"Raven bilisan mo diyan!
Hinahanap na tayo ni Nanay at Tatay ngayon.
Baka pagalitan tayo. Nako!"
Wika ni Rave habang kinuha ang lalagyan ng kanyang
stainless na espada sa unahan ng kanilang pinaglalaruan.
"Sandali lang muna Ate. Aayusin ko muna itong suot ko."
Paliwanag ni Raven habang inayos ang nagusot niyang damit.
Nakita niyang hindi na siya hinintay pa ng
kanyang kapatid dahil nakita na niya itong
naglalakad na paalis.
*Pssstt.....*Psstttt..
May sitsit siyang naririnig kung saan.
Tumingin siya sa kung saan.
Wala naman siyang nakikitang tao sa paligid niya.
Sinuri niyang mabuti ang kadiliman ng mga
punong-kahoy na bumabalot sa lugar na iyon.
Pero wala pa rin siyang makitang kung ano
na maaring pinagmumulan ng sitsit.
"Psssssttt....psssstttt.."
Biglang umihip ang malamig na hangin kasabay nito
ang pagsisitaasan ng mga buhok sa balikat ni Raven.
Tila ba may kakaiba sa lugar na kinanatayuan niya ngayon.
"Pssstt..psttt.."
Mas nagiging malapit pa ang tinig na kanyang naririnig.
Aakma na sana siyang tatakbo nang sa
paglingon niya ay...
THUD!
Napahiga na naman siya ulit sa sobrang kaba
na kanyang nararamdaman.
"Bwahahahahaha! HAHAHA.
Kita mo yung mukha mo?
Nako, para kang nakakita talaga ng multo,"
asar sa kanya ng kanyang Ate.
"Ewan ko sayo!"
Asar na asar si Raven dahil nalaman niyang
pinagtitripan lang pala siya ng kanyang Ate.
Akala niya kanina kung ano na. Yun pala,
Ate niya may kagagawan.
"Hoy Raven!!! Hintayin mo naman ako oh,"
paki-usap ni Rave sa kanyang bunsong kapatid.
Patakbo na kasing binabaybay ni Raven ang daan pauwi.
Napatakbo na rin si Rave at inunahan ang kapatid habang inasar-asar pa ito.

BINABASA MO ANG
HUNTERS: The Next Artemis
AventuraAng pamilya ni Rave ay sampung taong ng namumuhay ng mapayapa sa isang masukal na kagubatan. Di man niya maintindihan kung bakit di sila pwedeng manirahan sa syudad, minabuti nalang niyang aliwin ang kanyang sarili kasama ang kanyang nakakabatang ka...