SEVEN

44 2 1
                                    

Grabe naman 'tong huling subject ko! Isang oras ba naman ang inextend bago kami idismissed? Ihing ihi na ko eh! Tsaka kating kati na 'tong mga paa kong pumunta sa coffee shop. Isang oras na nga kong late eh.

Papano ko naman malalaman kung siya yung naka Panda na mascot? O baka naman nakamascot pa rin siya hanggang ngayun?

Ay ewan, basta pupunta nalang ako. Wala namang mawawala diba? curious lang kasi talaga ako eh.

Pumasok na ko ng coffee shop at infern ha? Medyo madaming studyante ngayun.

"You're late!"

Sigaw sakin ng isang familiar na boses.

Si Huang Zi tao? Suot-suot niya yung Panda na mascot kanina pero hindi niya suot yung ulo ng mascot.

"I-its you?"

Ngumiti lang siya sabay tumango. Bigla namang lumundag tong puso ko sa ngiti niya.

"You're not answering my calls, i haven't see you for a week. I just dont know why?"

Sabay tungo niya na parang batang napagalitan. Ang cute niya, ang hirap naman niyang deadmahin pag ganito siya. Hindi ko siya maresist.

Lumapit naman ako sakanya. Saka tumawa ng bahagya, napaangat naman yung ulo niya habang nakatingin sakin.

"Dont do that again okay? I am missing you!" Sabay pout niya sakin.

Oh dyusko! ilayo niyo naman ako sa tukso! Pano ba naman ako hindi magkakagusto sa lalaking to? Tingnan mo naman oh! Ang cute cute!

"Come!"

Sabi niya sabay kuha sa kamay ko. Feeling ko nasa koreanovela ako, yung parang nagsslow motion nung hinawakan niya yung kamay ko.

Sana hindi niya mahalata na nanlalamig yung kamay ko.

Dinala niya ko sa counter.

"Two choco chip cream please!" Order niya sa Barista na habang hawak hawak pa rin yung kamay ko.

Tumingin naman siya sakin sabay ngiti. Wala na bang ibang alam gawin 'to kundi ang ngumiti at pakiligin ako? Enebe kese.

Hindi ko alam yung iaakto ko. Nagtitinginan naman yung mga tao saming dalawa. Siyempre nga naman! Hawak hawak lang naman ng isang Huang Zi Tao ang kamay ko diba?

Pano ba 'to? Diba sabi ko lalayo na ko sakanya? Eh isang pacute lang niya sakin, lumapit nanaman ako. Ang hirap magdesisyon pag ganito kasarap sa pakiramdam sa tuwing kasama ko siya.

*****************

Halos araw-araw ko na siyang kasama. Minsan kasama namin si Marley, pero parang out of place naman siya samin. Kaya minsan pag niyayaya ko siya, tumatanggi siya kasi nga naeechapwera daw namin siya.

Hindi nalang kami sa coffee shop ngayun nagkikita. Minsan pinupuntahan niya ko sa building namin. Feeling ko, araw araw valentines day tuloy!

"Can you cook again for me? The pasta last time was very good!" Random niyang sabi sakin.

Napangiti naman ako, buti nagustuhan niya. Isa kasi yun sa mga specialty ko.

"I'm glad you liked it! Dont worry, ill cook again just for you." Sagot ko sakanya sabay ngiti.

Muka namang nanlaki yung mga chinito niyang mata sa sinabi ko.

"Really? Just for me?" Tanong niya. Tumango naman ako.

"Wow! Thank you Anji!"

The next thing he did made my heart jump. He was hugging me.

Naaamoy ko nanaman ang masarap niyang amoy. Feeling ko nakukuryente ako sa tuwing nagtatama ang mga balat namin. Parang gusto kong himatayin.

Sana tumigil ang oras, para sana mas matagal ko pa siyang mayakap. Pakiramdam ko matutunaw yung puso ko. At alam kong namumula nanaman 'tong pagmumuka ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin. Hinawakan niya ang mga pisngi ko saka ngumiti.

"Thank you again!" Sabi niya pa.

*****************

Kanina pa kong parang baliw na nagkikikisay habang nakahiga dito sa kama

Hindi ko parin kasi makalimot kalimutan yung nangyari kanina. At hanggang ngayun nararamdaman ko padin yung yakap niya pati narin yung mga kamay niya na humaplos dito sa muka ko.

Hanggang ngayun naiimagine ko parin yung mga ngiti niya na para sakin lang.

Kung ano man 'to, bahala na si batman. Bahala na kung ano man ang kalabasan nito. Basta ngayun, lalasapin ko muna 'tong nararamdaman ko.

Ihahanda ko nalang ang sarili ko sa anu mang consequences na dala ng sitwasyon na to. Ihahanda ko nalang ang sarili kong masaktan, dahil ngayun hahayaan ko nanaman ang sarili kong umasa. Umasa na sana mahalin din ako ng taong mahirap kong abutin.

***************

Sana magustuhan niyo :)

A Summer Fling with Huang Zi TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon