Chapter 14

8 0 0
                                    

Kiss

Crystal's POV

Patuloy ako sa pag- iyak habang dinadamdam ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko.

Patakbo akong umalis ng building pero napatigil ako at lumingon. Nakita kong padausdos na naupo si Tristan sa sahig habang iyak pa rin ng iyak. Nasasaktan ako sa kaloob looban ko sa tuwing umiiyak siya. Simula pagkabata namin ay ito ang ikalawang beses na nakita ko siyang umiiyak.

Hindi mo man marinig ang mga hikbi pero ang makita ang mga luha niyang hindi pumipigil sa pagpatak ay parang pinapatay ako.

Ano na lang ang magiging sitwasyon namin mamaya sa bahay? Alam kong nasaktan ko siya at hindi basta basta yun! Nasaktan ko siya emotionally!

Habang pinapahiran ko ang mga luha ko ay hindi ko namalayang nakarating na ako rito sa lumang building ng university kung saan rin noon ang lumang library.

Ang nararamdaman ko ngayon hindi ko maipaliwanag na kaba, na parang gusto ko nang bumalik.

Pero kailangan kong hanapin si Miggy, para malaman ko ang rason kung bakit hindi man lang siya tumawag o nag text sa'kin.

'Para lang sa simpleng rason mo na yan Crystal, iniwan mo na si Tristan? Para lang malaman kung bakit hindi ka niya kinontact.'

Gusto na akong patayin ng isip ko sa mga bagay bagay na biglang nagpapakonsensya sa akin.

Habang naglalakad ako ay hindi maalis si Tristan sa isip ko. Hindi ko tuloy maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ko sinaktan ng ganun kung siya naman itong pumupuna ng mga pagkukulang ni Miggy sa'kin. Kanina pa habang pababa ako ng hagdanan ay hindi ako tinatantanan ng konsensya ko at guilt.

'Bakit hindi mo siya balikan? Bakit hindi na lang siya ang mahalin mo? Siya ang palaging nasa tabi mo pero ano ang ginawa mo?'

Pilit na sinisigaw yun ng puso't isipan ko. Wala sa sarili akong naglalakad hanggang sa may narinig ako ng boses ng lalaki na nagsasalita ng malambing na dinig na dinig ko.

Siya nga...

Tristan's POV

Walang lakas akong napaupo matapos kong sabihin kay Crystal lahat ng yun. Hindi pa rin matigil tigil ang mga pesteng luha ko sa pagpapatak. Mahal ko siya e, mahal na mahal at ang talikuran ako ay sobrang sakit nun sa part ko.

Iniisip ko pa lang ngayon na hindi niya ako kayang kausapin, ay nasasaktan na ako. Napag- isip- isip ko na aalis na lang ako sa bahay nila nang sa gayon ay hindi niya ako makita.

'Huwag mo siyang iwan Tristan, paano pag nalaman na niya ang lahat? Wala siyang karamay pag umalis ka.' Sinasabi ng isip ko.

Hindi niya alam ang mga ginawa ko. Hihintayin ko na lang na malaman niya ang lahat...

Tumayo na ako sa pagkakaupo at naglakad pababa ng building namin. Dinukot ko ang panyo ko na nasa bulsa ko at pinahiran ang mga mata ko.

"What happened to Tristan? Bakit magang- maga ang mga mata niya?" Sabi ng isang babae na hindi ko kilala at napatigil sa harap ko.

"Umiyak ba siya?"

"Sino naman ang bruhang nagpaiyak sa kanya, kakalbuhin ko talaga!" Inis na sabi nung isa.

Agad ko naman silang nilampasan at nagpatuloy sa paglalakad.

'I love her and no one can hurt her...'

Kailangan ko ngayong mag- isip. Kailangan ko ring pakalmahin ang sarili ko.

Namalayan ko na lang na papasok na ako sa garden nitong university. Ang lugar kung saan ako natutulog minsan, nag- aaral, nag- iisip, kumain, at ang naglilibang. Nalilibang ako sa iba't ibang kulay ng bulaklak na nakikita ko rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catch A Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon