First NightTristan's POV
Matapos ang klase ay nakita ko si Crystal na maraming dinadala. Ano na naman kaya 'yang mga dala niya?!
Kaagad akong naglakad papalapit sa pwesto niya.
"Gray, may susundo ba sa'yo?"
"Ah...eh..meron ...magpapasundo kasi ako kay Manong Driver."
"Ganun ba, pwede bang sumabay ka na lang sa'kin?"
"Oo, pwede naman, teka lang tatawagan ko nalang si Manong na huwag na 'kong sunduin." Nakangiti niyang sabi at dinukot ang phone niya sa bag niya.
Matapos niyang tawagan ang driver ay agad kaming pumunta sa parking lot at pumasok sa sasakyan ko.
Nagsisimula na akong mag- drive at siya naman ay may kinuha sa bag niya.
Mga love letters?!
Ganun na lang ang gulat ko ng makita ang mga iyon!
Binuklat niya ang isa na may pink at blue na cover. Hindi niya iyon binasa out loud at kumuha na naman ng isa ang green naman ang cover na may white lace pa.
Nag focus na lang ako sa pagda drive at nang makarating kami sa bahay nila ay nag ring ang phone ko.
Mom calling...
"Mom?" Sabi ko nang masagot ang tawag.
"Baby, where are you?"
"Kila Crystal, mom, why?"
"Oh, baby, tumawag ako sa'yo dahil wala ako ngayon sa bahay. I'll be going to France, susundan ko muna ang Dad mo dun dahil kailangan niya ang tulong ko. Maybe Crystal's parents will be with us also." Sabi ni Mom.
"Okay mom." Sabi ko.
"Siguro baby, diyan ka na muna sa kanila because pinauwi ko rin si Manang for some reasons..." dagdag pa ni Mommy.
"Okay mom, copy that. Take care, I love you!"
"I love you too, baby. Take care also and huwag mong pabayaan si Crystal ha?"
"Okay mom..."
"Okay, I gotta go now, wait for my calls okay?"
"Okay mom, be safe. Bye!"
"Bye, baby!" Huling sabi ni mommy at pinatay ang tawag.
Nabaling atensyon ko kay Crystal na kasalukuyan ngayong nakatulog pero hawak hawak pa rin ang mga cards niya.
Bumaba na lang ako ng kotse at saka binuksan ang pinto sa shotgun seat. Kinuha ko ang mga cards na hawak niya at napailing na lang. Inangat ko ang ulo niya at binaba ang kamay ko sa bewang niya, saka ko naman hinawakan ang mga binti niya at binuhat.
Nang makapasok ako ng bahay ay agad na binuksan ni Manang ang pinto sa may taas kung saan ang kwarto niya.
"Ihiga mo na lang siya diyan, iho." Mahinang usal ni Manang at tumango na lang ako.
" Eto talagang batang 'to oo, napagod siguro sa school at ganyan na lang kahimbing ang tulog, ano?" Baling ni Manang sa'kin matapos tingnan si Crystal at napangiti na lang ako.
"Hindi na rin po ako magtatagal dito, mag eempake pa po kasi ako.." sabi ko kay at sumunod na sa kanya na papalabas ng pinto.
"Oo nga pala, natawagan na ako ng mommy mo, Tristan na dito ka muna titira. Sige na at ipaghahanda ko kayo ng hapunan." Nakangiting sabi ni Manang at agad akong bumaba. Nang makalabas ay sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot patungong bahay.
BINABASA MO ANG
Catch A Wish
RomanceIsang playboy at isang amazona?! Mag best friend?! Parang ang labo naman nun. Pero sa maniwala man kayo o sa hindi mag best friend nga sila. Anong mangyayari 'pag si Tristan na playboy ay mahulog sa amazona na si Crystal? Will Crystal accept his fee...