Ngumiti lang naman si Kuyang sumagot ng assignment ko, sabay alis. Ang creepy nun ha? Ang gwapo nga, ang weirdo naman! Ano bang meron sa mga tao ngayun? haaaaaaay.
"Th-thank you ulit!" Sigaw ko naman sa lalaking hindi na nagbother lumingon sakin. Ano ba yan, nahawa na ko kina Marley sa kakasigaw.
Pero In fairness ha? Tama ang mga equation ni Kuyang chinito! Siguro, pinadala talaga siya ni lord sakin para sagutan ang mga assignment ko. Pero bat ganun? Bakit weirdo yung anghel!? Ah ewan, basta thankyou kung sino man siya.
******************
Natapos din ang midterm exam! At nararamdaman kong pasado ko sa tatlong exam na sinagutan ko. Kasama na rin dun ang stats! Malaking bagay talaga yung mga sinulat ni kuyang creepy na chinito sa notebook ko, yun kasi yung nagsilbing reviewer ko eh. Kung makikita ko lang siya ulit, ipagluluto ko siya o kaya naman ililibre ko nalang siya ng frappe!
Speaking of frappe, nandito ko ngayun sa alam niyo na kung saan habang sinecelebrate ko ang alam kong napasa kong mga exam. At malamang nasa boyfriend nanaman niya si Marley kaya di ko kasama.
Medyo kinikilig kilig ako ngayun dahil sa librong binabasa ko. Eh kasi naman, kinikilig ako kay Luce tsaka kay Daniel eh. Malapit ko na kasi matapos 'tong Fallen ni Lauren Kate kaya atat na atat lagi akong basahin. Alam ko, muka na kong baliw dito sa coffee shop. Ngumingiti magisa.
Tiningnan-tingnan ko yung mga tao sa loob ng shop kung nakatingin sakin pero as of now wala pa naman. Kaya deadma!
Nang biglang may isang familiar na muka akong nakita.
Si Kuyang chinito na creepy, kasama ang isang cute na babae. Tumatawa silang dalawa. Infern ha? bagay silang dalawa! At Infern, ang cute ni kuya tumawa.
Nang bigla siyang napatingin sa direksyon ko, na buti nalang agad akong umalis ng tingin sakanila at ibinaling ang mga mata ko sa librong kanina ko pa binabasa.
Anyways, back to my book.
***************
It's just a normal day. Stressed sa Stats+bagong lesson sa dalawang major subject ko = Pagod.
At ano pa nga ba? Assignment nanaman sa statistics, yung dalawang subjects ko kayang kaya ko pa. E dun ang forte ko eh. Pero 'tong stats na to, kahit siguro aralin ko magdamaga, migraine lang ang aabutin ko.
Kaya naman talagang, araw araw nandito ko sa coffee shop. Pampatanggal kasi ng stress eh, kilala ko na nga yung mga barista dito eh.
And as usual, sumasakit nanaman ang ulo ko sa kakaaral sa hanep na subject na to.
I swear pag napasa ko 'tong subject na to ibabaon ko na sa limot kung ano mang hirap ang naranasan ko. Ayoko na kayang maalala, bangungot eh!
"Another Math problem?"
Isang boses na automatic nagpatigil sa kung ano mang ginagawa ko ngayun.
Tiningnan ko kung saan galing ang boses na yun. Si kuyang chinito na creepy? At ewan ko ba na sa tuwing kinakausap ako nito, eh parang tumitigil sa pagfafunction tong mga body parts ko.
Napatango nalang ako.
"Are you alone?" Tanong niya.
Tumango ulit ako, sabay ayos sa eyeglasses ko.
"Can i sit here?"
Tanong pa niya ulit.
"Su-sure" Sagot ko lang naman.
Nakatingin lang ako sakanya habang sinasagutan ang assignment ko sa Math. Parang wala lang sakanya, petiks na petiks lang siya sa ginagawa niya. Henyo!
"There, it's done!" Sabay ngiti niya. Hindi ko alam kung bakit nagsiakyatan ang mga dugo ko sa muka ko dahil sa pagngiti niya.
"Hello?" Sabay kaway niya sa harap ng muka ko.
Na nagpagising naman sa sarili kong parang natutulog kahit gising. Gulo no?
"Ah! uhmm. Th-thank you!" Sabay sabi ko sakanya.
"I always see you here, and it seems like you are having a hard time answering those Math problem."
Lagi daw niya ko nakikita? sabagay, lagi naman talaga ko dito.
"Ahhhh. Ye-yes. Im not good in numbers thats why" Sabay ngiti ko naman.
"I see. By the way my name is Huang Zi Tao." Sabay lahad niya sakin ng palad niya. Inabot ko naman yun.
"Anji, My name is Anji." Sagot ko naman sakanya.
Chinese pala siya, nagsasummer class lang siya dito para sa subject na Photography. Isa kasi ang school namin sa mga kilala pag dating sa Arts lalo na sa Photography. Mahilig daw kasi siya magtake ng mga pictures, kaya naman nung nagkafree time siya ngayung summer, nagenroll siya dito. Tsaka gustong gusto raw niya talaga dito sa Philippines, kaya dati nagaaral siya magtagalog.
Ang sarap niya kausap. Para siyang bata, medyo immature. Nakakatuwa, hindi naman pala siya creepy. Kapansin pansin pala talaga yung pagdadabog ko sa loob ng coffee shop sa tuwing nagsasagot ako ng assignment ko sa lintek na Statistics na to.
"So, are we friends now?" Tanong niya.
"Of course! Yes!" Sagot ko naman sakanya, sabay ngiti ko. Napangiti naman din siya.
"Dont worry, I'll help you with your Math problems!" Sabi pa niya.
Bigla naman akong natuwa sa sinabi niya. Ang bait naman niya, gwapo na mabait pa. Pinagpala talaga ko ng diyos ngayung araw.
******************
BINABASA MO ANG
A Summer Fling with Huang Zi Tao
RomanceA summer love affair is not that easy. Especially when it is a summer fling with an icon, Huang Zi Tao. Mahirap magkagusto sa taong alam mong walang kasiguraduhan, sa taong hindi mo alam kung ano ang kalalabasan ng inyong kwento. Sa taong alam mo na...