ONE

106 4 0
                                    

Tapos na ang taglamig, ibig sabihin summer na. Ibig sabihin sikat nanaman ang beach sa mga tao. Sikat nanaman ang mga kung anu-anong pampalamig mapawi lang ang init sa katawan. Madami nanaman ang mga pamilyang pupunta sa mga kung saan-saang lugar na masarap puntahan.

Wala nanaman pasok ang mga estudyante. Pero sa katulad 'kong may summer class, edi ano pa nga ba? Edi bahay-school parin.

Buti na lang nga 3 subject lang ang meron ako ngayun summer, kahit papano naman may social life padin. Aba, sa kagaya kong 19 years old mahirap ang walang social life no. Wala na ngang boyfriend wala pang social life?

"Anji! Okay na ko! Ikaw?"

Sabay pakita sakin ng Reg form ni Marley. Katulad ko, may summer class din siya.

"Malapit na rin ako, mga 3 numbers pa ako na susunod." Tumango lang naman siya.

"Kinuha mo ba yung statistics?" Tanong ko sakanya.

"Hindi pa, ayoko munang maistress!"

So, ako lang pala samin dalawa ang may subject na statistics? Great! Kainis! Ayoko pa naman sa lahat mga numbers!

*****************

Wala akong magagawa kundi pasukan ang isa sa mga pinaka ayaw kong subject. Para kong sasabak sa giyera habang papasok sa first subject ko. Walang iba kundi ang Statistics!

Actually, pangalawa ko ng take to. Hindi ko kasi talaga napasa yung una eh. Mahirap nga kasi! Eh bakit? Ako lang ba ang bobo sa math? Ang dami kaya. Kaya naman ang tawag ko sa mga matatalino sa math ay isang henyo.

Kaya nga ko kumuha ng fashion designing para takasan ang mga numbers, pero meron parin pala!

Feeling ko, sa bawat pag attend ko ng subject na yun. Parang sa impyerno ang punta ko. Hindi ko kaya!

Napakalaking tinik ang mabubunot sakin sa tuwing natatapos at hindi natatakasan ang first subject ko. May assignment pa araw-araw, anong gagawin ko dito? Di ko rin naman 'to masasagot no!

Nandito ako ngayun sa coffee shop na tambayan namin lagi ni Marley. Bukod sa tinatry kong sagutan 'tong assignment sa stats, dito rin ako umiisip ng mga magagandang sketches para sa major subject ko.

Tsaka at home kasi ako dito sa lugar na to. Napakapeaceful lang. Walang istorbo.

"Hi Anji! Kanina ka pa?" Sigaw ni Marley na akala mo naman magkalayo kami.

Kasasabi ko lang kanina na walang istorbo diba? Meron pala, isa.

"Oo, kanina pa ko dito. Eh ikaw bakit ngayun ka lang?"

"Sorry naman kasi, nagkita kasi kami ni boyfriend kaya medyo nalate ako." Sabay pakita niya naman sa flowers ma hawak niya.

Inirapan ko lang naman siya at humigop sa favorite kong frappe. Call me bitter or something, pag dating talaga sa mga boyfriend boyfriend na usapan, wala akong balak makinig.

Ang lagi ngang sabi sakin nila Marley tatanda raw akong dalaga. Ewan ko ba, may mga nanliligaw naman. Pero wala talaga akong amor sa mga ganyan.

"Uy, narinig mo ba ang tsismis?" bulong niya sakin.

Isa pa rin yang tsismis na yan, di rin ako interesado sa mga ganyan. Kaya di ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko.

"May magsusummer class daw satin na artista? Member daw ng isa sa mga sikat na boy group sa korea?"

Napatingin naman ako sakanya.

"So? Parang makikita naman natin yan? sa dinami dami ng mga student sa University diba?"

"Tsaka wala naman akong hilig sa mga ganyan. Natural lang na dito siya magaral, for sure gusto lang nun matuto magenglish."

Habol ko pa sakanya.

"Alam mo ikaw? Napakamaldita mo talaga!"

Sabay walk out niya papunta sa counter, oorder lang.

First week palang ng summer class, feeling ko pagod na pagod na agad ako. Hanep kasing Statistics yan eh.

**********************

"Oh my geeeeeeeeee! Si tao? magaaral sa school mo 'te?" Bat ba ang hilig hilig ng mga taong sumigaw ngayun? Isa pa tong pinsan ko, kung hindi ko lang to mahal eh.

"Aba, malay ko! Wala akong alam dyan."

Sagot ko sakanya habang nagluluto ng dinner namin. Tatlo lang kami dito sa bahay, kasama nung isa pa niyang mas batang kapatid. Yung parents niya sa ibang bansa. At ako? Wag niyo na alamin, long story. Pero, paminsan-minsan dinadalaw naman ako ng Daddy ko dito sa bahay.

"Andito sa instagram niya eh, pinicturan niya yung harap ng school niyo!" Sagot niya pa.

Naalala ko bigla yung sinabi sakin ni Marley, yung tsismis niya. Hindi pala tsismis yun, totoo pala yun. Pero hell, i dont care.

"Kumain ka na nga, dami mo pang sinasabi diyan." Utos ko sakanya.

Ewan ko ba kung bakit naging ganito na yung ugali ko. Siguro, nagsimula 'to nung nagkaproblema ako sa side ng Mommy ko. At lalo na siguro nung nagbreak kami nung first boyfriend ko. Ayoko na i elaborate pa sainyo yung kung anong mga nangyare. Basta sigurado akong yun ang dahilan kung bakit ako naging ganito.

Naging masungit ako, na dati naman madaldal ako sakanila. Pero ngayun, parang bitter ako sa mga bagay-bagay, nagtatapang tapangan eh.

Pagkatapos namin kumain, umakyat na ko sa taas. Tinuloy ko na yung mga dapat kong gawin. Pero hindi kasama dun ang ang subject na stats. Kasi kahit anong gawin kong effort, wala rin naman akong matatapos.

Nagbasa muna ko ng librong binabasa ko kapag may free time ako. Bukod sa pagdedesign ng mga damit, isa din akong book addict. Nung bata nga ako gusto kong maging writer. Madami akong gusto, di ko nga alam kung anu-ano ang uunahin ko eh.

**********************

Katatapos lang ng tatlong subject ko, at andito nanaman ulit ako sa lagi kong tinatambayan. Sumasakit na ang ulo ko sa pesteng stats na to ha? Hawak hawak ko na ang noo ko habang pinipilit isolve 'tong equation na to, pero hindi ko parin magawa-gawang isolve.

Naiiyak na ko dito, kung nasa kwarto ko lang ako, kanina pa ko nagdadabog at kanina ko pa rin tinapon 'tong notebook na hawak hawak ko.

"Blahblahblahblahblah"

Ha? ano daw? ako ba ang kinakausap ng taong to? Tumingin naman ako sakanya.

"I'm sorry, what?" Tanong ko sakanya nang makumpirma kong ako nga ang kinakausap niya.

"Blahblahblahblahblah, thats the answer to that problem" Sabay turo niya sa notebook ko. Pero hindi ko alam kung slow lang ako o talagang nagulat ako sakanya, kasi hanggang ngayun tulala lang akong nakatingala sakanya.

"Ayshhh!" Buntong hininga niya sabay kuha ng notebook at ballpen na nasa kamay ko at tila may sinulat.

"Blahblah lahblahblah?" Basa ko sa sinulat niya.

Ahhhhhh! Sinasabi niya pala sakin yung sagot sa assignment ko sa statistics! Ang shonge ko naman, sabi ko naman kasi basta usapang numbers slow ako diba?

"Owww~ Th-thank you!" Yan lang ang nasabi ko.

Para kasi akong nakakita ng artista, halatang iba yung lahi niya. Singkit ang mga mata, na matangos ang ilong at maputi pa. At take note, blonde pa ang buhok niya. Im sure, kahit ikaw mapapanganga nalang sa gulat.

A Summer Fling with Huang Zi TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon