Lintik na LIGA 'yan!

74 5 0
                                    

PROLOGUE

BUKOD sa Break time, Lunch time, P.E., Free time, Dismissal, Weekends, and Holidays, idagdag mo na rin ang Suspension para bongga, wala ng mas sasarap sa pandinig ng mga estudyante ang salitang bakasyon, na pati ang mga atom at molecules natin ay nagwawalwalan dahil sa tuwa.

Huwag mo ng ikaila! Biruin mo, halos sampung buwan ang ginugugol natin sa paaralan.

At 'yun na nga, dahil ang bakasyon ang tagapagligtas natin mula sa mga gurong walang sawang nagtuturo sa atin para magka-quiz at exam. Idagdag mo pa ang mga project and thesis na sobrang gastos, na hindi mo na alam kung paano pagkakasyahin ang allowance mo sa loob ng isang Linggo dahil wala kang takas sa treasurer niyo.

Diba ang lupet?

Kaya salamat talaga sa bakasyon na 'yan.

Pero ibahin niyo ako! I mean, si Wynzilyn de Borja, dahil sa lahat ng mga estudyanteng sabik na sabik sa bakasyon dahil sawang-sawa na sa pagmumukha ng kanilang mga classmate, well... iba lang naman ang kaniyang dahilan. Ang makasama ang kaniyang idolo.

Her sister.

Para sa kanya, ito na ang pinakamasayang bakasyon dahil sa wakas, after five years pinayagan din siya ng kaniyang ina na makasama siya.

Simpleng bakasyon lang ba ang kaniyang mararanasan, o mas mahirap pa kumpara sa pag-aaral?

Ano ba ang sasalubong sa lugar ng kaniyang bakasyon?

Bukod sa wala ng lessons, quizzes, assignments, exams, project, thesis, and funds, walang sawang puyatan, galaan, puyatan, galaan, puyatan, galaan ito! Idagdag mo pa na may pa-LIGA si mayor! O 'di ba? Sulit na sulit.

Meron para sa mga bata, kabataan, pati rin sa mga matatanda. Mapa-babae man o lalaki, bakla o tomboy, in na in ka!

Basta ba marunong kang maglaro ng basketball at volleyball, keri 'yan! Malas mo lang kung mapag-tripan ka ng barkada, siguradong sure ball ka! Pwede sa katawan, ulo, noo, at mukha.

Pero mas malas ka kung pati sa puso. 'Di lang malas, talong-talo ka na, wasak na wasak pa!

Kaya sa paglalaro, laro lang. Walang hanapan ng lablayp.

Tara, sama tayo! Mukhang masaya 'to, treat ko. Hehehe...

Lintik na LIGA!
written by: borntobezyreal
All Rights Reserved
No Copyright!

***

Lintik na LIGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon