SIX

41 3 1
                                    

Halos tatlong araw ko na siyang hindi nakikita, tatlong araw ko na din siyang dinedeadma. Hindi ko din sinasagot ang mga text at tawag niya.

Naisip ko kasi hanggat maaga, hanggat hindi pa lumalalim 'tong pagkakagusto ko sakanya iiwas na ko. Dahil alam ko na sa huli ako din ang maiiwan, ako din ang masasaktan. Ayoko ng mangyari sakin yun.

Kanina pang ilaw ng ilaw 'tong phone ko. Kanina pang appear ng appear ang pangalan ni Huang Zi Tao. Kanina pa siyang tawag ng tawag, at ako naman kanina pa din hindi pinapansin at dinedeadma ang tawag niya.

"Kelan mo dedeadmahin yan?" Tanong ni Marley habang nakatingin sa phone kong kanina pa nagvavibrate.

"Hanggang sa malow batt." Sabi ko sakanya.

"Sagutin mo na! kawawa naman yung tao oh!"

"Alam mo, kung hindi mo sasagutin ako ang sasagot!"

Bigla ko namang inagaw sakanya ang phone ko sabay irap sakanya.

"Sinasabi ko na nga ba eh! Ayan tayo eh! Yan ka nanaman sa pagtatapang tapangan mo! Akala mo kasi kayang kaya mo takasan ang lahat!"

Naiinis talaga ako sakanya kapag lagi siyang tama. Naiinis ako kasi napopoint out niya yung kung anong iniisip ko.

"So anong gagawin ko? Umasa? Magassume? Magtanga tangahan?" Sagot ko sakanya.

"Eh hindi mo pa nga alam kung ano yung paliwanag ng tao! At hello? Sure ka ba sa nakita mo?"

Ano nga ba ang nakita ko? Magkasama lang sila sa table, naguusap.

"At tsaka girl, bat ka basta basta magrereact ng ganun? Girlfriend kaba? Tagilid ka din minsan eh!" Habol niya pa.

Tama, girlfriend ba ko para magselos? Alam ko, wala naman talaga akong karapatan. Buhay niya yun, siya ang bahala kung sino ang dapat niyang kausapin at kung ano ang dapat niyang gawin.

********************

Buo na ang desisyon ko, kakalimutan ko na siya. Babalik na ko sa dati. Yung ako lang, yung ako nalang ulit magisa.

Masyado ba 'kong OA? Ah ewan!

Naglalakad ako ngayun dito sa gitna ng school at ewan ko ba kung bakit ang daming nagkalat na mascot. Ano na naman bang kachorvahan meron ang school na ito?

Pero infern, nakakatuwa sila. Yung iba sumasayaw pa. May mga students naman na nagpapapicture sakanila. At ako? Eto deadma lang, watch mode lang ako.

Nang biglang may lumapit sakin na isang nakapanda na mascot. Nagwave siya sakin, ako naman nagwave din sakanya na may kasamang ngiti.

Binigay niya sakin yung bulaklak na tago-tago niya sa likod niya. Kinuha ko naman iyon.

"Thank you!" Sabay ngiti ko sakanya.

Inalapad niya ang mga braso niya na sign na nanghihingi siya ng hug. Kaya naman niyakap ko naman siya. Bakit ba? Mascot naman yung niyayakap ko eh.

Akala ko aalis na siya, pero hindi pa siya nakuntento at tinuro niya ang nguso niya na sign naman na ikiss ko siya.

Anong trip ng mascot na to?

Yung mga tao naman nagchicheer na ikiss ko na daw yung panda.

Kaya naman, inilahad ko ang ulo ko, nagpout ako na sign na ikikiss ko siya. Lumapit naman siya sakin para dumikit yung nguso niya sa lips ko. Nagpalakpakan naman yung mga tao.

Pagkatapos nun may inabot siyang papel sakin saka nagwave sakin papalayo.

Ang weird ha?

Binasa ko naman yung nakasulat sa papel.

"La cafe' Coffee shop, 5 pm?" Basa ko.

Nakikipagkita siya sakin sa tinatambayan kong coffee shop? Sino naman kaya yung nakasuot ng panda mascot na yun? At bakit naman kaya?

********************

A Summer Fling with Huang Zi TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon