Chapter 8

9 1 10
                                    


Locker Surprise

Crystal's POV

Tumingon ako sa timer ng lampshade and it's already...

2:37 AM...

Anong oras na hindi pa rin ako makatulog. Nagpadala na ako kanina ng gatas kay Manang pero wala pa ring epekto. Hayy, magmumukha akong zombie nito bukas, with my proud eyebags!!!

Lumingon ako kay Tristan na mahimbing nang natutulog sa comforter. May dumapong lamok sa braso niya kaya kaagad ko itong pinalo. May dumapo rin sa pisngi niya. Bigla siyang gumalaw at nakaharap na sa akin. Wala siyang kumot kaya ganun na lang siya kung pagsaluhan ng mga lamok. Alas dos na at ngayon ko lang na notice na ganito na pala ang sitwasyon niya dito. You're so heartless, Crystal! Wala namang malisya kung matutulog siya sa tabi mo 'di ba?!

"Tristan..." mahina kong tawag sa kanya para gisingin siya.

"Mmm..." ungol niya na pinipilit ang mga matang imulat.

"Halika rito, dito ka na sa kama ko matulog.."

"B-bakit naman?" Halata pa rin ang antok sa boses niya.

"Pinagsasalu- saluhan ka na ng mga lamok diyan." Matapos kong sabihin yun ay dahan- dahan siyang bumangon at nahiga sa kama ko.

Umusod naman ako para bigyan siya ng space.

"E, ikaw bakit ka pa gising?" Tanong niya.

"H-hindi kasi ako makatulog.."

"Naiilang ka ba sa'kin?"

"H-hindi naman sa ganun, pero first time ko kasing matulog kasama ng isang lalaki at sa iisang kwarto pa.." mahina kong sabi at gumuhit ang nakakaloko niyang ngiti sa labi.

"Sige na, matulog na tayo. Ang panget mo na, para kang zombie.." mahina ko siyang pinalo sa braso dahilan para matawa siya ng mahina.

Umayos na ako ng higa at magkaharap kami ngayon. Hinimas- himas niya ang buhok ko at hindi ko namalayang dahan- dahan na akong dinadalaw ng antok.

"Tulog ka na, sabi ni Mommy ay 'wag na 'wag kitang pababayaan.." sabi niya pa na nagpalambot na lang puso ko bigla.

Lumingon ako sa kabilang side ng kama ko at ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman ko ang braso niyang pumulupot sa bewang ko at ako ay tuluyan nang nakatulog.

Kinabukasan...

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Babangon na sana ako ng may naramdaman akong kamay sa bewang ko. Lumingon ako at nakita si Tristan na mahimbing na natutulog. Dahan- dahan kong inalis ang braso niya at bumangon na.

Bumaba muna ako ng kusina at pagbalik ko ay ginising ko na siya.

"Tristan, gising na." Sabi ko at niyugyog ang balikat niya.

Inistretch naman niya ang mga braso niya at naupo.

"Anong oras na ba?" Tanong niya na kinukusot pa ang mga mata.

"Alas sais na, kaya bumangon ka na diyan."

"Okay, eto na nga o, babangon na. Ikaw na ang maunang maligo, ang dami niyo pa namang mga ritwal sa katawan. Mga babae talaga, tsk tsk!" Sabi niya na naka cross arms pa.

"Anong marami?! Mga babae mo, oo, pero ako hindi! Sige na mauna na akong maligo, ikaw na lang pagkatapos!" Naglakad na ako para kunin ang tuwalya ko nang bigla siyang nagsalita ulit.

"Wala man lang bang 'good morning' diyan?" Sabi niya at napalingon ako.

"Good morning mo mukha mo, Señorito!" Singhal ko at nag pout na lang siya.

Catch A Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon