THREE

56 3 0
                                    

Bagay na bagay sakanya yung blonde niyang buhok. Yung mga singkit niyang mata na kapag ngumingiti o tumatawa siya kala mo wala na siyang nakikita sa sobrang liit na ng mga 'to. Yung lips niya, parang ang sarap lang tingnan maghapon.

Yung ugali niyang parang bata, nakakatuwa. Mabait pa. Ang swerte naman ng girlfriend nito.

*kriringggg kriringgggg kriringgggg*

Ay hala? panaginipan ko raw ba si Huang Zi Tao? kasi naman, halos everyday kaming nagkikita sa coffee shop para turuan ako sa mga Math problems ko.

Yung mga tao nga dun, tingin ng tingin samin. Bulong ng bulong na kala mo mga bubuyog. Ano bang meron? Kala mo nakakita ng artista!

Busy pala kaming mga fashion designing students ngayun, meron kasi kaming malaking event na gagawin. At isa ako sa mga magpapakita ng mga damit na ako mismo ang gumawa, kaya busy muna ko ngayun.

******************

Tatlong araw na kong walang tulog, kung meron mang tulog, dalawa o tatlong oras lang. Lumalaki na yung eyebags ko. Kamuka na ng eyebags ni Huang Zi Tao! Two days ko na siyang di nakikita. Wala na kasi akong time para tumambay sa coffee shop eh, at wala din akong cellphone number niya para contakin siya.

Nandito ko ngayun sa fashion lab, ano pa nga ba? edi tinatahi yung mga isasali kong entry sa event.

"Yan na ba yung isasali mo?? Ang ganda naman niyan Anji!" Si Marley.

"Hindi nga? Hindi ba parang may kulang pa?" Tanong ko sakanya, sa totoo lang wala talaga akong confidence sa mga gawa ko. Kaya nga nagulat ako nung sinabihan ako ng professor namin na kasali ako sa mga students na magdedesign para sa event.

"Kulang?? Nakukulangan kapa sa gawa mong yan?" Tumango lang naman ako sakanya.

"Ewan sayo, alam mo ikaw? Napakanega mo! Ang ganda kaya!"

Kahit maingay at minsang OA 'tong si Marley, mahal ko to. Kaya naman isa siya sa mga nagpapalakas ng loob ko.

Nginitian ko lang naman siya.

**************

Maaga akong uuwi ngayun para magpahinga, medyo matatapos na rin naman ako eh.

Bigla kong nahagip sa mata ang coffee shop.

At ngayun, ewan ko ba sa sarili ko at kung bakit ako nagpahila sa mga sarili kong paa para pumasok sa loob.

Tumingin ako sa paligid na kala mo'y may hinahanap.

Si Huang Zi Tao, nakatingin sa direksyon ko habang nakangiti. Bigla namang may kung anong lumilipad dito sa parte ng tiyan ko. Namumula ako, alam ko.

Unti-unti akong lumapit sakanya habang nakangiti.

"Huang Zi Tao"

Sabi ko sakanya, tumawa naman siya ng mahina.

Hindi ko alam sakanya kung bakit ba sa tuwing sinasabi ko yung pangalan niya natatawa siya. May mali ba sa pagkakasabi ko sa pangalan niya?

"Hi!" Sabi niyang nakangiti din. Ang gwapo niya sa suot niyang kulay blue na checkered polo na may plain shirt sa loob.

"Bakit ngayun ka lang?" Habol niya pa.

Nagulat ako sa sinabi niya. Nagtatagalog siya? Well, halatang hirap siya sa pagbigkas pero what the hell, nagtatagalog siya!

Nahalata naman siguro niya na nagulat ako. At bigla niyang tinaas ang tagalog dictionary.

"Wow!" Sabi ko naman.

"So, how's Statistics?" Tanong niya.

"Well, as usual. But, im three days absent now. We're having an event." I gave him a wry smile.

"It seems like you're so tired." Sabay lapit niya sakin para makita ng maayos ang muka kong pagod na pagod.

Eto nanaman, nagsiakyatan nanaman ang mga dugo ko sa muka ko na nagpapula saakin.

Bumuntong hininga lang naman ako sa harap niya.

"I missed you!" Sabay pout niya na kala mo'y nagpapacute.

Nagulat ako, hindi ako magsisinungaling. Kinikig ako sa sinabi niya.

Napangiti naman ako sakanya.

"I missed you too Huang Zi Tao!" Sabay sabi ko. Tumawa lang naman siya ng malakas.

"Wh-why?" tanong ko sa pagkakatawa niya.

"Nothing, you're cute!" Sabay kurot niya sa pisngi ko.

Bumilis yung tibok ng puso ko. Parang kabayo na gustong makawala sa sarili niyang kwadra. Yung mga kung anu man tong lumilipad sa tiyan ko biglang nagising at paikot ikot na lumilipad. Nagiinit yung pisngi ko. Sign na kinikilig ako.

"Give me your phone!" Utos niya sakin. Nagtataka ko namang binigay yung phone ko sakanya at pinanood siya habang may tinataype sa phone ko.

"I already saved my phone number to your phone book." Sabay abot niya sa phone ko sakin.

"O-okay?" Sagot ko naman sakanya. Ngumiti lang naman siya sakin.

Nilagay niya ang kamay niya sa bulsa ng pantalon at may parang kinuha.

Kinuha niya ang phone niya at inabot saakin.

"Type your number and saved it okay?"

Tumango naman ako sakanya sabay type ng number ko sa phone niya.

Inabot ko sakanya pabalik ang phone niya. Tiningnan niya iyon at saka ngumiti saakin.

Nang biglang may isang flash ng camera akong nakita na nakatapat sa muka ko.

Kinuhanan niya ko ng picture gamit ang phone niya.

"So i can see your face everytime I'm calling you" Sabay ngiti niya sakin. Ang hilig niyang ngumiti na parang bata.

Kinilig naman ako.

A Summer Fling with Huang Zi TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon