Chapie 24

294 19 5
                                    

This Chapter is Dedicated to bluepotchi

Thanks for Support.

enjoy

===========

Kasey POV

"Hoy! Babae! umaga na gumising ka na dyan.." - ayan na naman ang bibig ng nanay ko!

lingo ngayon kaya araw na naman ng linisan! -_-

--

pagkatapos namin kumain, linis na naman ako.. kala mo laki ng bahay namin dahil hanggang ngayon naglilinis pa din.

"ate! ate!" sigaw ng kapatid ko galing taas.

"ano yun?!" sigaw ko din.

"bwisit naman oh! bakit ba ang iingay nyo?! kita nyong may natutulog diba!" ayan na! nagising na si mama! kainis naman kasi tong kapatid ko eh imbis na walang bumubunganga ayan! wala na namang awat yan. :3

"kanina ka pa naglilinis! ang kalat pa din!" -mama

"hayst. sana lunes na agad."  bulong ko.

"anu binubulong- bulong mo dyan ha?! pakain ko sayo yang basahan na hawak mo makikita mo!" naman! kainis na ha!

teka nga.. makapunta na lang kaya kila bru mamaya? tapos punta muna ko kina mylabs Ken?

"Gaga! ano naman ang nginingiti mong panget ka?! baliw ka na din ba?" mama

hindi ko na lang sya pinansin at mina dali ko na lang ang paglilinis ko.

===========

Kurt POV

"Kurt" malumanay nyang sabi habang nakatayo pa din sa pinto.

Nag-aalangan ako kung papapasukin ko ba sya o ano.

"anong ginagawa mo dito?" sabi ng hindi nakatingin ng diretso sa kanya.

"hmm. Gusto sana kita kamustahin?"

"hahaha. Nakakatawa ka naman?." sarcastic ko lang na sabi.

Sa dalawang taon ngayon lang ata sya naglakas loob na puntahan ako dito sa tinitirahan ko mula nung umalis ako sa bahay namin.

"hindi mo ba ako papapasukin dyan sa loob?" tanong nya saka nya nilibot ang paningin nya sa loob ng apartment.

Napatingin ako ng diretso sa kanya saka umiwas ulit at

"pasok." yan lang ang sinabi ko saka agad naman syang pumasok at umupo sa sofa na pang isahan sa tapat ko.

"sabihin mo na kung ano  kailangan mo madami pa ko gagawin" sabi ko habang nakatingin sa t.v

"hindi mo ba ko namimiss? Si dad?"direktang sabi nya na ikina tawa ko!

Hindi pa nga talaga sya nag babago kahit na mukhang professional na sya.

"ang bakla mo pa din talaga Karl." pang aasar ko na nakangiti.

"baliw ka bro! Kahit kailan hindi ako naging bakla!" nakangiti nyang sabi.

"hahaha. Kakadiri lang kasi madinig yung sinabi mo!" sabi ko pa din ng medyo tumatawa pa din.

"nakakamiss talaga ang ganito. Kailan mo ba balak umuwi?" sabi nya ng seryoso at diretso ang tingin sa akin.

"san pa ko uuwi? Kung nandito naman talaga ako sa bahay ko?" ako

"tsk. Its been a long year! Hindi ka pa din ba nakaka move on?"

Why Not Me?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon