ELEVEN

25 3 0
                                    

Pagsisisihan ko ba tong nagawa ko o ikakatuwa ng puso ko?

Halo-halong emosyon, ito ang nararamdaman ko ngayun. Pakiramdam ko napakalandi kong babae para pumayag nalang basta basta.

Masaya din naman ako kasi kahit papano feeling ko may halaga din ako sakanya. Gusto niya din ba ko? O sadyang init lang ng katawan?

Naloloka na ko! Tiningnan ko naman ang natutulog na si Huang Zi Tao. Ang sarap niyang tingnan. Parang bata sobrang himbing ng tulog. Samantalang ako ito, sobrang nalilito. Takot, ito yung nararamdaman ko. Natatakot ako na baka panandalian lang to, yung tipong pagkagising niya babawiin niya yung nangyari at tuluyan nalang kakalimutan. Pagsisisi, na sana di ko nalang ginawa. Kasi alam ko na wala rin naman hahantungan ang lahat. 

Iniisip kong umalis at umuwi. Ayoko muna siyang harapin, ayokong makita yung magiging reaksiyon niya. Ayokong malaman yung mangyayari. Ayokong bumalik sa realidad. Ayokong marinig sakanya na walang ibig sabihin ang lahat. Ayoko sanang sabihin nya sakin na kalimutan nalang ang kagabi at piliting isipin na walang nangyari. Ayoko, ayoko sana.

Gusto kong dito lang ako. Dito lang ako sa tabi nya na habang tulog pa sya ay pagmamasdan ko muna ang muka nyang payapa. Gusto kong pag gising niya ay nandito ako sa tabi niya habang nakangiti at siya'y nakangiti rin sakin. Gusto kong dito lang ako para marinig ang mga gusto kong marinig. Pero sa kabilang banda, gusto kong dito lang ako para sakanya.

Eto nanaman sya, eto nanaman yung mga traidor na luha na kumakawala sa mga peste kong mga mata. Natatakot ako, nahihiya ako, napapraning na ko. At bago pa magising ang lalaking nasa tabi ko, umalis na ko. Umalis akong daladala ang kabog na na nasa loob ng aking dibdib.

_________________________________________________

Isang linggo, oo isang linggo na kong wala sa sarili. At isang linggo na rin kaming hindi naguusap at nagkikita. Bakit? Ewan ko ba. Ewan ko ba sa sarili ko at ewan ko din ba sakanya. Wala rin syang paramdam. Nasan kaya sya ngayon? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Iniisip nya ba ko ngayon? Ewan ko. Bahala na.

Kinuha ko ang cellphone kong kanina ko pang tinititigan. At kanina ko pa din paulit ulit na kukunin at paulit ulit ko ding bibitawan.
At muli nanamang kumabog ang dibdib ko, na parang nauulol at nawawala sa katinuan. Bahala na, bahala na talaga.

Habang kagat kagat ko ang aking kuko, kinuha ko ang aking cellphone at agad na nagdial ng mga pamilyar na numero.

Nakatatlong minuto ng ring pero wala namang sumasagot. Dito na ko biglang umiyak. At nagisip ng mga kung ano ano.

Nang biglang umilaw at tumunog ang aking phone.

"Huang Zi Tao" bulong ko sabay pindot.

Inantay ko munang siya ang unang magsalita. Pero parang parehas lang kami ng inaantay.

Napabuntong hininga ako. Pinikit ko ang aking mga mata saka nagsalita.

"H-hello?"

Narinig ko naman na parang kumuha din sya ng lakas ng loob para sagutin ako.

"Uhmm.. can w-we talk?"

Tatlong salita, tatlong salita na kahit papano ay nagpabunot ng tinik ko sa aking lalamunan. Tatlong salita na muli nanamang nagpakabog sa aking dibdib. Tatlong salita na nagpabuhay sa mga nagsisitulog na paru-paro sa aking tiyan. At tatlong salita na nagpalaglag ng mga traidor kong luha sa aking dalawang mata.

________________________________________________

Tahimik at mejo awkward. Hindi pala mejo, awkward talaga. Sa dinami dami kong tanong sa utak ko, ni isa di ko mailabas. Ni isa di ko maitanong sakanya. Siya naman ay nakatingin sa ibang direksyon na parang may malalim na iniisip.

Umayos siya ng upo at parang nahihiyang tumingin sakin. Napatungo naman akong bigla.

"Hey..." Malambing niyang sabi.

"Im sorry... Im sorry for..."

"Let's just forget about it" bigla ko namang putol sa sasabihin nya.

Nagulat siya sa sinabi ko at pati naman ako'y nagulat din sa sarili ko.

Bakit ko nga ba nasabi yun? Bakit ko ba pinairal? Natanga na ba talaga ako? Bakit ba? Bakit nga ba?

"O-okay, okay then" mahina niyang sagot.

"I just want to tell you that..." Natigilan siya. Sa hindi ko malamang dahilan. At ako nama'y parang nabingi dahil hanggang ngayun, di pa din ako naka move on sa sarili ko.

"That... I'm going back to Korea on Thursday"

Thursday... tatlong araw nalang. Tatlong araw nalang at mawawala na siya. Tatlong araw nalang guguho ng tuluyan ang mundo ko. Tatlong araw nalang at babalik na muli sa normal ang buhay ko. Ang sakit.

Ngumiti ako, oo isang pekeng ngiti.

"That's.. I think that's great.. That's really great!"
Bago pa man tumulo ang mga luhang to, umalis na ko. Umalis na kong walang paalam sakanya. Siya naman? Naiwang blangko.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Summer Fling with Huang Zi TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon