FOUR

54 3 0
                                    

Ngayun ko nalang ulit naramdaman to. Yung kaba sa tuwing nakikita ko siya. Yung pamumula sa tuwing lumalapit at may kung anong nakakatuwa siyang sinasabi sakin.

Hindi ko alam kung papansinin ko ba tong nararamdaman ko o hindi ko nalang iisipin.

***************

Ngayun na yung event sa course namin. Kinakabahan ako, hindi kasi ako masyadong kampante sa mga gawa ko. Oo nga, maganda naman daw sabi ni Marley. Pero kasi, ako mismo yung hindi satisfied eh.

Isa-isa ng nirarampa ng mga models yung mga gawa namin, kasama na yung mga dinesign ko. Tinitingnan ko yung mga reaksyon ng mga judges nung yung gawa ko na ang nirarampa. Okay naman, sa tingin ko naman nagustuhan nila. Sana! *crossed finger*

*********

Hindi man nanalo yung mga gawa ko, nagkaplace naman. Yung isa 2nd place pa nga eh. Okay na sakin yun. Oo, may konting paghihinayang pero ganun talaga diba?

Pauwi na ko sa bahay ng biglang tumunog yung phone ko. May nagtext.

Huang Zi Tao:

Hi! You did a very good job! Congratulations!

Nanood siya? Bigla naman akong naflattered. Nakakatuwa talaga 'tong lalaki na to. Nakakatuwa na nakakakilig.

Ginabi na ko sa paguwi, gabi na rin kasing natapos yung event. Pagkauwi ko, tulog na sila lahat. Kaya naman dumeretso na ko sa kwarto ko.

Kapagod pagod man ang araw na to pero worth it naman.

**********************

In fairness, hindi na ko masyadong nahihirapan sa Statistics. Thanks a lot Huang Zi Tao! Biruin mo, napasa ko yung midterm exam? Akalain mo nga naman yun!

Kasama ko ngayun si Marley dito sa coffee shop.

"Buti naman, hindi ka ngayun nakabuntot sa jowa mo no?" Tanong ko sakanya.

"Sus, eto naman selosa masyado!" Sagot niya sakin sabay himas sa balikat ko.

"Eww ka ha? itigil mo nga yan, nakakadiri! Baka mamaya mapagkamalan pa tayong magsiyota dito!"

Sabay tawa naman niya sakin.

Ganito lang kami magasaran palagi. Pero kita niyo naman, kami at kami parin ang magkasama.

"Kamusta na nga pala yung Stats mo?" Tanong niya.

"Okay naman, may fallen angel kasi na nagtuturo sakin." Sagot habang medyo kinkilig kilig.

"First time sayo yan ah? Himala yan!" Sabay sundot niya sa tagiliran ko.

"Ano ba!" Saway ko naman.

"Nakita niya kasi akong nagdadabog dito sa coffee shop habang nagsasagot ng math problems ko. Kaya ayun tinuruan niya ko!" Sagot ko pa.

"Wow! May tutor?"

"Actually, magkikita kami nun ngayun eh, pakilala ko sayo!" Sabi ko sakanya.

Mga 30 minutes na siguro kaming nagaantay pero wala parin siya. Tinext ko na nga siya kung pupunta ba siya kaso walang reply. Baka naman naharang lang yun sa mga kelangan niyang gawin sa subject niya.

Aaminin ko medyo disappointed ako kasi di kami magkikita. Excited pa naman akong pakilala siya kay Marley. Kaso ni hello or hi wala man lang reply.

Siguro isang oras pa kaming nagantay pero wala talagang Huang Zi Tao na dumating. Kaya naman nagpasya kami ni Marley na umalis na at umuwi. Gumagabi na rin kasi.

Papalakad na kami ni Marley palabas sa coffee shop ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang lalaking kanina ko pa inaantay.

"Huang Zi Tao!" Sabi ko.

"Huang Zi Tao??" Sabi naman ni Marley.

Tiningnan ko si Marley na mukang gulat na gulat.

Nakangiti naman si Huang Zi Tao sa aming dalawa.

"I'm sorry, i know i'm late." Sabay sabi niya.

Bigla naman akong hinila ni Marley palayo.

"Yan ang tutor mo???" Sigaw niya sakin. Medyo OA lang talaga tong kaibigan ko eh no?

"Bakit ba??" Tanong ko.

"E yan yung sinasabi kong artista na nagsasummer class sa school natin eh!"

WHAT?? Si Huang Zi Tao?? Si Huang Zi Tao??? Tao?? Bakit hindi ko nga ba naman naisip yun. Tiningnan ko naman siya na parang nagtataka kung bakit kami lumayo ni Marley sakanya.

Kaya pala sa tuwing magkasama kami dito sa coffee shop masyadong makatingin tong mga tao samin. E kasi naman, sikat naman pala siya.

*******************

"This is really you???" Tanong ko kay Huang Zi Tao.

Nandito kaming tatlo sa loob ng coffee shop habang pinapanood yung mga music video ng grupo niyang EXO.

"Yes, that's me." Sagot niya sabay ngiti.

Nakakagulat naman tong revelation na to ngayun para sakin! Parang hindi naman kapani paniwala na artista pala to! Pero eto na oh, siya talaga 'to. Isa talaga siya sa mga naggwagwapuhang lalaki na nagsasayaw ngayun.

Hindi ko alam kung bakit pero parang kinikilig ako sa tuwing muka niya yung pinapakita sa video na pinapanood namin.

"Let's not watch it. It's embarrassing!" Sabay hawi niya sa laptop.

"Why?" Tanong ni Marley sakanya.

"I just dont want to watch it." Sagot naman niya.

Nakatingin lang naman ako sakanilang dalawa habang nakangiti.

Mga 9 na kaming umuwing tatlo. Magkasama kaming umuwi ni Marley since parehas naman kami ng daan pauwi.

"Oy, ikaw. Umamin ka nga!" Sabay kalabit niya sakin. Napatingin naman ako sakanya.

"May gusto ka kay Tao no? Halata eh!" Tukso niya sakin.

"Ako? wala ah!" Sagot ko sakanya.

"Sus! ibang iba yung tinginan niyo eh! kunwari kapa!"

"Tinginan? Papano??" tanong ko sakanya.

"Malagkit eh, oo! malagkit pa sa suman!"

Deep inside alam kong napangiti ang puso ko.

"Sus, ano kaba! Wala yun no! Tsaka hello? Artista siya diba? So malabo!" Sagot ko naman sakanya.

Malabo naman talaga diba? Papano mo nga naman makakatuluyan ang isang artista na ikaw naman isang ordinaryong tao lang diba?

****************

Thank You po sa mga bumasa. Sana may magcomment para alam ko po kung itutuloy ko pa to. Kung meron lang naman po :)

A Summer Fling with Huang Zi TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon