Kabanata 6: Undecided Decision

38 5 0
                                    

Wynwyn's POV

NANDITO kami ngayon sa labas sa tapat ng apartment. Meron kasi ditong upuan na gawa sa kahoy. Tama lang ang haba nito na kasya sa limang tao. Wala kasi kaming magawa sa kani-kaniya naming tirahan kaya naisipan na lang nila dito sa labas.

"Hay, naku! Ang init sa Earth!" Atungal ni Adam habang hawak ang kaniyang mini chargeable fan at tinututok sa kaniyang sarili.

"Maligo ka kasi para hindi ka mainitan." Bara ni Bethel.

"Ay, bakla, kita mo namang basa pa ang buhok ko 'di ba? Malamang kaka-ligo ko pa lang!"

"Malay ko ba kung binasa mo lang." Bulong pa niya.

"Grabe ka sa'kin."

"'Wag ka kasing mareklamo diyan! Buti nga nasa Earth ka pa."

"Bakla, hindi ako nagrereklamo. Sinasabi ko lang kung ano 'yung nararamdaman ko. Mamaya, bigla na lang ako magliyab dito kung 'di ko pa sabihin."

"'Wag kang O.A."

Sa tatlong araw ko pa lang dito, immune na ako sa pagtatalo nilang dalawa. Hindi ko nga alam kung magkaibigan ba talaga ang dalawang 'to o magkaaway. Laging nagtatalo, eh.

Pero ganun nga siguro ang tunay na kaibigan, sila mismo ang numero unong kontrabida sa buhay mo but in the end sila pa rin ang unang-unang susuporta sa lahat ng gusto at desisyon mo.

Pero naalala ko na kinausap pala kami ni Eric kahapon at hindi pa namin iyon naikukwento sa kaniya. Mukhang nakalimutan na rin ni Adam.

"Actually, nakausap namin si—"

"Ah, oo! 'Di ba, Wyn? Nakausap natin si ate Grace at sabi niya na tigilan mo na raw 'yung kumag na 'yon kasi wala ka raw mapapala dun. Masasaktan ka lang kapag hindi ka pa tumigil. Right, Wyn?" Putol niya sa sasabihin ko with matching panlalaki pa ng mata na sinasabing sumakay ka na lang look.

"Ah, oo. Hehe."

"Kung ganoon nga kadali bakit hindi?" Naiinis na sabi ni Bethel.

"Kung gusto maraming paraan. Kung ayaw—"

"Maraming dahilan. Alam na alam ko na 'yan, Dam. Hindi mo na kailangan ulit-ulitin at masakit na sa tenga. Masyado ng gasgas."

"Napaka-defensive mo naman masyado! Hindi ka napaghahalataan, eh, noh!"

"Tumahimik ka na nga! Kung ano-ano pa sinasabi." Nakahalukipkip na saad ni Bethel.

"Trot hurts, bakla."

"Oo, na. 'Wag mo ng ipamukha."

Matapos nun ay nagpatuloy na kami sa pagkukwentuhan. Marami akong nalaman tungkol sa kanila at syempre ganun din sila sa akin. Even the embarrassing moments nila walang pakundangan nilang ibinulgar sa akin. Nag-alinlangan pa nga ako kung anong ikukwento ko nang tanungin nila ako. Ano pa nga ba ang nakakahiyang pangyayari sa buhay ko bukod sa tuwing bakasyon sa probinsya? Goodness sake, wala na! Napilitan tuloy akong gumawa ng kwento at sabihing...

"Wala...?" Alinlangan kong hayag.

"Wow! Edi ikaw na! Ikaw na ang perfect!" Komento ni Adam.

Lintik na LIGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon