Chapter 5: Ang Misteryo sa mga Bulaklak

39 6 0
                                    

TOK.TOK.TOK.

Tiningnan muna ni Dianna sa maliit na butas 

kung sino ang kumatok sa kanilang pintuan. 

Maya-maya lang ay binuksan na niya ito. 

"Alejandro! Mabuti naman at nakauwi ka na,"

sabi ng kanyang asawa at niyakap niya ito ng pagkahigpit-higpit. 

"Oo naman mahal ko. Nasaan na ang mga anak natin?" 

Tanong ni Alejandro na may halong pag-alala sa mukha nito.

 "Nandoon lang sila sa kwarto.

 Ay, teka. Saktong-sakto nga pala. Kakain na nga pala tayo.

 Pupuntahan ko lang muna ang mga anak natin," 

saad ng kanyang asawa.

 Maya-maya lang ay nag-uunahan na sa

 kanya ang dalawa niyang anak. 

Labin-lima na ang panganay nilang si Rave habang 

si Raven naman ay sampung taong gulang pa. 

Nagyaya na sa hapagkainan si Dianna. 

Pagkatapos ay biglang nagsalita si Dianna. 

"Alejandro, may napansin ka bang kakaiba sa likuran ng bahay natin?" 

Tanong ng kanyang asawa habang kumakain sila. 

"Wala naman akong napapansing kakaiba maliban

 sa mas lalong dumarami ang mga ligaw na

 bulaklak na dito ay tumutubo,"

 masiglang sagot nito. 

"Yun nga ang napapansin kong kakaiba eh. 

Naalala ko pa kasi nung una, 

wala namang namumulaklak diyan. 

Tapos pagkaraan ng ilang lingo na ng

 una nating paninirahan dito, tumutubo na ang mga bulaklak," 

takang-takang sabi ni Dianna.

 "Huwag na lang natin pansinin ang mga iyan. 

Maganda nga silang tingnan sa likuran ng bahay natin eh. Di ba Rave?"

 Patukoy ng ama ni Rave sa kanya. 

Si Rave kasi ang palaging nakatambay dito tuwing umaga. 

Nagbabasa lang naman siya ng libro

 habang nilalaro ang mga bulaklak na nakapaligid sa kanya.

 Nagthumbs up naman ang dalaga bilang tugon sa kanyang ama.

HUNTERS: The Next ArtemisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon