✗ Square 1 - First Day High

3.3K 60 9
                                        

♥⚳LOVE SQUARE♥⚳

Square 01 - First Day High

✗✗✗✗✗✗✗

 KATH 

 ''Ikaw ba ung Prince Charming ko?'' tanong ko dito sa lalaking nasa harapan ko. Medyo blur yung mukha niya. Dahil siguro sa silaw sa paligid.

''Oo ako nga.'' sagot naman ni Mr. Unknown. Di ko kasi makita yung mukha niya. Kaya 'Mr. Unknown' na lang itatawag ko sa'kanya. Sculpted yung katawan niya. Ang ganda ng pagkakaform ng mukha niya pero blur pa rin yung facial structures niya.

''Sino ka?'' tanong ko ulit. Gusto ko siyang makilala.. gusto ko siyang makita.

''Ako si..''

  

''KATRENG! GUMISING KA NA! Kanina pa kita ginigising. Jusmiyo marimar!' sigaw ni yaya habang niyuyugyog ako. ''Tulog Mantika ka nanaman!'' dagdag niya pa.

''Yaya!'' sigaw ko rin sa kanya. ''Makikita ko na dapat ung Prince Charming ko! Ginising mo lng ako!'' dagdag ko pa. Kaynis talaga! Yun na eh! Yun na. 

Lagi ko na lang kasi siyang napapaginipan. Pero blurred lagi.

''Eh.. kasi naman Monday ngayon." Mahina niyang sagot habang inaayos yung gamit ko sa may cabinet. Pinagpag niya rin yung unan ko.

''Eh ano naman?'' pagtataray ko sa kanya. Di pa rin ako maka-get over dun sa panaginip ko. Nagcross arms pa ako sabay pout.

''Haller, first day niyo po ngayon. Tsaka 06:20 na nga pala.'' Sagot niya using her voice na 'I'm-stating-the-obvious' tone.

"6:20 lang pala." Wala sa sarili kong sagot. Humiga ako ulit at nagtago sa kumot. Tss. Ang aga-aga manggising. Ungodly hour pa. Nasira pa yung beauty rest ko--- ''Ano? Six twenty na?" Gulat kong sabi ng marealize ang mga bagay-bagay.

Kumaripas ako ng takbo para maligo. Susunduin kasi ako ni Bespren mamayang 7:00 am, para sabay kami. Shocks! Nag-madali akong maligo. Tapos nagbihis na rin ako kaagad. Isang bluegreen loose shirt paired sa jeans tapos vans. Yan! Okay na.

After kong magbihis, bumaba na ako kaagad. Wala nang patumpik-tumpik pa. KARAKARAKA!

"Hay salamat nandito na ang prinsesa!'' pambugad sa akin ni Bes, si DJ. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at nilapag muna yung cereals na kinakain niya. Hayup, nauna pang kumain kesa sa'kin. 

♡ DANIEL 

''Hay salamat nandito na ang prinsesa!'' Pambugad sa ko kay Kath. Ang ganda-ganda niya talaga. Kahit nagmamadali. Kahit na sobrang simple lang ng suot niya.

''Bes ganun na ba ako katagal? 7:05 pa lng naman ah.. nalate lng ako ng 5 minutes!'' sabi ni Bes sabay pout, ang cute nya talaga kaya mahal ko ito eh..

''Tara na nga Bes, iikutin pa natin ang buong school tap---'' hindi ko na natapos ung sasabihin ko kasi kinaladkad na ako ni Kath.

''Oo sabi mo eh. Tara na. Bye yaya!'' putol niya sa sasabihin ko at kinaladkad na ako palabas ng bahay nila.

Pumasok na kami sa sasakyan ko, may kasama kaming driver. Minor pa lang eh. Bawal pa magdrive. 

"Alam mo ba bes, na naginip na naman ako kanina!" Kwento niya habang kinakain yung burger na binili ko kanina. Alam ko namang malelate to at hindi kakain ng breakfast. Kaya ako na kumain nung cereals niya, haha.

Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon