♥⚳LOVE SQUARE♥⚳
Square 10 - Text Messages
✗✗✗✗✗✗✗
♡ DANIEL ♡
Hai..
Ang hirap pala iwasan, Yung taong kinagisnan mong kasama
Parang kulang ung araw ko dahil hindi ko nakita ang mga ngiti niya
Marinig yung tawa nya at naramdamang masaya siya..
Namimiss ko na siya. Miss na miss ko na si Kath. Nandito kami ngayon ni JC, Seth, Katsumi at Lester sa tambayan namin.
"Bro! Nag-eemote ka nanaman!" sabi ni Katsumi. Kahit kelan panira itong labo na ito eh.
"Onga, Leinad. Nutella ka na naman." Pagsang-ayon ni Lester.
"Anong nutella?" tanong ni Kats.
"Nutelala. Boooooooom." Sagot ni Lester, tapos tumawa ang loko.
Binatukan siya ni Katsumi. "Gago. Ang korni mo. Last na yan ha." Inirapan pa siya ni Labo,
"Magtigil na nga kayong dalawa." Sabat ni Seth na kanina pa busy sa pagbabasa.
"Utut mo kulot." Sabay na sagot ni Kats at Les. Nagkatinginan ang dalawa, tapos sabay na tumawa.
"Ang gagago niyo." Si JC, kapatid ko, naman ngayon yung sumabat.
"Anong gagawin ko mga brad?" namomoblema kong tanong sa'kanilang apat. Lumapit silang apat sa'kin, inakbayan ako.
"MOVE ON." Sabay-sabay nilang sagot. Kelangang sabay-sabay? Ano ito pinagpraktisan?
Teka. Ano sabi nila? Move on? Ako? Magmomove on? Di ko kaya. Mahal na mahal ko si Kath.
"Hinde ko kaya! Mahal na mahal ko si Kath." Sagot ko sa kanila.
"Kaya ka nga mag-mumove on kasi mahal mo diba?" Sagot ni Seth.
Umiling-iling ako. "I can't. Wala na ba ibang pwedeng gawin?" Tanong ko.
"Edi maging casanova ka na lang." Pagsa-suggest ni Katsumi. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ganun kasi yung nababasa ko sa wattpad. Diba ganun?" ngumiti siya.
Binatukan ko. "Ang gago ng naiisip mo labo!"
"Pwede kaya yun." Nagpacute pa siya.
"Alam mo pwede yun," biglang sumangayon si Les. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Kasi diba, magseselos si Kath. Marerealize niya na may katiting siyang feelings for you." Dagdag ni Les.
Napangiti naman ako. "Pwede.."
"Pucha! Ako nagsuggest nun eh!" Pagalit na sabi ni Kats.
"Mas convincing kasi yung reason niya kung ikukumpara sa'yo.." Inirapan ko siya.
"Oo nga----" May sasabihin pa dapat si JC kaso nag-vibrate ung phones namin ng sabay-sabay.
"Dre! Nag-GM si Kath." Sabi ni Les.
Tiningnan ko ung phone ko nag-text nga sya.. Binasa ko
---------TEXT MESSAGE-------
From: +639*********
Missing someone that is very important, really sucks. </3
BINABASA MO ANG
Love Square
FanfictionFour persons. Different paths. Different feelings. Are they meant to be square? Alamin kung paano magiging parisukat ang pag-iibigan nila Kath, Daniel, Julia at Enrique. ~ "Storya nang apat na taong nag-mahal ng taong may ibang mahal.." ~ Written by...
