PART 51. 2

3.3K 91 45
                                    


Johan Po'v

"Yuhooo!!! Sir? Sir?" Nabigla naman ako sa biglaang pagyugyug sa magkabilaan kong balikat

"Ha? May sinasabi kaba?" Naguguluhan kong tanong sa kasama ko ngayon na si penelope

"Naku sir malala na ata kayo.simula nung magka meeting kayo ni mrs.hernandez lutang kana" nangaasar pa talaga ang babaeng 'to

"Shsh tumahimik ka nga.marami lang akong pinoproblema" sabay hilot sa sintido ko

"Sige na nga lang.ahm wait bago ako umalis pinapasabi ni mrs hernandez kung ok kana daw pag-usapan ang tungkol naman sa business" tumango na lang ako dito para manahimik na

"Anak?" habang busy ako sa ginagawa ko para sa meeting may biglang pumasok na makisig na lalaki

"Oh pa? Ikaw pala anong ginagawa nyo dito?" Umupo muna sya tsaka nagsalitang muli

"Nakakaboryo sa bahay kaya naisipan kong dumito na lang muna.nga pala kamusta kana? 'tong kumpanya?" Ngumiti naman ako sa kanya

"Wag kang mag-alala pa ok ang lahat maayos ang pagpapatakbo ko dito" may ngiti sa kanyang labi nang sinabi ko yun

"Handa kana talaga.sayo din naman lahat maiiwan ang lahat ng pinaghirapan ko" may bahid ng kalungkutan nang sinabi nya yun gusto na kasi nya makita yung apo nya

"Alam mo pa matagal tagal na din kitang hindi nakaka bonding.teka lang ipapacancel ko lahat nang meeting's ko" sabay kuha ng telepono at agad kong sinabi kay penelope na icancel muna ang meeting

"Anak nagugutom na ako saan moba gustong kumain" paikot-ikot lang kami sa mall at dahil nga lalaki kami kunti lang ang nabili namin hindi katulad sa mga babae kung mag mall parang wala ng bukas

"Ah sa mcdo na lang pa.sige pa mauna kana lang duon sunod ako naiihi kasi ako" ngumiti naman 'to sa'kin tsaka nauna ng naglakad

"Argh bakit ngayon kapa tatagas" naiinis kong sabi tsaka isa isang binuksan ang pinto sa cr

"Wahhhhhh mommy!! mommy!!" Napalingon ako dahil sa sigaw na yun hala baka may multo?

Duon ko lang nakita na may batang babae na umiiyak nilapitan ko 'to dahil nawawala ata

"Hey? Nawawala kaba baby girl?" Maamong mukha nya ang sumalubong sa'kin napaiyak pa sya lalo

"Shhhhhush baby hindi ako masamang tao" pero mukhang hindi ata sya kumbinsido sa sinabi ko

"Wahhh mommy!!!" Sigaw pa nya tsaka nagpunas ng sipon sa ilong medyo natawa tuloy ako dahil ganun din ang gawain ko dati

"Teka nawawala ka nga ata.wag kang matakot sa'kin mabait ako,ako nga pala si johan eh ikaw anong pangalan mo?" Napatigil naman sya sa pagiyak at napatitig sa mukha ko

Lumapit pa sya na akala mo may hinahanap sa mukha ko

"Apa" kung kanina iyak sya ng iyak ngayon naman natutuwa na sya

"Apa? Yun ba ang pangalan mo baby girl?" Nakangiti kong tanong pero umiling lang sya

"Indi poe eh.akoe poe si--" naputol ang sasabihin nya nang may nagsalita sa likod

"Ohhh thanks.nandito lang pala ang prinsesa namin saan kaba nagpunta? Diba sinabi ko sayo wag kang aalis duon?" Hindi ko alam kung may bahid ba nang pag-aalala yun o ano?

"tsorry poe taty nawiwiwi na poe katse akoe" parang maluluha nanaman yung bata kaya agad ko 'tong pinatahan

"wag kang umiyak..basta sa susunod sundin mo ang taty mo para hindi sila nag-aalala sayo" hindi ko alam pero sobrang gaan ng loob ko dito sa bata parang gusto ko syang kunin at duon na lang sa bahay itira

"Let's go" kakargahin sana ni Mr.hernandez yung bata pero tumanggi yung bata

Sa dami-dami ng tao sya pa ang nakita ko hernandez!

"Noe taty i'm big girl na kasi eh" natawa naman ako sa english nya pero hindi ko pinahalata

"Ok so let's go? Gutom kana siguro" ngumiti naman yung bata

Akala ko tuluyan na silang lumabas may sinabi pa yung bata na kinalingon ko


"Iloveyouapa"
















-unedit



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bampira Si Nerd?(Slow Update🍺)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon