Sampung taon ng naninirahan sa liblib na
lugar na iyon ang pamilya ni Rave.
Ewan ba niya at ayaw ng kaniyang mga magulang
na manirahan sila sa syudad o di man lang sa lugar
kung saan may kaunting kapitbahay naman sila.
Nasa gitna lang naman ng pinakamasukal na
bahagi ng kagubatan sila nakatira.
Pawang pagsasaka, pangingisda at pangagaso
lamang ang naging paraan sa kanilang
pangaraw-araw na kinakain.
Naalala pa nga niya noon bago pa sila makarating
sa lugar na kinatitirhan nila ngayon.
Isang hating-gabi na ng biglang namulat
ang mga mumunti niyang mata.
Dinig niya mula sa labas ng kanilang bahay ang
sigawan ng mga tao.
Nakita niya ang kanyang ina na dali-daling
naglalagay ng kanilang mga damit at
gamit sa loob ng malaking bag.
Ang kanyang ama ay may kung anong
binuksan sa kabilang kwarto.
Naaninag pa nga niya noon ng pilit niyang inakyat
ang isang upuan upang makita kung anong meron sa labas.
Nakita niya ang galit sa mga mukha ng
taong may dala-dalang sulo.
Sumisigaw-sigaw pa ito ng mga salitang
hindi niya maintindihan.
Pero maya-maya lang din ay mabilis siyang
hinablot ng kanyang ina at nilagyan ang kabuuan
niya ng kumot at dali-daling pumanog sa isang
nakabukas na underground sa
likurang bahagi ng kanilang bahay.
Bago paman silang tuluyang makapanaog sa hagdang
ginawa ng kanyang ama ay nakita niya ang kulay
nalumiliyab sa mabibilog niyang mga mata---apoy.
Mabilis rin namang sinirado ng kanyang ama ang
takip na namamagitan ng bahay at ng underground
at maliksing tinungo ang madilim na anyo nito.
Napag-alaman ni Rave na napagkamalan pa lang mga
mangkukulam ang pamilya niya.
Sa lugar kasi nila noon, sinusunog at pinagpapatay sa
harap ng buong baryo ang mga mangkukulam.
Sabi ng kanyang ama, hindi naman daw totoo ang
mga binibentang sa kanila ng taong bayan.
Pero dahil na rin sa naiipit na sila ay wala na silang
magagawa pa kundi ang tumakas na lamang.

BINABASA MO ANG
HUNTERS: The Next Artemis
AdventureAng pamilya ni Rave ay sampung taong ng namumuhay ng mapayapa sa isang masukal na kagubatan. Di man niya maintindihan kung bakit di sila pwedeng manirahan sa syudad, minabuti nalang niyang aliwin ang kanyang sarili kasama ang kanyang nakakabatang ka...