Chapter 8: Sleep Walking

35 6 0
                                    

Akala nila ay dun lang magtatapos ang bangungot ni Rave.

 Nagkakamali pala sila dahil umabot ng

 tatlong araw ang paulit-ulit na bangungot na iyon.

 Hanggang sa ikaapat na araw, 

may kakaibang nangyari kay Rave. 

Saktong sa panahong iyon ay naisipan nilang lahat

 na samahan ang dalaga sa pagkatulog nito

 baka kasi ay may iba pang mangyayari 

sa kanya maliban sa mga bangungot . 

At hindi nga sila nagkakamali. 

Sa gitna ng mahimbing na pagkatulog ng lahat, 

biglang bumangon ang tila wala sa sariling

 si Rave sa hinihigaan nila. 

Kung titingnan ay para itong sinapian ng di matantong elemento. 

Si Raven ang unang nakasaksi sa pangyayaring ito.

 Katabi kasi niya ang kanyang Ate sa paghiga

 habang nasa magkabilang gilid naman

 ang mga magulang nilang natutulog. 

Madali lang din kasi magising ang bata kapag may 

mga kaunting paggalaw-galaw lang sa kanyang paligid. 

Hindi makapagsalita si Raven sa tinuran ng 

kanyang kapatid. 

Nakakatakot kasing tingnan ang kabuuang anyo ni Rave. 

Buhaghag ang mataaas nitong mga buhok.

 Nakabestida lang din ito at animo'y

 parang multo dahil sa mata nito. 

Dahan-dahan ng binaybay ang wala sa sariling 

si Rave ang daan palabas ng kwarto nila. 

Dali- dali namang ginising ni Raven ang kanyang mga 

magulang upang masundan ang kanyang kapatid.

 Kahit na nagtataka sa nangyari ay mabilis din

 nilang nilisan ang kanilang higaan at tinungo si Rave.

 Pero laking gulat nila ng madatnan itong paikot-ikot

 lamang sa labas ng kanilang bahay sa may likuran. 

Oo. Doon nga kung saan nakatanim ang mga bulaklak.

Paikot-ikot lamang ang naging direksyon ng

 dalaga hanggang sa muntik itong 

matumba dahil nawalan na ng malay. 

Mabuti na lamang at tumakbo ang ina

 nitong si Dianna upang saluhin siya. 

"Rave, anak ko. Gumising ka! Anong nangyari sa iyo anak ko?"... 

Hagulgol ng kanyang ina habang yakap-yakap ang katawan nito. 

Tinulungan ni Alejandro ang kanyang 

asawa na buhatin ang kanilang anak. 

Pinapahinga muna nila si Rave sa kwarto nito upang 

mabawi ang lakas ng katawan na nawawala dito. 

HUNTERS: The Next ArtemisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon