Tatlong araw, tatlong araw na 'kong naghihintay. Nagbabakasakali na tumawag siya, makita ko siya at makasama ko ulit siya.
Tatlong araw na rin akong napapraning na baka iniwan niya na talaga ako at bumalik na sa korea ng hindi nagpapaalam. Sabagay, sino ba naman ako para pagpaalaman niya pa?
Sino ba naman ako para pagaksayahan pa niya ng panahon? Tama, sino nga ba naman ako sakanya?
Kanina ko pa hawak hawak 'tong cellphone ko. Kanina pa kong naghihintay ng reply niya sa text message kong halos isang oras ko na sinend.
Ako rin mismo ang sumuko maghintay at magpasyang matulog na lang at takasan 'tong masakit na nararamdaman ko.
********************
Alas nuwebe ng gabi nang binulabog ako ng tunog ng aking telepono. Dali-dali kong pinindot ang answer button habang nakapikit pa.
"Hello?"
Napamulat akong bigla nang marinig ko ang boses sa kabilang linya.
"Huang Zi Tao?"
"Hi, im sorry for not answering your calls." Sagot niya.
Ang gaan sa pakiramdam nang marinig ko ang boses ng tatlong araw ko ng hinahanap at gustong makita.
"Wh-what happened to you?? I've been worried sick!" Sigaw ko sakanya sa sobrang pagalala.
Narinig kong tumawa naman siya ng mahina. Yung totoo? Nakakatawa pa siya sa lagay na nagaalala ko sakanya?
"I'm three days sick, sorry Anji." Sagot naman niya na halatang hirap na hirap siya.
Sa totoo lang masaya ako na nagkasakit lang pala siya. Atleast hindi siya umalis para bumalik sa Korea diba? Pero naawa din ako sakanya.
Dali-dali akong nagbihis at umalis papunta sa sinabi niya saking address niya. Bumili narin ako sa isang grocery store na malapit sa building niya para sa lulutuin ko sakanya.
Madali lang makita yung condo niya, isa kasi sa pinakasikat na building yung kung saan siya nakatira.
Agad-agad kong inenter yung code na tinext niya sakin sa pintuan niya.
Simple lang ang ayos ng bahay niya. Napakaplain, konti pang ang gamit. Halatang halata na hanggang summer lang talaga siya dito.
Oo nga pala, hanggang summer nga lang pala siya dito. Bigla namang may kumurot sa puso ko.
"Anji?"
Nagising ako sa pagiisip ng tawagin niya ang pangalan ko.
"Huang Zi Tao? Where are you?" Sigaw ko sakanya.
Nakita ko naman ang isang kwarto na bukas ang pintuan. Pumasok naman ako doon. Nakita ko ang lalaking tatlong araw ko ng hinahanap.
Nakaratay siya sa kama niya na nakabalot ng makakapal na comforter.
"You are hot!" Habang nakalagay ang kamay ko sa noo niya.
"Thanks!" Biro niya habang nakangiti.
Bilib naman ako sa lalaking to ano? Nakakapagbiro pa sa kabila ng kalagayan niya ha!
Inirapan ko naman siya sabay alis ko sa kamay kong nakalagay parin sa noo niya. Tumawa naman siya ng bahagya.
Kumuha ako ng malamig na tubig at nilagyan yun ng maraming yelo. Kinuha ko naman yung face towel na nakita ko malapit sa kama niya.
Tahimik lang kaming dalawa habang pinupunasan ko ang katawan niya gamit yung face towel na nilublob ko sa sobrang lamig na tubig.
Ramdam na ramdam ko ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. At alam kong nararamdaman niya din yun.
Hindi ko maiwasang mapalunok habang pinupunasan ko ang katawan niya. Sa ibang direksyon naman nakatingin ang mga mata niya na halatang naiilang din siya.
*****************
"Where is your closet?" Tanong ko sakanya.
Agad naman niyang tinuro iyon. Kumuha ako ng isang plain shirt at binigay iyon sakanya.
"Change your shirt, it'll make you more comfortable."
Huhubarin niya na sana ang damit niya sa harapan ko para palitan iyon nang magsalita ako para pigilan siya. Ayokong sa harap niya ko magbihis. Ayoko matukso!
"I-I'll just cook some food to fill in your stomach!" Sabi ko sakanya.
"Thanks Anji." Pasasalamat niya habang nakangiti. Pinagmasdan ko ang muka niya. Mas umaliwalas iyon ngayun kesa aa kaninang pagkita ko sakanya.
Ngumiti naman ako sakanya sabay labas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
A Summer Fling with Huang Zi Tao
RomanceA summer love affair is not that easy. Especially when it is a summer fling with an icon, Huang Zi Tao. Mahirap magkagusto sa taong alam mong walang kasiguraduhan, sa taong hindi mo alam kung ano ang kalalabasan ng inyong kwento. Sa taong alam mo na...