Official SuitorTristan's POV
Gulat siya ngayon, gulat na gulat. Nakangiti, maaliwalas ang mukha, at halatang masayang- masaya.
Hindi ko alam kung bakit ganun ko na lang i describe ngayon, pero bakit nakakaramdam ako ng selos?! Ang feeling na dapat ako lang ang nakakagawa niyan, yung mapangiti siya at mapasaya ng sobra- sobra!
Nag- umpisa na akong maglakad papuntang room pero hindi niya man lang ako napansin! Ano ba 'yan! Nakakainis!
Malapit na ako sa room nang marinig ko siyang sumigaw.
"Yes, Miggy!" Sigaw ni Crystal, napalingon naman ako at nakita ko siyang nakangiti, ganun na rin yung si Miggy.
Sa sobrang saya niya ay nayakap niya si Miggy?! WTF?!
Padabog akong pumasok ng room at kakaunti pa lang naman ang mga kaklase ko.
"Hala! Nakalimutan ko ngayon pala siya magta- transfer dito!"
"Oo nga! Naexcite tuloy ako na mag- aral araw- araw dahil nandito siya!"
"Ako rin! Pero bakit ganyan ang itsura niya?! May nangyari ba?!"
"Ewan di ko alam."
Naririnig ko sila pero balewala na lang sa'kin dahil bad mood ako! Ang nakakainis pa ay hindi ko alam kung bakit?!
Ganun- ganun na lang 'yun?! Ngayon nga lang nangligaw, sinagot kaagad?! No boyfriend since birth pa naman 'yun, baka i take advantage lang siya or i take for granted!
Napatigil ako sa pag- iisip nang pumasok na siya ng room. As expected, todo ngiti at nagbu- blush pa?!
Naupo naman siya sa tabi ko at ako naman ay walang ganang kibuin siya.
"Hoy!!" Nakangiti niyang sabi habang sinusundot- sundot pa ako sa tagiliran.
Inirapan ko siya at wala man lang nagbago sa ekspresyon niya.
"Bakit mo 'ko iniwan kanina, ha?"
"Mukha ka namang masaya sa kasama mo kanina." Malamig kong sabi.
"Bakit? Nagseselos ka?!" Tanong niya na may nanunudyong tingin.
"Kapal mo ah."
'Akala mo kung sinong maganda!' Bulong ko.
"Anong sabi mo?! Narinig ko 'yun!"
"Narinig mo na pala, tinanong mo pa ako kung ano.."
"Aba e, sinasagot mo na ako!" Naiinis niyang sabi sa'kin.
"Ang sabi ko maganda ka nga sana, bingi naman!"
Akma na niya akong susuntukin nang makita ko si prof.
"Shhh..." pagpapatahimik ko sa kanya dahil nakita ko na ang prof namin.
Perfect timing prof! Good job! Muntik na kong ma hot seat dun!
Uwian...
Sabay kaming lumabas ni Crystal sa room at naglakad na kami papuntang parking lot.
"Sakay na." Sabi ko sa kanya habang siya ay tumitipa sa cellphone niya.
"Hindi na muna ako ngayon makakasabay. Ihahatid ako ni Miggy e.." nakangiti niyang sabi at hindi ko alam pero nainis ako.
Naiinis ako sobra sa hindi malamang dahilan! Bakit pagdating sa lalaking yun e kay lapad lapad ng ngiti niya na parang wala nang bukas!
Inis akong sumakay ng sasakyan at pinaharurot ito patungo sa bahay nila Crystal.
Nang makapasok ako ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto. Nahiga ako sa comforter at napatingin sa kisame.
BINABASA MO ANG
Catch A Wish
RomanceIsang playboy at isang amazona?! Mag best friend?! Parang ang labo naman nun. Pero sa maniwala man kayo o sa hindi mag best friend nga sila. Anong mangyayari 'pag si Tristan na playboy ay mahulog sa amazona na si Crystal? Will Crystal accept his fee...