✗ Square 7 - News & The Plan

1.9K 46 2
                                    

♥⚳LOVE SQUARE♥⚳

Square 07 - News and The Plan

✗✗✗✗✗✗✗

DANIEL  

"Shutanginerns." Gulat kong sabi. Pano kasi tumunog yung cellphone ko nang pagkalakas-lakas. Binato ko yung cellphone ko kung saan at nagtago sa unan. Ilang minuto na pa lang ako nakapikit ng may maalala ako. "Ugh! Pakyu times two!" Sigaw ko. Napaupo ako sa kama ko at inabot ko yung cellphone kong nasa sahig na. 5:20 na nang umaga. Ugh. Babawi nga pala ako kay Kath!

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo. Umupo ako sa bowl at pumikit. Promise 2 minutes lang.

"AY ANG GAGO!" Napasigaw ako ng marealize kong kanina pa ako nakatulog. Napatingin ako sa orasan sa banyo ko. Ice diba? May orasan sa banyo? Solid. 6:45 AM na. 

Aish! Dali-dali akong naligo. Tapos nagbihis na rin. Nagtoothbrush na ako. Later na lang ako kakain. "Ma! Alis na ako! Bye.." pag-papaalam ko kay Mama, na kasalukuyang nasa kusina.

"Di ka na kaka----"

"Opo!.."

"---in? Oh sige. Ingat ka ha. Tska, bakit ang aga mo aalis? May popormahan ka? May bago ka nang love? Makakatulong ba yan sa pag-aaral mo?----"

"Basta ma! Aalis na ako!"

 "----Pakiexplain. Labyu.."

 "Labyu too ma. Bye.."

Sumakay ako kaagad sa sasakyan. Tapos nagdrive na si Kuya papunta kela Kath. Pagkadating sa tapat ng bahay niya. Nagdoor bell ako ng paulit-ulit. Pinapasok naman ako ni Yaya niya. Nakita kong kumakain ng pancake si Kath. Tinakpan ko yung kamay niya.

 "Ano ba! Kumakain ako! Wala akong panahon makipag-lokohan!" Sigaw niya habang may nginunguya siya. Kahit kelan SPG--Sobrang patay gutom.

"Sorry, sorry. Tara na Bes! Ang bagal mo talaga!" Sabi ko sa kanya habang naka-peace sign. Umupo ako sa tabi niya. Kumuha rin yung tinidor niya tapos kumain.

After niya kumain, dumiretso na kami sa school. Sabay kaming naglakad. Ang daming tao sa may bulletin board. May bagong posted na school event siguro kaya ganun. Nakasalubong namin si Jules at Quen kaya tinanong ko sila.

"Ui! Julia, Quen bakit nag-kakagulo sa may bullietin board?" Tanong ko.

"Aba malay ko. Kitang kararating lang namin eh.." Sagot ni Quen tapos nagshrug siya. Nabatukan ko siya ng wala sa oras. Ang gago. 

"Uhm.. siguro yung news lang about dito sa School. Sabi kasi nila Angel, Lyka at Princess yung mga taga-journal club, ngayon ung posting ng news eh." sagot ni Julia. Nagnod-nod na lang ako.

Hinila ni Kath ako sa braso. "Tara! Tingnan natin!" Sabi niya pa. Kaso hindi kami maka-singit. Sobrang siksikan eh.

"Ahm.. Excuse me.." Sabi ni Jules. Biglang nahati sa dalawa. Yung parang may dadaan na gwapo.. dadaan kasi ako. Hehe. 

Lumapit na agad kami. Nakita namin yung pictures namin ni Kath? Eto yung kahapon ah. Tapos may article pa na ang title eh, "Bestfriend turn to lovers?" Teka--teka? Naintriga kami? Hehe.

"OMG! Bes naintriga tayo!" Gulat na sabi ni Kath habang niyuyugyog ako. Kulitin ko kaya to?

"Bakit Bes, pwede naman ah!" Sagot ko sa kanya at nag-eye to eye conatact kami. Umiwas siya ng tingin tapos medyo namula pa. Ang cute cute! Kaya mahal ko to eh.

Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon