FIVE

53 3 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit sunod sunod naman ata ang pagpapaspecial project ng mga professor namin. Kaya ito ako, dalawang araw nanamang walang maayos na tulog para matapos lang yung mga kaekekan na pinapagawa nila.

Sa lahat ata ng naging summer class ko, eto ang nagpahirap sakin. Dati kasi petiks lang. Nagmistulan nanaman akong babae sa balete sa itsura kong kulang na kulang sa tulog.

Kaya naman nandito ako sa 2nd floor ng building namin habang nakaupo at nakasubsob ang mga noo sa lamesa.

Sobrang sakit ng ulo ko. Parang may nagpaparty, sobrang sakit. Pasemento ko na kaya to?

"Anji?"

Tawag naman ng isang boses sa pangalan ko.

Humarap naman ako sa direksyon kung nasan siya habang nakasubsob padin sa lamesa yung noo ko.

Si Huang Zi Tao.

"What?" Walang emosyon ko namang tanong sakanya.

"What happened to you?" Tanong pa niya ulit sabay upo sa tabi ko. Umusod naman akong bigla para bigyan siya ng space habang nakasubsob padin yung noo ko at nakabungayngay yung mga buhok ko sa lamesa.

"I'm turning into zombie!" Sagot ko sakanya habang nakapikit lang.

Narinig ko naman siyang tumawa.

"No, seriously?" Tanong niya pa ulit.

Tumingin naman ako sakanya habang nakasubsob padin.

"I haven't sleep for two days, i am so stressed!"

Sagot ko sakanya sabay tungo at pikit ulit.

"You should go home and take a nap"

Sabi niya pa. Naramdaman kong lumapit siya sakin. Tumungo rin siya para makita ng mabuti ang muka ko. Bigla naman akong nagmulat kaya ang gwapo niyang muka ang agad na nakita ng malazombie kong mga mata.

Nagulat ako bigla kaya naman napaayos ako ng upo.

"I cant, i have so many things to do" Sagot ko sakanya habang hinihilot yung ulo ko.

"Come here!" Utos niya sakin.

Lumapit naman ako sakanya. Hinawi niya yung kamay ko na kasalukuyang hinihilot yung ulo ko. Siya naman bigla ang nagmasahe sa masakit kong ulo.

"He-hey, what are you doing?"

Nagsiakyatan nanaman yung mga dugo ko sa muka ko. Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan.

Ramdam na ramdam ko ang hininga niya. Amoy na amoy ko ang mabangong amoy niya. Lalaking lalaki talaga.

"I'm massaging your head. It will take away your stress." Nakangiti niyang sabi.

Napangiti nalang ako. Feeling ko, nasa langit ako ng mga panahong yun. The next thing i know meron na pala akong gusto sakanya.

*******************

Pagkatapos ng "Hilot Scene" namin ni Huang Zi Tao sa second floor, doon ako napaamin sa sarili ko na may gusto nga ako sakanya.

Pero ayoko umasa. Papano ka naman kasi aasa sa isang taong alam mo na imposible mong maabot, sa taong alam mong sobrang layo ng agwat sayo.

Kaya kung anu man 'tong nararamdaman ko ngayun, isasantabi ko nalang. Masakit umasa at ayoko na maranasan pa ulit yun.

Anyways, papunta ko ngayon sa coffee shop. Magkikita kami ni Huang Zi Tao, gusto ko kasi magthank you sakanya. Nakita ko kasi yung grades ko sa Statistics, mataas yung grade ko. At dahil yun sakanya.

Papasok na ko ng coffee shop ng makita ko siya, kasama niya ulit ngayun yung cute na babae na nakita ko na dating kasama niya. Ewan ko ba, parang may naramdaman akong kirot sa puso ko.

Para kong natinik ng cactus sa buong katawan. Nanunuyo yung lalamunan ko, may kung anong bara at sakit akong nararamdaman sa tonsil ko.

At ang masaklap pa, anytime papatak ang luha sa mga mata ko.

Nagulat siya nang makita niya ako. Napabuntong hininga naman ako bigla.

"A-anji, you're early!" Sabi niya sakin.

"I ju-just want to give you this.... Uhm...
Th-that's for helping me to my Statistics subject."

Uutal utal kong sagot sakanya. Binigyan ko naman siya ng isang matipid na ngiti.

"I-I have to go! Bye!" Sabay abot ko naman sakanya nung Carbonara na niluto ko saka bigla biglang umalis.

Narinig kong tinawag niya ulit ako, pero nagbingi-bingihan nalang ako at agad agad nang umalis. Mahirap na, baka makita niya pang tumutulo yung luha ko.

Habang naglalakad ako pauwi, kasabay naman nito ang pagtulo ng mga pesteng luha na 'to.

Sabi ko na ngang wag na umasa eh. Sabi ko na nga ba masasaktan nanaman ako eh. Ang pagiging assuming talaga minsan nakakamatay.

****************

Bukas nalang po ulit :)

A Summer Fling with Huang Zi TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon