Nakapayapa na ng paligid.
Maaliwalas ang lawak ng kulay asul na kalangitan.
Masayang nagsiliparan ang samu't-saring uri ng mga ibon.
Nakatayo pa rin naman ang kanilang bahay.
Napayuko na lamang ang dalagita ng maalala
ang mapait na dinanas ng kanyang mga magulang.
Tiningnan niya ang hawak na pana.
Doon lang niya napansin na nag-ibang
anyo ang kanyang kasuotan.
Mas nagiging angkop sa hawak niyang pana at palaso.
Parang mas nagiging makabuluhan ang
pagkakaroon niya ng apilyedong Hunters.
Oo. Hunters ang apilyedo ng pamilya ni Rave.
At sa puntong ito mukha na siyang huntress.
"Ate, ba't iba na ang kulay ng mata mo?"
Tanong ni Raven sa Ate niya.
Napahawak naman agad si Rave sa mga mata niya.
Lumuhod siya ng kunti at dumungaw sa malinaw
na tubig malapit sa kanya.
Tama nga sinabi ng kanyang kapatid.
Kulay-asul na ang kanyang mga mata.
Hindi man niya alam ang pagbabagong kulay nito,
basta ang alam niya na may maitutulong ito sa kanilang magkapatid.
Inakbayan ni Rave ang kanyang kapatid
at pinaupo malapit sa kanya.
Humiga sila sa malambot na mga damong nakapaligid
sa kanila habang dinaramdam ang sikat ng
araw na malumanay na tumatama sa balat nila.
THE END.
BINABASA MO ANG
HUNTERS: The Next Artemis
AdventureAng pamilya ni Rave ay sampung taong ng namumuhay ng mapayapa sa isang masukal na kagubatan. Di man niya maintindihan kung bakit di sila pwedeng manirahan sa syudad, minabuti nalang niyang aliwin ang kanyang sarili kasama ang kanyang nakakabatang ka...