Kabanata 7: Training

48 2 0
                                    

Wynwyn's POV

YOU can't believe this! You can't! Okay, you can. It's been three days since I finally joined LIGA and any updates? Well, hindi ko pa alam kung saang team ako dahil this coming Saturday pa i-a-announce.

Excited? Kinda. Hindi ko kasi kayang i-deny na kinakabahan din ako. Gusto ko pa nga sanang umatras nang malapit na kami sa bahay nung committee member na pinuntahan namin para magpalista. Ang kaso, nabudol na naman ako nung dalawa.   Kaya nandito kami ngayon sa court at tinuturuan nila ako. They don't have any choice but to do that.

Pero sabi nga na hindi lahat ng bagay ay madali. Kailangan mo muna itong paghirapan bago mo ito makuha. Kaya naniniwala ako na hindi madali ang matuto maglaro ng volleyball lalo pa't ilang araw na lang ay magsisimula na ang unang laro. And big realization? Mas mahirap palang magturo ng volleyball lalo pa't sa tulad ko.

Katulad na lang ngayon. Sumisigaw na naman si Adam ng habol! O 'di kaya naman ay habulin mo, Wyn! Hindi ko tuloy alam kung kanino ako maaawa. Kung sa sarili ko ba na kanina pa nasisigawan at napapagalitan ni Adam dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nahahabol 'yung bola, o kay Adam na butas na ata ang litid kakasigaw sa akin. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin makuha-kuha 'yung mga paalala nila sa akin. Paano ba naman kasi! Ang sabi nila kailangan ko raw habulin ang bola kapag malapit sa pwesto ko ang direksyon nito, hindi 'yung aantayin ko pang sa akin mismo mapunta ito. Oo at naiintindihan ko pero walangdyo! Paano ko mahahabol 'yung bola kung sinasadya ni Adam na ilayo sa akin ang bigay niya?

Kung may makakakita nga lang na iba sa itsura namin, baka mandiri pa sila dahil sa pawis na nagpapalagkit sa aming pakiramdam. Kanina pa kasi kami rito ng umaga. Maaga talaga kami gumigising para mag-jogging at pagkatapos deretso na kami rito sa court para turuan ako. Uuwi lang kami ng bahay bago mag-tanghalian para kumain, magpahinga ng kaunti, at makapaglinis ng katawan tapos balik ulit kami dito alas-dos ng hapon. And time check? God knows I don't have any idea. Adam is so, so, so ruthless and merciless! Ni hindi niya ako pinapayagan na umupo man lang kahit saglit! Even to drink water? He's cruel!

"Bethel!" Tawag niya sa kaibigan nang hindi ko muling nasalo ang bolang hinagis niya for the myriad times. Nasa bleachers siya nakaupo sa ikatlong palapag habang enjoy na enjoy ang pag-inom ng malamig na tubig. Napalunok ako. Gusto ko ng uminooooom! "Ikaw naman nga! Papanget ako kay Wynwyn nito, eh!" Atungal niya.

Naiintindihan ko naman si Adam. Talaga ngang nakakapagod magturo pero hindi nun mapipigilan ang sarili ko na tingnan siya ng masama. As in sobrang sama! What does he mean? Maganda pa nga rin ako even in my sweaty looks. Ayaw niya nun? Mahahawa ko siya!

Kahit medyo malayo kami sa kaniya, kitang-kita ko ang pagtaas niya ng kilay kay Adam. Nasa gitna kasi kami ng court at siya ay nasa bleachers. Good thing tatlo lang kami ngayon at walang ibang tao ang naglalaro dito. Hindi maaabala ang one-on-one session nila sa akin.

"Dam, ang usapan ay usapan."

"Kasi naman, eh! Pagod na ako! Baka naman pwedeng ikaw muna!" Paawa niyang sabi.

Napagkasunduan kasi namin na maghahati sila sa pag-train sa akin. Umaga kay Bethel, hapon Kay Adam. And just to remind him, hapon po ngayon.

"Kasalanan ko ba? Sino ba kasi nagsabi na huwag kayong magpahinga? Ikaw 'tong tuloy-tuloy mag-train kay Wyn, eh! Tapos isisisi mo sa akin?" Tama, tama! Ipagtanggol mo 'ko, Bethel.

Lintik na LIGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon