Here the Short Update
medyo busy lang po as Officer ng aming Org. sa School. :)
enjoy
========
Kasey
"GOOD AFTERNOON MY FELLOW STUDENTS! I AM KASEY JANE HINDIMAUTOT, SECOND YEAR FROM GW301M, AND RUNNING FOR 2NDYEAR-COMMITTEE!" malakas na boses kong sabi sa harap ng isang klase.
huling araw na ng campaigne namin ngayon kaya pinagbutihan ko na talaga..
"grabe. ang saya talaga ng campaign natin na toh! haha labas tayo guys after ng meeting ah?" sabi ng vice pres. namin.
"hahaha. sige- sige game ako dyan! sama lahat ah!" si yves yan. pres. namin
nagsisang-ayon naman lahat ng mga kasama ko.
"ha? eh. hindi po ako sasama." sabi ko naman nung tumingin sila sa akin kasi ako na lang ang hindi pa sumasagot.
nagsi react naman agad ang mga toh...
"ano ka ba kasey syempre sasama ka. hahaha" sabi naman nitong si yves na papalapit sa akin at hinawakan yung ulo ko!
namiss ko tuloy bigla sila ken, naging busy na kasi ako this past few weeks.
yves na din pala tawag ko sa kanya kasi nung unang araw namin nagbonding ng mga kasama ko ngayon, eh inaway nya lang naman ako -___-
"hindi ako makakasama kasi--"
"ano ka ba! hahayaan ba naman kita? syempre hindi libre kita!" bulong nya sakin.
napangiti naman ako dun! kase nga diba LIBRE is my favorite word! haha
"nakakahiya!" bulong ko din.
"uuyyyy! haha" pang aasar naman ng mga kasama namin nang makita kami na nagbubulungan.
inakbayan naman nya ako at ngumiti sa mga kasama namin.
"wag kayong ganyan. haha" sabi ko naman.
kung hindi ko lang talaga alam eh. baka kung ano na inisip ko kung bakit sweet sa akin tong lalaking to.
"weh kunyari pa! hahaha" pang aasar naman ni Bae sa amin.
nakangiti lang kami ni Yves sa kanya..
naglalakad kami sa hallway ng makasalubong namin si Sir Karl na kasama ni Rich at Margie. napatingin naman ako kay rich na makangiti ay wagas. kinindatan naman ako ng bruha pagkatingin sa akin at nginitian ko naman din sya pero napansin ko na parang napa ismid nang makita si yves na nakaakbay sakin.
napatingin naman agad ako sa balikat ko kaya agad ko yun tinanggal at siniko ko ng marahan si Yves.
agad naman sya nagulat ng mapatingin kay rich.
napatingin naman ako ulit sa gawi nila Rich at nakita ko na nakatingin pala si Sir Karl sa amin kaya nginitian ko sya at gumanti din naman sya ng ngiti din.
nakalagpas na kami kina Sir.
at naglalakad na lang kami palabas ng Building.
"ang landi talaga ng Prof. na yun." bulong sa gilid ko.
agad naman ako napatingin kay yves na nakasimangot.
"ano problema mo kay Sir? ang bait kaya nya!!" pagtatanggol ko naman kay Sir.
"tss. akala mo lang mabait! eh ang flirt kaya nyan kalalaking tao" sabi pa din nya ng naka kunot ang noo.
"gwapo lang kasi talaga sya kaya lapitin ng babae. kaya din akala mo flirt sya kasi yung mga babae na mismo ang lumalapit sa kanya" paliwanag ko pa din.
"yun na nga yung point ko eh.. at isa pa yung taong gusto ko ang isa sa mga babaeng nahumaling sa panget na malanding lalaking yun! tsk" iritadong sabi nya.
at napangiti na lang ako sa mga sinabi nya.
==========
thanks for reading
follow me on twitter
@iamjhazmine15
vote and comment please.

BINABASA MO ANG
Why Not Me?!
Teen FictionA Complete Package Ugly girl ay nagkaroon ng Crush sa unang Lalaki na nagsabi sakanya na Maganda siya at hindi naman daw siya mahirap mahalin, pero one day nagising na lang siya na ayaw na sya nito kausapin o lapitan, she wont give up para malinaw s...