This Chapter is Dedicated to TheUnknownWriter27. Thanks for Support :)
enjoy
==========
Yves on the Picture ^_^ >>>
==========
Kurt Ivan POV
"Bakit ba kasi bumalik pa dito yung Macy na yon? hindi naman sya kailangan dito eh. okay na kami, tahimik na! urghh!" para akong baliw habang kausap yung sarili ko dito sa CR.
dumiretso ko dito matapos ako iwan ni Kasey sa Cafeteria..
napansin ko sa sarili ko na mabilis akong nawala at nag-iba ang Mood nung mapansin ko ang Presence nung Macy na yun.
ewan, masyado ko nagpapa apekto.
teka...
Umuwi na kaya yung babae na yun? si Kasey?
"alam nyo ba guys nanalo daw as president ng course natin si Yves Shin?"
yves shin? kilala ko yun ah?
andito pa din ako ngayon sa CR. Naghuhugas ako ng kamay ng marinig ko ang paguusap ng tatlong lalaki sa gilid.
"talaga? Papogi lang yun. Tsk. Porket madaming babae sa course natin"
Psh. Mga kalalaking tao tsismoso. Akala ko mga babae lang.
"naman! Saka yung Kasey Jane din nanalo ah? Hahaha." sabay tawa naman nung lalaking yun na parang sobrang nakakatawa yung sinabi nya.
Palabas na sila ng marinig ko yun, at dahil sa curious ko, sa pag uusap nila tungkol sa babae na yun, sumunod agad ako.
Hindi ako tsismoso ah! minsan din naman hindi masama mag-eavesdrop sa pag uusap ng iba.
"haha akala ko talaga maganda yun!" sagot naman nung isa sa kanila.
"Hahaha. Nalinlang tayo Pre! Ang ganda ng picture nya sa List ng mga Tumatakbo sa Party List nila!"
"kaya nga Pre eh! Nakita ko sya kahapon! Ang panget naman pala, mataba na pandak!" medyo naiirita na ko sa mga naririnig ko na lumalabas dito sa bunganga ng lalaking to!
"maganda lang sa Pictu-" hindi na natuloy yung Sinasabi ng lalaking sarap tabasan ng mga dila..
Sinadya ko kasi na dumaan sa gitna nila, at sabihing,
"kung hindi pa kayo titigil sa pangungutya nyo sa kaibigan ko, babangasan ko na kayo ng mukha! Mga tsismoso!" matalim kong sabi sakanila saka ako lumakad na ng diretso at hindi na sila pinag aksayahan ng oras para lingunin pa.
"haha anu ba naman yan kasey! halika nga dito!"
Habang naglalakad ako may nakita akong pa-PDA malayo layo sa nilalakaran ko.
Yung Yves lang ang nakita ko dahil nakatalikod yung babae,
Hindi ko na sana papansinin yung pag p-PDA nila nung marinig ko.
"yeah. congrats sa maganda mong picture kaya ka nanalo. hahaha" sabi nya saka ginulo yung buhok nung babae.
"seryoso ko dun. galing ko talaga pumili ng picture mo. kaya nanalo ka! hahaha." sunod pa nyang Sabi.
Teka.. Si Kasey ba yan?!
Ewan ko sa sarili ko pero-
Nakikita ko na lang yung sarili ko na naglalakad palapit sa kanila..
"oy! wag mo isiping panget ka! hindi naman masyado eh." sabi pa ni Yves ng nakangiti saka inakbayan si kasey!
Nagpanting Ang tenga ko sa narinig at nakita ko kaya!
*booogsshh*
Hindi ko alam kung bakit pero sinuntok ko sya na parang inis na inis!
"WAAAH.! YVES!" yan agad narinig ko galing kay Kasey.
"ANO BA PROBL-- KURT?!!" si Yves habang hawak hawak ang pisngi nya na sinuntok ko!
"Kurt?! ANO NA NAMAN TONG GINAWA MO?!" sabi ni kasey ng medyo nakarecover sa pagka bigla.
"ahhh."tinry ko mag explain pero wala ako makapang dapat sabihin...
"ano KURT?!" iritang tanong naman ni Yves sa akin.
Sinamaan ko lang sya ng tingin at binigyan ng mapangasar na ngiti.
Nainis sya sa matalim kong tingin, at Susugod sana sya pero pinigilan lang ni Kasey..
Wala syang magawa..
Tumingin ulit si kasey sakin ng may Galit na sa mata nya.. Kaya umiwas ako ng tingin.
"Magsalita ka KURT! Ano na naman ba problema mo ha?! KANINA KA PA EH! RINDING RINDI NA KO! HINDI NA KITA MAINTINDIHAN! TUWING NANDYAN KA, ANG GULO!" dirediretso nyang Sigaw sa harap ko..
Napako naman ako sa kinatatayuan ko...
Bakit ko nga ba ginawa yun?
Ano ba problema ko?!
Anong Nangyayari sakin?!
"Ano! Natahimik ka dyan?! Ang gulo gulo mo Kurt! Masyado ka padalos dalos eh. Hindi mo naman alam kung nakakadamay kana sa feeling ng iba!" huminto saglit sya saka "ANG INSENSITIVE MO!! I HATE YOU!" may tumulong luha sa kaliwang mata nya...
"pasensya na Yves, tara dadalhin kita sa Clinic"
inalalayan nya si Yves, tumalikod na sila at tuluyan ng Iniwan ako dito..
nakayuko lang ako..
Nakakalito...
Anu ba nangyayari!?! baka- wala!-
"F*ck! nauulit na naman?!" nakangiti ko pang sabi habang nakayuko..
===========
thanks for reading.Add the Characters on Facebook and Join to Our Group. (see my profile for the links)
any feedback guys? just comment :)
feel free to vote and comment.

BINABASA MO ANG
Why Not Me?!
Teen FictionA Complete Package Ugly girl ay nagkaroon ng Crush sa unang Lalaki na nagsabi sakanya na Maganda siya at hindi naman daw siya mahirap mahalin, pero one day nagising na lang siya na ayaw na sya nito kausapin o lapitan, she wont give up para malinaw s...