Mysterious DreamCrystal's POV
Nang makarating ako ng bahay ay agad akong umakyat ngt kwarto ko at hindi na pinansin ang pagtawag sa akin ni Manang. Wala pa naman dito si Mommy dahil pumunta sa isang business trip kasama si Dad at baka next week pa makakauwi at ako lang mag- isa rito, kasama si Manang.
Agad akong humiga sa kama ko at napatingin sa ceiling at malalim na nag- iisip ng mga bagay- bagay.
May quiz na nga, may iniwan pang problema sa akin si Tristan na siya ngayong nagpapakulo ng dugo ko! Peste 'yun!
Gumawa pa nang istorya, eh hindi naman talaga kinain ang dala kong sandwich at tinapon pa sa basurahan!
Subukan lang talaga ng girlfriend niyang 'yun, baka maputol ko 'yung leeg niya. Ang arte,akala mo naman, ang ganda talaga, eh hindi naman.
*Tok*Tok*Tok*Tok*
Tunong yun ng may kumakatok sa pinto! Huwag kayong ano..
Napaigtad ako sa kama nang marinig kong may kumatok na pinto.
"Crystal, iha! Baba na, handa na 'yung hapunan natin."
"Sige po manang, nandiyan na po."
Agad akong tumayo at nagbihis ng damit. Nang bumaba ako ay nagulat ako sa bisitang nakaupo sa dining table namin. Agad siyang lumingon sa akin nang nakita niya akong pababa ng hagdan, agad ko namang iniwas ang paningin ko sa kanya.
Bahala ka diyan, magdusa ka!
"Manang, anong ulam natin?" tanong ko kay manang at naupo na ako sa pwesto ko.
"Heto oh, may hinanda akong sinigang na baboy para sa'yo, yung paborito mo." Nakangiti niyang sabi sa'kin at ngumiti rin ako pabalik.
"Ah, ikaw Tristan iho, nakakain ka na ba?' Bigla niyang tanong kay Tristan at hindi ko na lang pinansin.
Umiling naman siya, " Ah, sige dito ka nalang mag hapunan, kami lang naman dalawa ni Crystal dito sa bahay eh", sabi ni Manang at nilahad sa kanya sa kanya ang isang plato, agad naman niya itong tinanggap.
"Ay, alam mo po Manang, tinatapon lang po niyan ang pagkain. Kung ako sa'yo Manang 'wag na po nating pakainin 'yan", malamig kong sabi at kaagad siyang tinapunan ng masama na tingin.
Hindi naman natinag ang tingin ko sa kanya at pinakain parin siya ni Manang. Papanain kita ng mga tingin ko, manigas ka diyan!
Nagpatuloy lang ako sa pagkain at nang matapos ako ay agad ko itong nilagay sa sink. Binalikan ko rin ang iba pang plato para ako na lang ang maghugas lahat.
"Tulungan na kita." Mahina niyang sabi nang malapitan niya ako sa sink.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy lang sa paghugas hanggang sa maubos ang lahat ng pinggan, saka ko siya nilingon.
"KAYA KO NAMAN PO!", nanatili lang na nakatikom ang mga bibig niya at nakatungo.
"Halika, usap tayo sa may garden," yaya ko sa kanya, nakakaawa na kasi eh.....hahaha. Halika rito, papangaralan lang kita.....hahaha.
Nagpaalam muna ako kay Manang na pupunta muna kami ng garden, habang siya naman ay nakasunod lang sa likod ko.
Nang makarating kami sa garden ay agad akong naupo sa swing at ganon rin siya.
SPELL AWKWARD!!!!
'A-W-K-W-A----"
Pesteng utak 'to! Inespell nga talaga!!
BINABASA MO ANG
Catch A Wish
RomanceIsang playboy at isang amazona?! Mag best friend?! Parang ang labo naman nun. Pero sa maniwala man kayo o sa hindi mag best friend nga sila. Anong mangyayari 'pag si Tristan na playboy ay mahulog sa amazona na si Crystal? Will Crystal accept his fee...