Chapter 10: PART ONE: Ang mga Kababalaghan sa Paghuhukay

27 4 0
                                    

    Isang pala at iba pang kagamitang panghukay

 angdala-dala ni Alejandro palabas ng kanilang bahay.

 Maaga niyang pinuntahan anglikuran kung

 saan nagsimula ang lahat ng mga kababalaghan

 sa kanilang buhaylalong-lalo na sa

 kanyang anak na si Rave. 

Sumunod rin naman sa kanya angkanyang asawa 

at dalawang anak sa likuran upang 

tumulong sa paghuhukay. 

Okay nanaman ang kalagayan ni Rave.

 Pero ang eye-bags nito ay parang isang 

buwan nawalang tulog. 

Nanumbalik rin naman ang kanyang normal na lakas.

 Nais niyangpuntahan rin ang lugar na sinasabi

 sa kanyang bangungot para malaman kung totoo 

nga ba ang lahat ng mga ipinakita sa kanya. 

Sinimulan na ng kanyang ama angpaghukay

 sa nasabing lupa doon mismo sa gitna kung 

nasaan nakatayo ang blackrose. 

Kung titingnan mo ng maigi ay parang

 palagi itong bagong tubo. 

Walangbakas ng pagkalanta sa mga ibang bahagi nito.

 Tila tama nga ang hinala nilanglahat.

 Dahil sa pagbungkal ni Alejandro sa lupa na iyon 

ay biglang nagdilim angkalangita'y kanina

 lang ay napakaliwanag. 

Iba ang aura ng kadilimangnararamdaman nila ngayon.

 Hindi lang madilim na yung parang uulan

 lang kundimadilim na may kasamang lagim.

 Pero hindi nagpatinag ang ama ni Rave sapaghukay. 

Binilisan pa niya ito dahil mas naging determinado 

na siyang malamankung ano ba ang nasa ilalim

 ng lupang kasalukuyan niyang binubungkal. 

Tumulongna rin si Dianna sa paghuhukay

 para mas lalo pang mapabilis ito. 

Sina Rave at Ravennaman ay nasa gilid lamang.

 Hawak hawak lang nila ang iba pang kagamitan 

namaaring kakailanganin ng kanilang

 mga magulang sa paghuhukay. 

Isang tinig anggumimbal sa kanilang lahat. 

Isang malademonyong tinig na tumawa ngpagkalakas-lakas. 

Umaalingawngaw ito sa kabuuan ng kalangitan. 

Sa tanang buhaynila ay ngayon lang 

sila nakarinig ng ganung tinig. 

Sinabayan pa ito ngpagkidlat at pagkulog kaya 

naman ay napayuko at napasiksik sa gilid ng

 bahaynila sina Rave at Raven. 

Gulat man sa mga pangyayari ay hindi na

 nagpatinag paang mag-asawa sa kanilang mga ginagawa.

 Hanggang sa may natamaan si Dianna namatigas. 

Gulat man ay dali dali nilang hinukay 

ang parte kung saan itonakabaon.

 Lumakas ang ihip ng hangin sa paligid nila. 

Ang mga kahoy sa paligiday nagkaanyo 

ng kakaiba sa kanilang paningin. 

Dahil sa nakita ni Raven aysisigaw na sana siya pero agad 

ring namang tinakpan ni Rave ang bibig ngkanyang kapatid.

 "Pikit ka lang Raven. 

Huwag na huwag kang didilat hangga'thindi sinasabi ni Ate,"

 saad ng kanyang nakakatandang kapatid.     

HUNTERS: The Next ArtemisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon