kasi ang paa ko kaya kaagad rin akong nagpasundo, sorry talaga.

Sending.....

Sent!

Pinatong ko muna ang phone ko sa table at kinain ang mga cookies na binake ni Manang.

"Oh, eto ang yelo. Marahan mo lang idampi sa paa mo okay?" Sabi ni Manang at tumango na lamang ako. Hindi ako makapagsalita, super duper yummy talaga nito, hinding- hindi ako magsasawa rito!

Kinuha ko ang ice bag at marahang pinatong ito sa paa ko. Bigla namang bumukas ang pinto kaya nabitawan ko ito.

Si Tristan?!

"Anong ginagawa mo rito?" Ang unang tanong na lumabas sa bibig ko.

"Bakit bawal na ba akong pumunta rito?" Nakangisi niyang sabi.

Hindi ko na lang siya pinansin at pinulot ang nalaglag kong ice bag.

"Ano namang nangyari sa'yo?"  Hindi ko na lang ulit siya pinansin at pinagpatuloy ang pagdampi ng ice bag sa paa ko.

Catch A Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon