Kabanata 5: Eric the Great

27 5 0
                                    

Wynwyn's POV

LINGGO ngayon ng hapon at niyaya ako nila Adam at Bethel na sumama sa kanila sa court. Maglalaro daw kasi sila ng volleyball at gusto nila ako makalaro. Ang kaso, hindi naman ako marunong maglaro nun kaya hindi na lang ako sasama. Pero dahil mapilit sila at sinabing ayos lang basta sumama lang daw ako, pumayag na rin ako. Tutal ipinagkakanulo na rin ako ng ate ko sa dalawa at hindi talaga sila magpapatalo makasama lang ako.

Habang naglalakad ay mas lalo akong humahanga sa ganda at laki ng mga bahay dito sa village. 'Yung iba ay agaw-pansin dahil sa kulay ng pintura na animo'y laging bago. 'Yung iba naman ay dahil sa disenyo at istruktura ng mga ito. Kapansin-pansin din ang kaliwa't-kanan na mga basurahan sa labas ng mga bahay. Maayos itong natatakpan upang hindi mangamoy at mahalukay ng mga galang aso't-pusa. Pero mukhang hindi naman talaga ito mahahalukay dahil wala naman akong nakikitang gumagalang aso o pusa. Kung meron man ay kasama nila ang kanilang amo na nakakasalubong o nakakasabay namin sa paglakad. Tila ginagala sila o di kaya naman ay isinasama sa pagtakbo bilang ehersisyo.

"Dito tayo daan!" Turo ni Bethel sa pakanan na daanan.

"Dito?" Tanong ko.

Mula kasi sa dire-diretso naming lakad mula sa apartment, nahati na ito sa dalawang daan na mistulang pa-letter "Y". 'Yung isa ay pa-kanan at ang isa naman ay pa-kaliwa.

"Eee... Dito na lang! Sisilayan mo lang si Eric diyan!" Maktol ni Adam.

"Hindi, ah!"

"Hindi daw? Mukha mo, Bethel, 'wag ako. Si Eric lang naman ang laging dahilan ng pagdaan mo diyan, 'di ba? Kaya 'wag na."

"Grabe naman sa laging dahilan ng pagdaan ko diyan!"

"O, bakit? Hindi ba?"

"Teka! Teka! Sino ba 'yung tinutukoy niyong Eric?" Singit ko na. Hindi ko kasi alam kung bakit sila nagtatalo. Malay ko ba kung sino 'yung Eric.

"Ay! Nandiyan ka pala, Wyn?"

Napanguso naman ako sa sinabi ni Adam. "Ang harsh mo."

"Joke lang, bakla." Bawi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"'De wala! 'Di uso sorry 'di ba, Wyn?" Pananakot ni Bethel.

"Ay! Oo, Wyn! Si Eric? Oo. Siya lang naman ang long time crush niya na PINAPAASA lang siya." Sagot ni Adam sa tanong ko kanina para maiba ang usapan.

"Weh!?"

"Yes. Kaya nga naiirita ako sa lalaking 'yun! Masyadong paasa. Ay, mali. Paasa talaga."

"Huwag ka naman ganiyan. Alam naman nating pareho na mabait at masarap talaga siyang kasama. He's sweet." Depensa ni Bethel.

"Tingnan mo 'tong baklang 'to. Narinig mo naman ang sinabi niya, Wyn, 'di ba?" Tumango ako bilang tugon sa tanong ni Adam. "Alam kong kahapon ka lang namin nakasama, pero pansin mo naman siguro na sa aming dalawa, itong baklang 'to ang malakas mambara at mang-asar sa amin. Pero pagdating sa lalaking 'yun, tiklop 'to."

Tiningnan ko naman ng maigi si Bethel at pansin ko nga ang lungkot sa kaniyang mga mata kahit nakabusangot ang kaniyang mukha dahil sa mga sinabi ni Adam. Mukhang tinamaan nga ang loko.

Lintik na LIGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon