Chapter 13

3 0 0
                                    


Unexpected

Crystal's POV

Kalalabas ko lang ng bathroom matapos kong mag half bath at nakapagbihis na ng pangtulog.

Binuksan ko ulit ang phone ko at...

Wala man lang ni isang text o missed call!!!

Bigla naman bumukas ang pinto at niluwal nito si Tristan na may earphones sa tenga.

Nakadapa naman akong nahiga sa kama at nilanghap yun.... ang bango!

Nakaka good mood...

Naramdaman ko naman siyang nahiga na sa ilalim ng kama ko.

"Huy..." mahina kong sabi at tinusok yung braso niya.

"Ano?" Malumanay niyang sabi at humarap sa'kin.

"Matutulog ka na?"

"Oo..."

"Hayy, okay good night..." buntong hininga ko.

"Why?" Bigla niyang tanong.

"Nothing, it's just that I can't sleep.."

"Bakit, hindi pa rin ba siya nakapag text o tawag sa'yo?" Tanong niya na medyo ikinagulat ko, ganun ba ako ka obvious?

"Yep..... pwede bang samahan mo ako?"

"Saan naman?"

"Rito.." sabi ko sabay pagpag ng kama ko. "Tabi na lang tayo, nilalamok ka riyan e." Sabi ko at agad naman siyang sumunod.

Agad siyang tumabi sa'kin pero naupo muna sa kama.

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa....

Kinumutan niya ako at hinawi ang buhok na nakatakip sa mata ko!

"Naka shorts ka pa naman matulog, baka lamigin ka.." sabi niya at nahiga.

Nang makahiga siya ay kusa ko namang shinare ang kumot ko sa kanya.

"Thanks.." sabi niya na nakangiti sa'kin.

"Nga pala Tris, may performance tayo sa opening College week.." sabi ko na nakatingin sa ceiling ng kwarto ko.

"Okay lang, matagal pa naman yun e, next month pa, e ano palang ngayon?"

"Matagal pa, 1st week pa lang at marami pa tayong oras mag practice..."

"Sino ba ang nagsabi na magpe perform tayo?" Tanong niya naman.

"Si Ma'am Sy..."

"Ano bang magandang kanta?"

"Alam mo nagagandahan ako ngayon sa kantang 'Buwan'."

"Edi pag practisan mo na agad.. hayy." Sabi niya at humikab.

Naaantok na 'to pero inabala ko naman ang tulog niya.

"Matulog ka na, humihikab ka na e.." sabi ko sa kanya.

"E pano ka? Di ba sabi mo hindi ka makatulog?"

"Oo nga, pero hindi naman pwedeng hindi ka matulog.."

"Eto na lang, sabay na tayo, okay?" Sabi niya at humarap kami sa isa't- isa." Gusto mo bang kantahan kita?" Sabi niya at tumango naman ako.

Ngumiti na lamang siya. Inilapit niya ako sa kanya at pinahiga sa braso niya. Hawak naman niya ngayon ang likod ko at hinihimas- himas ang buhok ko.

Sa ginagawa niya ngayon, I can truly feel the comfort at hindi awkward sa pakiramdam ko. Hindi ako sanay sa mga ganito pero parang sa kanya e sanay na sanay na ako. This feeling is also new to me but the fact na okay lang sa akin, feels great!

Catch A Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon