"HUKAY!"
Napabangon bigla ang lahat sa sinabi ni Rave.
Nakapalibot kasi ang pamilya sa kama ng dalaga
habang hinihintay ang pagkagising nito.
Pero hindi naman nila inaasahan na sila pa ang gigisingin nito.
"KAILANGAN PO NATING HUKAYIN ANG LUGAR NA IYON....,"
hindi mapakali ang anyo ng dalagita habang
ang mga mata nito'y patingin-tingin sa paligid
na animo'y parang may hinahanap.
"Kung hindi...hindi nila ako titigilan,"
may namumuong takot at pag-alala ang
nakaguhit sa mukha ni Rave.
Kinagat pa nga niya ang dulo ng kanyang kuko na
para bang masyado siyang tensyonado.
Hindi nila malalaman kung totoo o hindi nga ba
ang sinabi nito kapag wala silang gagawin.
Kailangan na nilang kumilos.
"Kung totoo man ang sinabi ng anak natin ay kailangan
tayong maging handa sa ano mang pwedeng mangyari,"
determinadong pahayag ni Alejandro sa asawa niya.
Kung titingnan nila ng maayos ang mga pangyayari,
hindi basta-basta ang kalalabasan ng lahat.
Mula sa mga misteryosong bulaklak sa kanilang likuran,
nagpapatunay lamang ito na ibang
elemento ang pakana dito.
Ang mga pananim ay natural ng ibinigay ng daigdig
pero ang pagkontrol sa dami at anyo nito na may
halong misteryo ay lagpas na sa di-pangkaraniwang
kaayusan ng mundo.
Ang black rose at ang pagkatusok ni Rave dito
ay hindi lang normal na mga pangyayari.

BINABASA MO ANG
HUNTERS: The Next Artemis
AdventureAng pamilya ni Rave ay sampung taong ng namumuhay ng mapayapa sa isang masukal na kagubatan. Di man niya maintindihan kung bakit di sila pwedeng manirahan sa syudad, minabuti nalang niyang aliwin ang kanyang sarili kasama ang kanyang nakakabatang ka...