Kinaumagahan, maagang pinuntahan ni Dianna
ang likuran ng kanilang bahay.
As usual, nagtitingkaran sa kulay ang mga samut-saring bulaklak.
Para nga itong nakangiti sa harapan niya.
Pero may isang bulaklak na nakakaagaw ng atensyon niya.
Hindi lang sa gitna ito nakapwesto kundi na rin sa kulay nito.
Isang black rose ang namukadkad sa harapan niya!
Hindi siya makapaniwala na may ganito
pa lang halaman ang nabubuhay.
Agad niya naman itong ibinalita sa asawa at mga anak niya.
Sila rin mismo ay namangha dito.
"Nako dapat maparami natin yan.
Nag-iisa lang ata yan sa lahat ng mga bulaklak sa likuran na ito,"
suhestiyon ni Alejandro sa kanila.
"Oo nga Tay' oh. Ang ganda-ganda pa naman niyang tingnan,"
dagdag pa ni Rave sabay hawak sa tangkay nito.
"ARAY!"
Biglang napasigaw ang dalaga ng bigla
siyang natusok sa mga maliliit nitong tinik.
Agad rin namang nagdurugo ang sugat niya na
pumapatak-patak pa sa mga petals ng mga bulaklak doon.
Pinapasok siya ng kanyang ina sa loob ng
bahay at ginamot ang sugat niya.
"Nako anak, sa susunod mag-iingat ka kasi.
Huwag kang basta-basta na lang susugod sa mga
bagay na kakakita mo pa lang.
Paano na lang kapag may lason ang tinik ng bulaklak na iyon?"
Pag-alalang turan ng kanyang ina sa kanya.
Napatango habang napakagat-labi na lang ang dalaga
ng ginamot ng kanyang ina ang sugat sa kanyang hintuturo.

BINABASA MO ANG
HUNTERS: The Next Artemis
AdventureAng pamilya ni Rave ay sampung taong ng namumuhay ng mapayapa sa isang masukal na kagubatan. Di man niya maintindihan kung bakit di sila pwedeng manirahan sa syudad, minabuti nalang niyang aliwin ang kanyang sarili kasama ang kanyang nakakabatang ka...