At dahil nangako ako kay Huang Zi Tao na ipagluluto ko siya ulit nung pasta na binigay ko sakanya last time. Eto ako ngayun, mamimili ng ingredients.
Actually, kasama ko siyang mamili dahil gusto niya makita kung papano lutuin yun. Kaya naman inaantay ko siya ngayun dito sa supermarket.
Medyo naeexcite ako kasi dun kami magluluto sa bahay. Ibig sabihin, pupunta siya sa bahay. Nakakakilig yun diba? Magluluto kaming dalawa, para kaming nagbabahay bahayan.
"Hi! Sorry I'm kinda late! it's raining outside."
Oo nga pala, may low pressure area nga daw pala ngayun. Medyo halata sakanya na nagmadali talaga siyang pumunta dito. Halatang nabasa siya ng ulan at hingal na hingal pa.
"Don't worry, its fine!" Sabay ngiti ko sakanya. Ngumiti naman din siya sakin.
"So, lets go?" Tanong niya sakin. Tumango naman lang ako.
Kinuha niya yung kamay ko at hinawakan ito sabay hila sakin papasok ng supermarket.
Ito nanaman yung puso ko, nagsisimula nanaman magwala.
Para siyang bata na excited na excited bumili ng laruan. Nakakatuwa siya.
"Huang Zi Tao?" Tawag ko sakanya.
Tapos na kami mamili ng mga gagamitin sa pagluluto. Nagpahinga muna kami at tumambay sa isang milk tea shop malapit dito sa supermarket.
"Yes?" Sagot niya sakin.
"Why did you joined EXO?" Wala, curious lang ako kaya ko natanong. Napangiti naman lang siya sa tanong ko.
"I want to perform that's why. I love dancing and rapping, that's my passion." Seryosong sagot niya sakin.
"Oww~ I see." Yun lang ang nasabi ko.
Napatawa naman siya ng kaunti.
"You are really cute!" Sabay ngiti niya at kurot sa pisngi ko.
Napatingin naman kami sa labas dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan.
Umalis kami ng shop kahit medyo umaambon ambon palang. Nilakad nalang namin yung daan papunta sa bahay. Malapit lang din naman eh.
Para kaming sardinas na dalawa habang nagsisiksikan sa payong kong dala. Ang tangkad naman kasi niya eh!
"Wait!" Sabi niya.
Kinuha niya yung payong ko at saka inakbay niya ang kanang kamay niya sa balikat ko.
Ito nanaman 'tong mga kuryente na to. Nabuhay nanaman sila.
"See? Now we can walk!" Salita niya sabay hila sakin palakad.
Hindi ako mapakali sa posisyon namin. Ikaw kaya sa sitwasyon ko? inaakbayan ka ng taong gusto mo ang hirap kaya magpigil ng kilig.
Wala pang 3 minutes nandito na kami sa bahay.
Buti nalang wala dito yung pinsan ko, kung hindi nagkikikisay na rin yun pag nakita niyang nandito ang isa mga member ng favorite group niya.
Nakita ko naman siyang tumitingin tingin at nililibot ang mata sa bahay namin.
"What? Is there something wrong with our house?" Tanong ko sakanya habang inaayos yung mga pinamili namin.
"Nothing, its just too clean in here."
Natawa naman ako ng malakas sa sinagot niya. Bakit? Ngayun lang ba siya nakakita ng malinis na bahay? Kung sa bagay, nakatira siya kasama ng labingisang puro lalaki pa.
"So, let's start?" Tanong ko sakanya.
Agad naman siyang pumunta sa tabi ko at excited na excited magsimula.
"Okay! Chop this onions first." Utos ko sakanya.
Kinuha naman niya sakin yung mga sibuyas at saka binalatan at hiniwa.
Pinagmasdan ko naman siya habang gumagawa. Napapangiti ako sa tuwing sumisinghot siya dahil sa amoy ng sibuyas.
Sinimulan ko ng isalang yung kawali at nilagay yung butter.
"Now, put those onions in the frying pan!" Utos ko ulit sakanya.
Unti-unti niyang nilagay yung mga sibuyas sa kawali nang biglang tumalsik yung mga mantika na ikinagulat niya.
"Whoooaaaaaaa!" sigaw niya habang yakap yakap ako ng mahigpit patalikod.
Ako naman nagmistulang istatwa dahil sa ginawa niyang pangyayakap.
Tumawa naman siya ng malakas habang lumayo sakin.
Ako naman, frozen padin.
"Are you okay?" Tanong niya.
"Y-yeah. Im fine.. Im fine!" Sagot ko sakanya.
Dahil sa takot siya sa mantika, ako na ang nagluto. Pinanood niya nalang ako kung papano lutuin yun.
Kitang kita ko naman sakanya na manghang mangha siya sa ginagawa ko.
Para siyang batang nanonood ng Magic show. Nakakatuwa siya.
*****************
Pagkatapos ko magluto, nagkwentuhan naman kami habang kumakain. Madami kaming napagusapan, tungkol sa grupo niya. Sa pagiging trainee niya dati. Mahirap pala yung dinanas nila. Kung ako yun, matagal na 'kong patay sa sobrang pagod.
Magisa lang pala siya ngayun dito sa Philippines. Nagsstay siya sa isang condominium na pinrovide sakanya ng management nila. Kaya madalas pala magisa lang siya. Kaya naman pala tuwang tuwa siya nung sinabi kong ipagluluto ko siya.
Kasi bukod daw sa sawa na siya sa mga luto niyang pachamba, makakasama daw niya ko ngayung weekends. Kinilig naman ako bigla.
"I really am enjoying your company Anji." Sabi niya pa.
"That's why i'm really sad when you ignored me last time." Sabay pout niya sakin.
Alam ko at naramdaman kong namula yung muka ko. Feeling ko maiihi ako sa kilig.
************
Simula nung pinagluto ko siya, di ko na siya nakita. Two days na siyang wala sa school. Ano kayang nangyari dun?
Tinatawagan ko ang cellphone niya pero nagriring lang naman. Nagaalala naman ako masyado.
Napapraning ako, baka bumalik na siya ng Korea ng hindi nagpapaalam sakin.
Pag naiisip ko yun feeling ko gusto kong malumpo. May kung anong sakit akong nararamdaman dito sa puso ko.
Ano na bang nangyari sayo Huang Zi Tao??
Hindi ako makafocus sa tatlong subjects ko. Iniisip ko siya, nadidistract ako.
Niredial ko ulit yung number niya, this time cannot be reach na siya. Ang sakit. Umalis na lang naman siya ng hindi nagpapaalam sakin.
Gusto ko maiyak. Gusto ko maglumpasay. Sa mga oras na to parang gusto kong mamatay.
*******************
Wow, kahit papano pala may nagbabasa. Thank you sainyo. You can also vote for this chapter and you guys also can comment if you want :)
BINABASA MO ANG
A Summer Fling with Huang Zi Tao
RomanceA summer love affair is not that easy. Especially when it is a summer fling with an icon, Huang Zi Tao. Mahirap magkagusto sa taong alam mong walang kasiguraduhan, sa taong hindi mo alam kung ano ang kalalabasan ng inyong kwento. Sa taong alam mo na...