Samantalang buong pwersang iniangat ni
Alejandro ang matigas na bagay na kanilang nahukay.
Isang pana na nakadikit sa bato ang
pinagtutuunan nila ng pansin ngayon.
Hindi nila lubos maisip na isang pana lang
pala ang huhukayin nila at maaring
bubuwisan pa ng kanilang buhay.
Pero dahil nasa harap na rin nila ito ay walang
alinlangang tinipak ni Alejandro ang batong nakapalibot dito.
Labis na lamang pagkagulat nila ng mas
naging aggresibo pa ang mga kidlat.
Sinasabayan na ito ng malakas na pwersang elektrisidad.
Pero ang mas nakakakilabot sa lahat ay ang
pagdagsa ng mga nilalang mula sa langit.
Sa malayo ay akala nila mga ibon lang ito na
nagliliparan pero nung malapitan
na nila itong nakikita ay hindi pala.
Mga uri pala ito ng mga halimaw, demonyo, aswang
at iba pang mga kakakilabot na mga anyo ng kadiliman.
Labis ang kanilang pagkagulat at
pangamba sa mga pagkakataong iyon.
Hindi naman makagalaw sa kinalalagyan ang mga
magulang nina Rave at Raven
dahil sa mga nakikita nito sa langit.
"NAY', TAY' TAKBOOOOO,"
sigaw ni Rave sa kanyang ama at ina.
Doon pa lang natauhan ang dalawa ng marinig
nila ang sigaw ng kanilang anak.
Tatakbo na sana sila Alejandro at Dianna ng bigla silang
sinunggaban ng isang napakalaking halimaw na may pakpak.
"NAY!!!! TAY!!!!!! HUHUHUUUUU"
Paiyak na sigaw nilang magkakapatid habang nakikita
sa malayo ang kanilang mga magulang na
nasa himpapawid.
Humagulgol pa sila ng iyak ng makita sa malayo
ang isa pang papalapit na halimaw.
Wala sa isip na tinakbo ni Rave ang nahukay na
pana ng kanyang mga magulang.
Dali dali siyang naghahanap ng maaring palaso para
sa nahawakan niyang pana.
Sakto rin naman na may nakita siyang babagay dito.
Papalapit na sa kanilang magkakapatid ang halimaw.
Ipinuwesto ni Rave ang pana sa direksyon nito.
Sa katanuyan ay hindi alam ng dalaga kung paano
pagaganahin ang hinahawakan niya ngayon pero
para bang may bumubulong sa kanya na ganito ang gawin.
Walong dangkal na lang ay maabot na sila ng halimaw.
Pinakiramdaman ni Rave ang hawak niyang pana at palaso.
Sobrang gaan ng pagkakahawak niya rito na
nakapagpanibago naman para sa kanya.
Pumikit siya at ibinukang muli ang kanyang mga mata.
Binitawan na niya ang palaso.
Pero mas nakakagulat ang nakikita niya.
May kung anong kapangyarihan ang bumalot sa pana
at palaso na siyang dahilan ng pagkalipad niya sa malayo.
Tinamaan rin ang papalapit na halimaw
na kanina pa niya kintatakutan.
Pero may iba pa siyang kakaibang nararamdaman.
Isang malakas na enerhiya ang kasalukuyang
dumadaloy ngayon sa buong niyang sistema
hanggang sa hindi na niya mapigilan pa ang
rumaragasang daloy nito at bigla
siyang napasaigaw ng pagkalakas lakas. "
AHHHHHHHHHH!!!!!"
Napapikit pa nga siya sa kakasigaw.
Tila ba nilamon lahat ng kapangyarihang iyon ang mga
halimaw na kanina lamang ay
malayang nagliparan sa himpapawid.
At sa muling pagdilat ng kanyang mga mata ay
kakaibang liwanag ang kanyang nadarama.
Lumiwanag na ulit ang paligid.
Tumakbo si Raven papunta sa kanya at
niyakap siya ng pagkahigpit-higpit.
Hindi nga siya makapaniwala kung totoo nga
ba o hindi ang mga nangyayari.
Pero ng makita niyang silang dalawa nalang ng
kanyang kapatid ay doon niya napagtanto.

BINABASA MO ANG
HUNTERS: The Next Artemis
AdventureAng pamilya ni Rave ay sampung taong ng namumuhay ng mapayapa sa isang masukal na kagubatan. Di man niya maintindihan kung bakit di sila pwedeng manirahan sa syudad, minabuti nalang niyang aliwin ang kanyang sarili kasama ang kanyang nakakabatang ka...