Chapter 7: Unang Bangungot

32 6 0
                                    

"AHHHHHHHHHH!!! TULUNGAN NIYO KOOO!!"

Biglang nabulabog ng isang napakalakas 

na sigaw ang mag-asawa mula sa kabilang

 kwarto ng gabing din iyon.

 Agad rin naman nilang pinuntahan ito. 

Nadatnan nalang nilang nababalot sa pawis 

ang buong pagmumukha ng dalaga. 

Gulat na gulat rin naman ang tinuran ni Raven

 ng makita ang kanyang Ate sa katabing kama. 

"Ano bang nangyari sa iyo Rave?" 

Tanong ng kanyang mga magulang pagkatapos 

siyang painumin nito ng tubig. 

"Nay', Tay' natatakot ako,"

hagulgol nito at niyakap ang kanyang ina. 

"Bakit anak?"

 Tanong ng kanyang ama na may halong pag-alala.

 "Nakakatakot kasi yung panaginip ko eh,"

 sagot ng anak nila. 

"Bakit ate. Ano bang nangyari sa panaginip mo 

at bakas sa pagmumukha mo ang takot at kaba?"

 Intrigang tanong ng kanyang kapatid na lalaki. 

"Mga lalaking may espada, palakol, at pana ay nagpapatayan. 

Napakaduguan ng kanilang labanan.

 Marami sila..mula sa iba't-ibang tribu na hindi ko matukoy kung ano.

 Pero may narinig akong boses habang

 pinapanuod ko ang labanan nila. 

Sabi nito ay dapat ko daw silang patayin lahat,"

 humagulgol na naman sa iyak si Rave 

habang nakayakap sa kanyang ina. 

"Tapo-s..tapos...may bagay siyang ipinilit 

sa akin na dapat ko raw hawak---an. 

Ito raw ang gagamitin ko.

 Hindi ko matanto kung anong bagay ito,"

dagdag pa ng dalaga.

 "Tahan na Rave...tahan na," 

sabi ng kanyang ina dito. 

Kumalma naman ang dalaga. 

Lihim naman na nagpalitan ng mga tingin 

ang mga magulang ni Rave na hindi niya alam. 

HUNTERS: The Next ArtemisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon