♥⚳LOVE SQUARE♥⚳
Square 34 - What can love do?
✗✗✗✗✗✗✗
♡ JULIA ♡
Unti-unting lumabo yung paningin ko. Humuhina na rin yung pandinig ko. Dahan-dahang nawawala yung boses ni Sir Buendia. Bumagal yung takbo ng oras. Yung tipong mas mabagal pa sa slowmo ni Patch at Ivan. Yung parang magugunaw na ang lahat. Slowmo na slowmo mapapasabi ka na---
"AY IT MUST BE LOVE!.." Napasigaw ako bigla ng may humawak sa kamay ko.
"Good Ms. Montes," Ngumiti yung gwapo naming teacher kaso bakla. "So let us continue, where are we?---Uhm, right. It is really love. Love is the reason why the speaker in the story let go of the girl. Do you know why? As what Ms. Montes had answered, it is the reason. Letting go of someone you love is another way of showing that yo---"
May narinig akong nag-chuckle. Paglingon ko, si Quenito! Ugh. The nerves! Sinamaan ko siya ng tingin tapos umirap. Pinapahamak ako ng lalaking 'to. Anong klase siyang boyfriend?
Bigla niyang sinundot yung tagiliran ko. "Ikaw kasi mako, antok na antok ka. Ang saya kaya ng lesson.." He chuckled again.
Masaya? Yung lesson? Eh? Ang dali-dali kaya ng nilelecture ni Sir. Nakakaantok!
Di ko na lang siya pinansin. Pinaglaruan ko na lang yung ballpen ko at nagsulat ng kung ano anong linya. Tsk. Bat pa kasi tinuturo ito? Plus 2 something na ng hapon. Sleeping time! Ugh.
Di pa rin ako tinitigilan ni Quenito. Ang kulit! "Mako. Montage," Bigla niyang kinurot yung taba ko sa gilid. Yung excessive fats. Ang taba taba kasi eh. Sige Jules, laitin pa ang sarili. "Ang taba," Mahina niya pang asar tapos ngumisi pa.
Agad ko siyang nilingon at tinulak palayo. Loko to ah! Inirapan ko siya ulit at pilit na tinignan yung teacher namin. Sayang talaga ito! Gwapo sana oh. Mas hot nga lang si Atom Aur--ano ba apelyido nun? Basta yun. Kaso bakla 'tong teacher na'min.
Patuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Pagsasabihan ko na dapat siya kaso biglang nagsalita yung teacher na'min.
"So class, since we still have 20 minutes," Ngumiti siya.
Iba't-ibang sigawan ng pagdidisagree ang sinagot ng classmates ko. Loko kasi 'to! 10 minutes na lang kaya. Hilig nitong mag-OT.
"Fine. 10 minutes," He rolled his eyes. Ice! Ang cutiepatootie ni Sir! Kaso.. err.. bak.. emeghed.
"Start the count off," He announced then pointed a finger at a girl in front.
Habang nagbibilangan na yung mga tao sa harap, tumayo sila Kats, Les at DJ. Tapos nagbibilang sila. Tsk. For sure nagbibilang sila ng pwedeng maupuang chair para magkakagrupo sila.
"2," Sigaw ko ng siniko na ako ni sis. 1 kasi sa'kanya. Obviously.
Pinapunta rin kami ni Sir sa kanya-kanya naming grupo. Merong apat na groups, group 2 ako. Paulit-ulit.
"You will make a short skit about what can love do. On how love moves.." Pag-eexplain ni Sir.
Dun ko lang napansing 8 lang pala kami sa groupo. 3 kaming babae, 5 yung lalaki. Ang saya naman! Sobra. Heh! Wala akong kaclose ditoooo! Hmp.
Napatingin ako sa mga kagrupo ni sis. Hala! Ang daya! Magkakagroup sila Kath, DJ, Kats at Les. Ang daya ng mga 'to! Sa grupo naman ni Quenito ako napalingon. Nakita ko siyang nakatitig sa'kin. Agad naman siyang nagiwas ng tingin. Pati ako. Ehh?
BINABASA MO ANG
Love Square
FanfictionFour persons. Different paths. Different feelings. Are they meant to be square? Alamin kung paano magiging parisukat ang pag-iibigan nila Kath, Daniel, Julia at Enrique. ~ "Storya nang apat na taong nag-mahal ng taong may ibang mahal.." ~ Written by...
