Chapie 23

275 16 11
                                    

This Chapter is Dedicated to ibaako26. Thanks for Support :)

enjoy

==========

Kurt Ivan POV

"Baaaby Boooo"

"BABY Boooo!"

nakakairita sino ba yung babae na yun?! Kung makasigaw ah!

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko dito sa Ilalim ng puno, ng dahil lang sa isang babae kung makatili!

"oy! baby boo ^3^ hihi andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap!" sabi nung baliw na babae habang nakatingin sa akin.

"Baby boo talaga!" sabi nya saka ako niyakap!

ang bango nya!

pero tinulak ko sya at sinamaan ko sya ng tingin.

"baby boo? Bakit mo ko tinitingnan ng ganyan?" mukha namang natakot sya sa tingin ko kaya medyo napaatras sya at bakas sa mukha nya.

"sino ka ba?!" tanong ko ng naiirita.

mga babae kasi, masyadong papansin! Tss.

"a-anu b-ba pinag- s-sasabi mo baby boo?!"

sabi naman nung babaeng baliw.

"tigilan mo ko kaka baby boo mo dyan! Nakakadiri! Layuan mo ko!" pagtataboy ko dun sa baliw.

Pero naka upo pa din sya malapit sa pwesto ko.

Natigilan ako ng makita yung isang luha nya na tumulo galing sa kaliwang mata nya.

"Urgghh! Pwede ba miss wag ka umiyak dito! Nakakahiya, baka sabihin pa ng mga makakita sayo, eh pinaiyak kita! Tsk"

"b-baby boo?"

Ayan na naman sya sa Nakakaewan na tawag nya!

"pwede din bang tigilan mo na yang kaka babyboo mo? Tss! alam kong gwapo ako at madami nagkakagusto sa akin pero baka pag may makakita at dinig sayo, sabihin nilang Girlfriend kita!" mahaba ko pang sabi!

Masyado na atang humahaba yung mga lintanya ko dito.. Hindi ako sanay..

Bigla ako nailang dito sa baliw na babae dahil sa sobrang pagkakatitig nya sa mukha ko!

Kaya agad ako umiwas ng tingin sa kanya pero

"teka..." hinawakan nya yung dalawang magkabilang pisngi ko at iniharap sa kanya muli..

Kaya nagtama na naman ang tingin namin,! At naasiwa na talaga ko sa titig nya!

Dug~ dug~ Dug~ dug~

Parang bigla may nagwala sa dibdib ko at bigla ako nakaramdam ng Ground ng Kuryente sa pingi ko mula sa Kamay nya..

Kaya nagpanic ako at agad na tinulak sya at tumayo na ko..

Napadapa naman sya sa damuhan...

"Ouch!! Ang sakit!" sigaw nya na medyo sumama yung tingin nya sa akin...

Nilapitan ko sya agad dahil nagpasobra ata yung pagkakatulak ko..

Pero...

Yung mata nya, bigla nagbago na sobrang sama ang tingin..

Kaya napa atras ako..

Baliw ng talaga tong babae na to! Nakakatakot n yung tingin nya sakin!

Parang...

Parang kakainin nya ako ng Buhay!

nakatayo na sya pero ang sama pa din ng tingin nya!

Nakakaramdam na ko ng takot at kinikilabutan na ko!

Unti-unti sya lumalapit sa kinatatayuan ko kaya ako naman si Urong!

Nagulat ako ng bigla syang tumalon palapit sa akin at.

"WAAAaaah!" siya

"AAAAAaaahhh!" ako

Napasigaw ako sa gulat at takot na din..

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA! WAA HAHAHAHA" siya ^___________^

"O_______O" ako

"takot ka noh?! Hahahaha. Deyn! Sakit na ng tiyan ko! Hahaha." tawa pa din nung baliw na babae!

"Tumigil ka nga dyan kakatawa! Buset to! Baliw! Hindi nga kita kilala dyan eh!" pasigaw kong sabi matapos ko pakalmahin yung puso ko na malakas pa din ang tibok!

kung hindi lang babae at magan- hayss!

baka na suntok ko na mukha neto eh! buset!

"hahahaha. Hindi ka nga yung Baby boo ko pero- hays! Anong oras na pala geh! Babye! Alis na ko! Haha" mabilis na sabi nung baliw saka tumakbo ng mabilis paalis dito..

Ang weird nya!

Baliw talaga!

~~~

"Kurt!!"

"KURT!!"

"Kurt?! May humahanap sayo!!"

Napabalik ako sa sarili ko mula sa pagbabalik tanaw ng maramdaman kong may tumapik sa balikat ko.

Nandito pala ako sa Harap ng t.v sa sala, nakabukas yung T.V pero hindi ko naman naintindihan yung palabas dahil wala naman dun yung atensyon ko.

"May naghahanap sayo sa labas Pre, kanina pa nagdo- doorbell yun, pinapasok ko pero ayaw dumiretso dito ikaw na magpapasok" - sabi ni Randel, housemate ko.

Dalawa lang kami dito nakatira sa bahay, may kalakihan din tong bahay na para sa isang pamilya. Pero kahit dalawa lang kami nababayaran din namin yung rent dahil pareho naman kaming may kaya sa buhay ang pamilya.

Pero..

Sino naman kaya yung naghahanap sa akin? Wala naman akong matandaang inaantay na bisita o pupunta dito dahil,

Una. Wala ako kaibigan kahit yung si Randel hindi ko yun kaibigan.

Pangalawa, wala naman ako pinagsasabihan kung saan ako nakatira.

*Tok*Tok*

Napatayo na ako at nilingon mula sa pagkakatalikod sa pinto, para alamin kung sino yung taong humahanap daw sa akin. Tsk.

Hindi ko inaasahan yung nakikita ko na naligaw dito..

"Kurt.." panimula nya..

===========

thanks for Reading

Add the Characters on Facebook and Join to our Group. (see my profile for the links)

vote and comment please? ^_^

Why Not Me?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon