I.Happy little boy

5 0 0
                                    

Adi's Pov

*kriiiing kriiiiing*

Tumayo ako sa upuan ko at tsaka kukunin na sana ang bag ng-

"Walanghiya" Kalma Adi,kalma.

Marahas kong hinatak ang bag ko na kahit anong gawin ko ay hindi matanggal sa upuan,pano ba naman eh nakatali ang strap sa sandalan.

"Penny!!" Mula sa kinaroroonan ko ay dinig na dinig ko ang nangingibabaw na tawa ni Penny,kahit kailan talaga.

"Uy sorry na Adi nakabusangot ka nanaman HAHAHAHAHA!" Sa totoo lang okay lang naman saking pagtrip-an nya ako eh,kahit paulit-ulit pa hanggang magsawa sya.Kaso sana wag naman ngayong araw na to.

"Wag ngayon Penny pagod ako,gusto ko na umuwi." Hindi na sya nagsalita pa.Dali dali syang kumilos para tanggalin ang pagkakabuhol.

"Thank you." Tumalikod na agad ako kasi baka di ako makapagtimpi.Alam ko namang ganon talaga ang ugali ni Penny kaso hindi ko talaga maiwasang alam mo na,mairita o mainis.

"Ah a-ano Adi k-kung pwede s-sana ihahatid na k-kita?"

Napatigil ako sa paglalakad.

"Pero k-kung ayaw mo at g-galit ka sakin okay l-lang naman hehe."

Humarap ako sakanya at hinila na sya palabas ng room.

Ayokong isipin nya na galit ako sakanya dahil sa ginawa at paulit-ulit nyang ginagawa.Hindi naman talaga ako galit,naiinis lang lalo na ngayon at nagmamadali ako at pagod.

***
Tuluyan na kaming nakalabas ng school at naglalakad na pauwi.

"Ah,Adi sorry talaga sa ginawa ko ha." Nakayuko sya at parang halos magdasal na para kainin sya ng lupa.

"Okay lang."

"Sa tagal ko na tong ginagawa sayo ngayon ka lang nagalit ng ganyan." May lungkot sa bawat pagbigkas sa mga binitawang mga salita.

"H-hindi nga,okay lang saakin.Sanay na ako at hindi naman ako galit sayo." Pagsasabi ko ng totoo.

"Eh bakit ganyan ka?Bakit ganyan ang kinikilos mo?" Bakit?bakit nga ba.

Napabuntong hininga na lang ako at patuloy na naglakad.Sa isip-isip ko,maski ako ay hindi din alam ang sagot.Parang bigla nalang bumigat ang pakiramdam ko at mukhang lalagnatin ako.Pagod ako at ang tangi ko lang gustong gawin ay magpahinga.

Tuluyan kamin nakarating sa harapan ng bahay ko.Magkaparehas kami ng village na tinitirhan ni Penny,pero hindi nya ako hinahatid or sinasabayan manlang sa paguwi noon ngayon lang talaga.Siguro ay naguilty na sya sa mga pinaggagagawa nya.

"Oh pano Penny dito nalang ako ha,magingat ka pauwi sainyo."

"Oo naman Adi,ako pa ba?" Nakangiti nyang tugon sa akin.

Kumaway ako sakanya tanda ng paalam.Kahit naman safe ang village namin nag aalala parin ako para sakanya,pano ba naman kasi super payat nya and napaka putla.Paano nalang kung sa pag uwi nya madapa sya tapos mabagok ang ulo sa daan?Huwag naman sana pero posible din naman.

Tuluyan akong pumasok sa gate at dumiretso sa main door.

Gaya ng inaasahan bumungad nanaman sa harapan ko ang nanay kong lasenga.Sa araw-araw ay ganito ang sumasalubong sakin,nakakatuwa diba?

Dali dali akong umakyat papunta sa kwarto at nilagpasan nalang sya gaya ng palagi kong ginagawa.Kung papakielaman ko pa kasi sya ay tiyak na walang humpay na away at sigawan ang mangyayare.

Pagkatapos kong linisin ang katawan ko ay agad na akong nahiga sa kama ko at nakatulog.

KINABUKASAN

5:30 AM

Nakarating na agad ako sa school,dahil nga sa walking distance lang naman ang school namin ay nilalakad ko nalang kesa sumakay pa ako ay bawas pa iyon sa iniipon ko.

As usual ako ang unang unang estudyante ang aapak sa paaralang ito ngayong araw.Kailangan ko kasi tapusin ang assignment ko na hindi ko na nagawa kagabi sa sobrang pagod.

Umakyat ako sa second floor at naglakad sa hallway papunta sa library na makikita bago lumiko paakyat ng third floor.Tinulak ko ang glass door ng library at dahil wala pa ang librarian ay dumeretso na agad ako sa dulong shelf sa kaliwa para kunin ang hihiramin kong libro.

I choosed the last table,at kinuha na ang gamit ko para magsimula.

"Why so early Adidas?" Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko.

"Gulat na gulat ah." He smirked,then sat in front of me."Ano hindi kapa uupo?O gusto mo ako magpaupo sayo?"

Dahil doon ay napaupo nga ako,"You creeped me out Bleu."napahawak pa tuloy ako sa magkabilang sintido ko.

"Easy girl,I'm asking you why are you here?7:00 AM pa ang start ng class natin ah." Ipinatong nya ang isang cup na may lamang kape,umuusok pa kasi kaya ko nalaman.

"Eh ikaw bakit ang aga mo?"

"Wag mo akong sagutin ng isa pang tanong." At humigop sya sa dala nyang kape.

"I need to do my homework."

"Why here?homework nga eh,supposed to be sa bahay ginagawa."

"Eh diba sabi ng mga teachers ang paaralan ay pangalawang tahanan natin so bakit hindi pwede?" I'm right, why did they tell us that the school is our second home if they won't allow us to do our homework on our 'second home' tss.

"Nonsense mga sinasabi mo." At umirap pa sya.

"At ito pa Bleu,natutulog ka din sa klase.Supposedly sa bahay ginagawa."

Umirap ulit siya sakin,"We're different."at tsaka tumayo para lumabas ng library.

Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko para may maipasa ako mamaya kay Ma'am Campus.

Someone's Pov

Magisa kong tinatahak ang madilim na daan.Sa di kalayuan ay natatanaw ko na ang ilaw na nagmumula sa 7/11 na malapit sa paaralang pinapasukan ko.Umupo ako sa pinaka dulong bahagi ng upuan sa kanan tamang tama para matanaw ko sya.

5:20 AM ng makita ko syang dumaan.
Walang pinagbago dahil sa araw araw na pumapasok ay napaka aga nya.

"Napaka ganda mo Adi,sayang at naging katulad kana nila." malaki talaga ang panghihinayang ko.

Kung bakit pa kasi napasama pa sya sa mga taong ganon.

"Pero kung gusto mo talaga silang kasama sige,pagbibigyan ko kayong lahat." Tumingin ako sa relos kong suot,tamang oras para pumasok na sa paaralan-at para subaybayan syang muli.

***

"Grabe ang sisipag talaga ng mga mag aaral dito sa paaralang to."

Magtigil ka hinayupak,araw-araw mo saakin yang sinasabi.

"Oo naman po!hahaha para sa future." Tinapat ko ang id ko mula sa scanner at tuluyang pumasok sa paaralan.

Nakita ko syang paakyat ng hagdaan kaya nagtago muna ako gilid ng estatwang nakalagay sa harap ng entrance ng building.Nang masigurong nakaakyat na sya ay sumunod na agad ako.

Sa library.

Nakita ko syang pumunta sa dulong shelf bandang kaliwa,nang pabalik na sya ay agad akong tumakbo palayo sa glass door ng library.Dumiretso ako sa kaharap na rooms ng library na inaakupa ng mga junior high.

"Ahhhh!"

"HAHAHAHAHAHAH inutil ka talaga,inutil kayo parehas mga putangina." Umupo nalang ako sa isang upuan at tsaka yumuko.

Makakarating din tayo sa patutunguhan nyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon